Chapter 4

9K 378 17
                                    

Matt's POV

"An-d the last pair.  Matthew and Gabby"


Matapos kong marinig ang pangalan ko na kapartner si gab ay nakahinga na ako ng maluwag.  Kung tutuusin, masaya ako na siya ang nakapartner ko ngayon sa gagawin naming activity.  Mabait naman siya, maganda at madaling pakisamahan. Simple lang din siya gaya ng gusto ko. Ayaw ko kasi sa mga babaeng masyadong papansin at madaming nilalagay sa mukha.  Nakakaasar lang makita.



Magpapakilala muna ako bago ang lahat.  Ako si Matthew Alcantara, 17 years old.  Meron akong panganay na kapatid at si Ate Mika yun. Kaklase ko din si Gabby at ang kapatid niya, bukod dun mga kaibigan ko rin sila.   Kabilang ako sa mga students ng worst section.  Pano ba naman kasi hindi magiging worst, ingay dito, ingay doon.  Lagi nalang kailangang manaway tapos may magagalit pa.  Hindi marunong magkusa, yung iba walang respeto sa nakatatanda. Galing diba? Hakot award kami. 




"So Yohan and Sophie, Please come here in front" biglang sabi ni mam na nakaupo sa unahan na may hawak na mga papel.  Dun niya siguro ilalagay yung grades. 

'Go baby Yohan'

'Whooo'

'Hokage si Yohan'

'Go Sophie Baby'


Sigawan ng mga papansin kong kaklase sa likod at karamihan pa sa kanila ay mga babae.  Nakakairita.  Di na ako nagabalang lumingon at binigay ang buong atensyon sa dalawa kong kaklase sa unahan.

"Ano po bang gagawin nila mam?" tanong na naman ni Vince.  Wala talagang kadala dala ang isang to. 

"Obviously, kakanta kayo with your partner.  Alangan namang sumayaw diba? Di naman tayo P.E ngayon" pilosopong sagot ni mam. May nalalaman din palang ganun ang isang to. 

'Ano ka ngayon'

'Papalag ka na vince?Hahaha'

'Nganga tayo bes'

Psh. Katahimikan sa classroom na ito.  Mga walang patawad eh. Di tuloy makapagsimula yung dalawa. 

"Ang hinahanap ko lang naman, pag once na tumayo kayo dito sa unahan ay ang focus sa kantang inyong napili.  Tsaka pag kumakanta may eye contact sa audience, hindi yung may mannerism pa na pasayaw sayaw.  And lastly, with feelings, kailangan niyong namnamin ang bawat lyrics ng kanta.  Hindi naman pwedeng kakanta ka lang ng parang wala lang. You need to feel it" sunod sunod na sabi ni mam habang nakatingin samin.  Hindi na naman ako kinabahan sa sinabi niya dahil alam ko namang kayang kaya namin yun ni Gab. 

And speaking, lumingon ako sa parte kung san siya nakaupo at deretso lang siyang nakatingin sa unahan. Nakakuyom ang kanyang dalawang palad na parang nagdarasal. Halatang kinakabahan. 

'Don't worry Gab. We can do it'

Gab's POV

"You may start"

Tahimik akong nakatingin kay Yohan at Sophie dahil magsisimula na silang kumanta. Kanina pa nakakuyom ang dalawa kong kamay dahil sa sobrang kaba. Una, dahil hindi naman ako ganun kagaling kumanta baka mapahiya lang kami.  Pangalawa, kapartner ko  nga si matt diba.  Baka mahatak ko siya pababa.  At pangatlo, di ko alam kung anong kakantahin namin.  Hindi naman pwedeng magnguynguy lang ako sa unahan edi napagalitan naman ako.  Hays.  Sana bumilis agad agad ang oras at hindi na kami abutin. 


'105 is the number that comes to my head'

'When i think of all the years i wanna be with you'

Worst Section Where stories live. Discover now