Chapter 11

5K 160 5
                                    

Andrew's POV


Whooo yun oh buti may exposure din pala ang kagwapuhan ko dito author. 

( Tse. Wag kang magulo baka magbago pa isip ko)

Sabi ko nga. 


Kasalukuyan akong nandito sa room namin at naghihintay nalang magbell. Nakakatamad kasi tumayo kaya di na ako nagabalang pumunta at makipagsiksikan sa mahabang pila ng cafeteria, baka magasgasan pa ang makinis kong mukha.  Mahirap na.


Buti nalang talaga at pumayag si Caleb na ibili niya ako sa labas tutal gusto niya naman lagi na naeexpose ang mukha sa mga girls. Para daw marami siyang mabingwit na girls kumpara sakin.  Tsk.  Hindi ko naman maipagkakaila na ako pa din ang pinakamatinik sa aming magbabarkada.  Hindi naman sa mayabang,  sinasabi ko ang lang totoo.



Ako si Andrew Clark.  Gwapo, mayaman, chick magnet at  malakas ang dating.  Wala akong girlfriend dahil hindi pa natibok ng matino ang puso ko, pero flings marami. Di ko naman yun kasalanan dahil sila ang may gustong lumapit sakin.  Wala na akong magagawa. 




Kasalukuyan akong nasa tabi ng barkada ko na si Phoenix at napansin ko na masyado siyang tahimik.  Alam kong may problema ang isang to, dahil kung wala hindi naman siya magkakaganyan.



"Bro, panis na yang laway mo" tumawa ako ng bahagya para sana madala siya kaso walang emosyon lang siyang lumingon sakin sabay iwas uli ng tingin.  Ano naman kayang problema ng lokong to!



Wala na akong ibang magawa kundi umiwas ng tingin at magkutingting ng cellphone.  Para naman kasi akong tanggang nakikipagusap lang dito sa hangin.



"Inom tayo mamaya sa inyo"


Mabilis akong lumingon sa kanya at mukha naman siyang seryoso. Kilala ko si Phoenix at hindi siya mahilig makipaginom o magbonding sa barkada dahil loyal siya kay Carla na girlfriend niya. Under siya nito kaya pag sinabi ni Carla na wag munang sumama samin, di siya sasama at uuwi na agad sa kanila.  Pero dahil siya na tong mismong nag aakit, mukhang alam ko na kung bakit matamlay siya.



"Seryoso ka ba jan?" paguulit ko sa kanya dahil baka nananaginip lang siyang mulat. 




"Mukha ba akong nagpapatawa drew?" ani niya habang deretsong nakatingin sakin.  Sabi ko nga, seryoso siya eh.  Di na ako nagsalita at umiwas nalang uli ng tingin.  Meron pa naman sigurong wine sa bahay dahil ilang araw ko ng hindi ginagalaw ang laman ng ref namin. 



"Wala na namang magagalit eh"




Pahabol na sagot niya pero hindi na ako nagtaka.  Sa una palang yun na agad ang hula ko.  Buti nalang talaga at wala pa akong nagiging girlfriend kaya di pa ako napapasabak sa mga ganyang heart break.  Good Boy kasi ako eh. 



"Drew ayan na"


Lumingon ako sa nagsalita at si Caleb pala dala ang pagkain na pinabili ko sa kanya.  Kasama niya si Lincoln na tahimik lang nasimsim ng juice.  Tahimik nalang akong kumain sa upuan habang sumusulyap pa din kay Phoenix.  Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang gawin sa buhay.  Halatang hindi pa kumakain ang gago simula pa kanina.  Magpapakamatay pa yata. 



"Inom daw tayo mamaya"



Sambit ko sa kawalan at alam kong narinig yun nina Caleb, Lincoln at Lucas.  Kita ko kaagad ang pagtataka sa mukha ni Lucas kaya alam kong magtatanong siya. 


"Sino may sabi?"



Di ako nagsalita at nginuso nalang sa kanya si phoenix na nakayuko sa kawalan.  Nakakatanga pala talaga yang pagibig na yan. 




"May pasok bukas" ani ni Lincoln na parang nagaalinlangang sumama samin. 



"Madali lang.  30 minutes ayos na" singit bigla ni Phoenix sa usapan.  Napatango nalang ako sa kawalan dahil hindi ako makatanggi sa kaibigan ko.  Alam kong kami ding mga kaibigan niya ang tutulong sa ganitong sitwasyon kaya susuportahan na namin siya. 



"Kumain ka kaya bro.  Babae lang yan" ani ni Lucas na inaabutan si Phoenix ng pagkain. 


"Ayos lang ako. Salamat nalang"



Napadako ang tingin ko kay Alex na tahimik lang din na nakatingin sa pwesto namin at kitang kita sa mukha niya ang pagtataka.  Mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin ng magtama ang mata naming dalawa.  Napasinghap nalang ako.  Tulad namin mukhang nagaalala din siya kay Phoenix.


"Good Morning Class"



Gab's POV



"Good Morning Class"


Tatayo na sana ako sa pagaakalang dumating na ang kasunod naming teacher kaso hindi pala. Lumingon ako sa paligid at tarantang inayos ng mga kaklase ko ang mga bangko na wala sa hanay at pinulot ang mga basura na nasa paligid. 



Napasinghap nalang ako dahil mukhang sermon na naman ang magiging recess namin sa mga oras na to. Wala akong idea kung ano na namang kasalan ang nagawa namin kani kanina lang na naging dahilan ng biglaang pagbisita ng head ng science department na nasa tabi lang ng room namin.



"Anong meron?" bulong ni Hailey sa parteng likod ko pero di ko magawang lumingon at sagutin ang tanong.  Baka kasi makita pa ko. 



"I'm very dissapointed-" bungad niya samin na nasa gitna na pala ng desk.  Di muna siya nagsalita at nilibot muna ang patingin sa bawat isa samin."I'm very dissapointed to all of you" dagdag pa nito.  Walang nagsasalita o bulungan ang nagaganap samin at ang tanging boses lang ni ma'am ang naririnig sa paligid.  Para tuloy kaming ghost town ngayon.





"Napagalitan ko pa ang kabilang section sa pagaakalang sila yung mga maiingay at laging napalirit pero nagkamali pala ako-" naglakad siya ng bahagya paunahan at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Di ko inaasahan na sa pilot section pa magmumula ang matitinis na palirit na aalingawngaw sa buong paligid. Mga malalaki na kayo, dalaga't binata na kaya hindi ko na dapat kayo pinagsasabihan ng ganito. Kaso lang mukhang hindi pa talaga sapat.  Hindi kayo madala sa isang sabi " deretsong saad ni ma'am samin. 




Dumako ang tingin ko kay vince na parang wala lang sa kaniya ang sermon na nangyayari samin ngayon. Nakatingin lang siya ng deretso at mukhang hindi manlang interesado na makinig pa sa ibang sasabihin ni ma'am. 




"Try to be mature. Alam ko na nakukuha niyo ang point ko. Matatalino kayong bata kaya alam niyo ang tama kaysa sa mali.  Kaya nga kayo ang pilot section diba? meaning model kayo sa iba pang students dito sa university.  Hindi lang ito sukatan ng talino class, mas importante pa din ang behavior at attitude ng bawat isa sa inyo"



"Sinong next period niyo?" tanong niya bigla samin na mukhang kalmado na. Nakiramdam ako sa aking mga kaklase kung sino ang sasagot at mukhang wala atang may gana pang magsalita. 



"Anong next subject niyo?" tanong pa uli nito. 



"Araling Panlipunan po ma'am" ani ni vince na wala manlang pagaalinlangan na lakasan pa ang boses. 





"Oh sige.  Okay lang naman magingay class pag meron kayong mga activity na kailangang gawin.  Pero pag alam niyo namang nasobra,  hina hinaan naman. Di ko na kailangan pang alamin kung sino ba yung mga maiingay lagi dito, ang akin lang matuto kayong makiramdam.  Andyan lang ako sa tabi ng room niyo at kahit kailan pwede akong pumunta uli dito pag inulit niyo pa yun.  Kaya sana wag niyo ng hayaan pang mangyari uli yun" sunod sunod na sabi ni ma'am.  Medyo kalmado na din siya kumpara kanina na parang kahit kailan pwede ng sumabog. 





"Hintayin niyo nalang si ma'am" ani niya at tuluyan ng lumabas ng room namin.

Worst Section Onde as histórias ganham vida. Descobre agora