Chapter 13

4.4K 150 4
                                    


Diane's Note: Hi guys:) Pasensya na sa mabagal na ud dahil maraming gawa ang dumaan sa mga araw na nakalipas. Pero wag kayo magalala.  Babawi ako guys:) Thank you:)

Matt's POV

"May gagawin ka mamaya?"

Lumapit ako ng bahagya kay Gabby para marinig ko kung anong sagot niya. Kaalis lang naman ni ma'am at sigurado akong di pa naman yun darating agad.  Ang boring kasi kung sa bahay lang ako mamayang uwian kaya tinatanong ko siya ngayon kung may gagawin siya. 


"Ah-m wala naman siguro" alinlangang sagot niya sakin. Di ata sigurado. "Bakit?" tanong niya pa. "Wala lang, stroll tayo mamaya" nakangiting sagot ko para pumayag siya.  Naggagala naman ako pagkatapos ng klase kaso si Ate Mika lang ang lagi kong kasama,  kaya ngayon si Gabby naman ang aakitin ko para maiba.  Nakakasawa na haha. 



"Pano na ko?" lumingon ako kay Hailey dahil bigla na lang siyang nagsalita.  Kinig naman niya siguro yung usapan namin dahil nandun lang siya sa likod ni Gab. 


"Edi sumama ka samin" si Gab na sumagot. Ibig sabihin payag na siya. Parehas na kaming nakatingin kay Hailey at nagaantay ng sasabihin niya.  Di ko maintindihan kung ano bang problema niya sa pagsama samin,  nakaismid kasi sakin. 



"Wag na pala. Ayaw ko namang maging third party sa inyong dalawa" seryosong sagot niya sabay iwas ng tingin.  Nakakatawa lang na yun agad ang iniisip niya eh wala namang namamagitan samin ni Gabby. Magkaibigan kami at kaibigan ko rin siya.  Kaya wala namang problema yun sakin.  Mas masaya kung mas marami eh.



"Edi sasama ako. Para may partner ka" Biglang sulpot ni Iggy sa gilid ko sabay akbay.  Nagkatinginan na lang kami ni Gabby sa kawalan.  Mukhang parehas kami ng iniisip tungkol sa dalawang to.  "Oh ayan pala si Iggy. Edi tayong apat.  Para di ka na nagrereklamo jan" pabalang na sagot ni Gabby sa best friend niya.  Hindi ito sumagot bagkus ay nanahimik nalang.



"Sige ah.  After class" ani ko sabay talikod.  Ramdam ko na nakasunod pa din sakin si Iggy sa direksyon ko kaya nilingon ko siya. "May gusto ka kay Hailey no?" panghuhuli ko sa kanya. Naglakad ito ng mabilis papunta sa harapan ko tsaka siya nagsalita. "Wala" walang emosyong sagot niya kaya tinapunan ko siya ng pang asar na ngiti.  Kilala ko si Iggy at alam kong magaling siya magtago ng emosyon.  Siguro wala nga siyang gusto kay Hailey pero baka special na ang turing.  Halata ko naman kasi lagi sa kilos ng lokong to.  Lagi nalang pati sila nagaaway. 




"Sabihin mo nalang sakin kung meron man. Di na ako magtataka.  Tutulungan pa kita" ani ko sabay lakad papunta sa upuan ko.




Tahimik akong umupo at tumikhim. Di ko alam sa sarili ko kung bakit agad agad akong nagakit sa stroll eh hindi ko pa naman alam kung san magandang dalhin ang mga kaibigan ko.  Matagal na naman kaming nakatira dito pero hindi naman ako ganun kalayas para malaman lahat ng pasyalan. Tsk.Tatanungin ko nalang siguro sila mamaya. 



Sam's POV



Tahimik akong nagsusulat ng notes dito sa upuan dahil wala pa naman si ma'am. Mas gagaan kasi ang gawa ko kung kakawilin ko na to ngayon.  Ayaw ko kasi na lagi nalang may naghihintay na gawain sakin sa bahay. Lagi na nga lang akong inuutusan, edi mas lalo ng di ko na to nagawa.




Ako si Sam de los reyes. Isang simpleng magaaral ng university na to.  Mabait naman ako kung mabait din ang turing nila sakin. Pursigido talaga akong makakuha ng mataas na grades para naman maproud sakin ang parents ko. Para sa pagdating ng panahon, may maipagmamalaki din ako sa kanila. 



"Ano yan Sam?"lumingon ako sa nagsalitang si Lucas. Lagi nalang yan ganyan tuwing nagsusulat ako.  Pero ayos lang naman, siguro sadyang mausisa lang siya. 




"Sinusulat ko lang yung summary nung tinuro kahapon" ani ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Sanay na naman siguro siya na lagi nalang akong busy. Pakiramdam ko kasi di ako makakasurvive sa isang grading pag wala manlang sulat.




"Ako nga eh walang sulat kahit isa sa ganyan" natatawang saad ni Lincoln kaya napalingon nalang ako sa kanya.  "Bakit kasi ang tatamad ng mga lalaki" nakangiting tugon na ikinatawa naman nila. "Tamad lang talaga kaming maging masipag" sagot naman ni Lucas.  Di ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsusulat. 




Pero dun sa sinabi ko kanina.  Hindi naman lahat ng lalaki ay tamad pagdating sa pagaaral.  Sadyang yung iba ay pursigido makatapos  at yung iba naman ay wapakels lang.  Mas gugustuhin nalang kasi nila na magenjoy kesa mapressure. 



"Good Morning po"



Natigil ang mga ginagawa namin dahil bigla nalang may nagsasalita sa unahan na wala manlang pasabi.  Di manlang kumatok para senyasan kami na may tao pala.  "Uwian na diba?" nilingon ko si Vince na sumigaw nalang bigla kaya natawa kami.  Bakit kasi ang hilig hilig niyang pangunahan ang sasabihin ng iba.  Wala na tuloy suspense. 




"Bakit daw po?" ako na yung nagtanong dahil baka hindi pa siya makasalita dahil sa ingay ng karamihan samin.  Buti nalang at mukhang nakaramdam din sila kaya tumahimik. "Wala daw po si ma'am ngayon dahil may inasikaso daw na mahalagang bagay. Kaya sabi po niya sakin n-"



"Na uwian na diba?" Pagpipilit ni vince kaya pinatahimik namin siya.  "Na gawin daw po yung nasa module. Page 126" sunod sunod na sabi niya.


'Eh kaunting oras nalang naman ang natitira'

'Oo nga. Tsaka di na namin yun matatapos'

'Hindi na nga siya pumasok tas ipapagawa pa'




Mabilis akong tumayo at pumunta sa direksyon ng silid aklatan.  Bumalik na ako sa aking upuan ng makuha ko ang aking module.  Yung mga kaklase ko kasi, andami pang sinasabi di nalang gumawa ng maayos para matapos na. Lumingon ako sa unahan at nakitang nandon pa pala yung nagannounce.  Sa pagkakaalam ko, kung hindi ako nagkakamali Robert ang pangalan niya. 




"Wait lang.  Joke lang yung kanina.  Pwede na daw po kayong umuwi.  Thank you" natatawang sambit sabay labas ng room namin.





Lumingon ako sa paligid at nagkakagulo na ang mga kaklase ko.  Yung iba nagsasakbit na ng bag, gulo gulo ang upuan na wala manlang silang balak na ayusin yun.  Basta mabilis silang nasilabasan sa pinto para makauwi na.  Napaismid nalang ako dahil hawak ko parin ngayon yung module na akala ko may gagawin.  Bwisit. 

Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon