Chapter 26

6.3K 130 16
                                    

Gab's POV


Panibagong araw na naman Gabby. Hays. Parang tanga akong nakatitig sa alarm clock na nasa side table dahil mas nauna pa akong nagising bago yun tumunog. Agad na akong tumayo sa higaan dahil wala din naman mangyayari sakin kung tutulala lang ako. 



Habang tumatagal lalo na akong tinatamad pumasok sa school. Di niyo naman ako masisisi diba? nakakatanga na kasi na araw araw ka nalang gigising ng maaga.  Wala din namang bago kundi kabaliwan lang lagi ng mga kaklase ko.




Pagkatapos ko magayos ng higaan ay agad na akong nagtungo sa cr to do my thing. Ligo, toothbrush, bihis, suklay, ayos ayos lang ng very light and tadaaaa! tapos na ako kaya pwede ng kumain.


*phone vibrates*




"Ah? sino naman magtetext ng ganito kaaga?" agad akong lumapit sa cellphone ko na nasa side table dahil baka kung sino yun. Wala naman kasi akong katext kaya never ako nagexpect na magvibrate yun.




Mabilis kong tiningnan ang messages at pangalan ni Hailey ang bumungad sakin. Mukhang good mood ang best friend ko ngayon dahil hindi naman ganyan dati. Hula ko nagising din siya ng maaga gaya ko at good vibes pa ang ati mo. Nagabala pa talagang itext ako.


From: Bes

Good Morning Bes:) Kitakits sa room ha!



Napakibit balikat nalang ako matapos mabasa ang text niya. Nacurios tuloy ako bigla dahil baka kung ano na namang balita ang dala niya para lang sakin.  Baka sumabog yung tenga ko mamaya.




Anyways, dinala ko na ang aking cellphone palabas ng kwarto at nilagay sa palda ko. Mabilis na akong bumaba ng hagdan dahil may naaamoy na agad akong pagkain, lalo na yung hotdog.



"Whoa! Kuya may himala ata ah" natatawa akong bumaba ng hagdan ng makitang mag isang nakain si kuya gabriel sa lamesa na nakabihis na din gaya ko.  Mukhang ang agap ng gising.



"Bakit? Masama na bang gumising ng maaga ngayon?" katwiran niya habang di pa din natingin sakin kundi sa pagkain lang. Patay gutom na ba yung kapatid ko? Kahit isang segundo lang di niya manlang ako pinadaanan ng mga mata niya.



"Suplado mo naman kuya. Meron ka ba? Porke may Mika ka na jan.  Di mo na ako pinapansin" paawa factor ko sa kanya kaya napatingin na siya sakin. Sabi ko na, gagana eh.




"Mika ka jan? Di pa nga ako sinasagot eh" lumapit ako bahagya sa pwesto niya at nagsimula ng kumain. Di manlang ako inakit ng napakagaling kong kapatid. 




"Okay nga yun eh. Kailangan pa kasi ni Ate Mika ng napakaraming time para magisip kung sasagutin ka pa ba o ano. Yung mga ganyang bagay kasi talaga pinagiisipan ng matagal kaya kung talagang mahal mo talaga, MAGHINTAY KA" para akong tangang nakangiti sa kawalan dahil masyado akong natutuwa sa mga nangyayari. Alam ko kasi na ayaw ng kapatid ko na pinaghihintay siya, mabilis siyang mabugnot eh.




"Talaga! Maghihintay ako. Kahit uugod ugod na ko. Kahit mapuputi na yung buhok ko. Kahit di na ako makayuko. Kahit di na ako gaano makarinig.  Maghihintay ako kay Mika" taas noong sagot niya sakin kaya muntik ko ng mabuga yung kinakain ko sa mukha niya.




"Maghihintay your face kuya.  Eh paghihintay nga lang ng taxi jan sa kanto, paghihintay sa cr dahil mahabang pila, paghihintay sa mall dahil maraming binibili si mommy, paghihintay ng order sa restaurant. Eh ASAR NA ASAR KA NA" emphasize ko talaga yung sa huling part dahil totoo naman. Ayaw niya talaga ng naghihintay eh.



"Tsk!"



Mabilis siyang tumayo sa harap ko at dumiretso palabas.  Alam ko naman kasing wala na siyang masabi dahil totoo naman lahat ng yun. Sakin pa siya lulusot eh alam ko lahat ng baho niya. Agad na akong kumain at kinuha ang bag ko para deretso na sa labas.  Baka iwanan pa ko ng kuya kong magaling.  Baka maasar pa dahil sa paghihintay niya.



"Nandito na kooooo! nakakahiya naman sa naghihintay" ani ko kahit wala akong kausap dahil nasa loob na agad siya. Mabilis na akong sumakay sa likod ng sasakyan at hindi na nagsalita pa.  Makapagearphones na ngalang dahil alam ko naman na hindi ako kakausapin ng kasama ko ngayon.


*few minutes later*



Mabilis kaming nakarating sa campus ng kapatid ko dahil sa mabilis na pagpapaandar niya kanina.  Halatang halata na taeng tae na siyang makita yung kapatid ni matt. Tinamaan na nga ata ang loko.


"Oy hala. Si Ate mika ba yun? May kasamang iba oh"



"Nasan?" aligagang lingon niya sakin kaya napangiti nalang ako. Nagiba na nga yata yang kapatid ko dahil sa lintibeng pag ibig na yan.


"Joke lang kuya. Hahaha.  Charot charot" natatawang sagot ko sa kanya kaya lalo niya na akong hindi pinansin. Nauna na siyang naglakad sakin, samantalang ako nakatanga padin dito sa parking lot na parang nagiintay ng pasko.



Sinulyapan ko ang aking wrist watch at nakitang medyo mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang first period. Mas okay naman siguro na maglakad ako ng mabagal at magsoundtrip,  wala na din namang magawang iba eh.  Minsan lang ako magrelax.



Magsisimula na sana akong maglakad ng biglang may tumawag sakin-" Oy Gabby!" nilingon ko kung sino ba yun at bumungad sakin si Vince. Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sa pwesto ko. Hindi naman kami ganun kaclose at bihira niya lang akong tawagin ang pangalan ko. Kaya nakakapanibago.



"Oh bakit?"


"Wala lang. Invite lang sana kita na manood nung anime na pinapanood ko. Hahaha ang ganda promise. Try mo siya minsan pag may time ka" nakangiting tugon niya sakin sabay alis sa harapan ko. Hays. Di ko talaga alam sa lalaking yun kung anong nasa utak. Minsan laging lutang tapos minsan naman bigla ka nalang kakausapin sa kawalan. Kaloka. 



Nagsimula na akong maglakad papuntang room habang nakaearphones pa din. Wala na naman sigurong tatawag sakin sa lagay na to dahil hindi naman ako ganun ka famous gaya ng iba na pagpasok palang ng gate may babati na. Eh pag sakin? Guard lang ang nabungad at ID lang ang kailangan niya.  Hays. Kaya mas mabuti na sigurong maging out of this world. Walang pakialam sa paligid. Mas masaya pa ako nun.



"Bessssssssssssssssyyyyy!" bago palang ako papasok ng room ng sinalubong na ako ng yakao at abot langit na ngiti ni Hailey. Mukhang magkasunod lang kaming dumating dahil ibababa niya palang yung bag sa upuan.




"Wow ha! Parang nawala akong ng ilang taon at ngayon mo lang natagpuan.  Oa mo bes" natatawang sambit ko habang naglalakad sa upuan ko sabay lapag ng bag. Nasa tabi ko padin si Hailey.




"Ano bang meron at sobrang saya mo jan?" takhang tanong ko. Ps nakatayo padin kaming dalawa. 




"Wala lang. Gusto ko lang maging masaya tsaka magbago na namang upcoming na kdrama kaya may gagawin na ako sa bahay" ani niya sakin na para talagang tuwang tuwa sa nangyayari. Hays. Napakachildish.



"Akala ko naman nanalo ka na sa lotto"



"Lotto ka jan. Wala naman akong malay dun" saad niya sabay upo. Mabuti naman naisipan na niyang umupo dahil nangangalay na ako.


"Bes, may ikekwento nga pa-"



"EH? SINO MAY SABI?" halos sabay kaming napalingon ni Hailey dahil sa sigaw ni Sam sa kawalan. Di ko alam kung may dahilan ba o Oa lang talaga siya.



"Ano yun?" kalmado kong tanong sa kanila at ngayon ko lang napansin na karamihan ay nakatayo at may hawak na libro.



"MAY QUIZ DAW!


"EH? SINO MAY SABI?"

------

Hola! Alam kong nakakatanga tong tanong ko sa inyo guysss hahaha.  Pero pano ba magdedicate?  Plano ko sana idedicate yung ilan sa magiging chapter ko sa mga mahilig magcomment. Para naman masaya hehe.  Icomment niyo nalang dito guysss.
Salamat :)) Fighting ~~~~~

Worst Section Where stories live. Discover now