Chapter 12

4.8K 151 1
                                    

Vince's POV

'Yah yari ka vince'

'Paktay ka bes'

'Lakas kasi ng tama mo lagi'

Kabi kabilang paratang ang natanggap ko sa aking mga kaklase dahil lang sa nangyaring eksena kanina.  Di ko naman yun kasalanan dahil nakakahyper sa klase ni Sir Charmat.  Baka kung hindi pa ko sumigaw, sumabog na ako nun. Tinapunan ko nalang sila ng nakakalokong ngiti sabay iwas ng tingin.  Matagal na kaming magkakaklase pero di pa sila nasanay sa ugali at gawi ko. Hay nako.

Nga pala, Ako si Vince Ty.  Isa sa halos lahat na sabog dito sa section namin.  Mabait, kalog, sabog , lutang,  pabebe, at medyo may utak pa din naman kahit papaano.  Kahit naman masyado akong joker sa oras oras na may klase,  syempre dapat may natutunan pa din ako. Magiging tambay nalang siguro ako sa kanto pag hindi pa ako nagintindi sa lagay ko. 

"Vince anong oras na?" lumingon ako sa nagtanong at si Sophie pala. Ngayon ko lang napansin na may hawak na agad siyang module pero wala pa naman si ma'am.  Iba din tong babaeng to. 

"Ha?" tugon ko sa kanya at tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.  Ano namang meron dun diba? Pinapaulit ko lang naman yung sinabi niya kanina.  "Sabi ko anong oras na?" ani niya na medyo nilakasan sa pagaakalang di ko narinig yung sinabi niya kanina.  Inaasar ko lang naman, di pa nasanay. 

"Hindi ko alam" natatawang sagot ko kaya umalis na siya. Hindi na siya nagabala pang kulitin ako kahit suot ko ang aking relo.  Madami pa namang may relo jan, ang yayaman kaya ng mga kaklase ko.  At isa na ako dun, haha. 

"Magandang umaga"

Tumikhim nalang ako ng dumating bigla si ma'am Berry habang dala ang laptop at module niya.  Wala akong alam kung bakit halos lahat ng mga teachers ngayon lagi nalang late.  Wala naman akong idea na nangyayaring event sa labas dahil panigurado akong iaanounce yun sa lahat.  Kaya tuloy ang lalakas ng loob magpalate ng mga estudyante dahil pati yung mga teacher nila late din. 

"Magandang Umaga din po Binibining Berry" lantutay na bati namin pabalik.  Buti nalang at hindi siya nagabala pang pagsabihan kami dahil nasanay na din siguro.  Lagi kasi kaming ganun sa kanya, haha.  Dahil kasi sa pagkalate niya lalo na kaming nawalan ng gana.

"Ano pong gagawin?" biglang tanong ko kaya nakatingin na naman mga kaklase ko sakin.  Ano ba kasing meron sakin bakit sila tingin ng tingin!? Araw araw ko nalang yun napapansin. Kung may gusto sila sakin, sabihin nila hindi yung dinadaan sa tingin. 

"May pina assignment ba ako?" pagbabalik niya na tanong.  Ayos din si ma'am eh.  Nagtanong ako sa kanya at tanong din ang binato niya haha.  Nice.

"Wala po ma'am" sagot ng karamihan samin.  Di na ako nagabala pang kuhain ang notebook dahil tamad din naman ako magsulat.  Iba na kasi ang panahon ngayon, kaya naasa nalang ako sa pdf.  Papagurin pa kasi kung magsusulat pa ako, eh may kopya na naman. 

"Oh sige ididiscuss ko nalang muna itong topic natin" ani niya habang nakaupo lang sa harap namin.  Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at binuksan ang pdf ng lesson namin. "Natapos tayo ay sa konsepto ng pera-" tumigil siya ng bahagya at nagbuklat ng ilan sa hibla ng librong hawak niya.  Matapos nun, tumingin na uli siya samin. 



"Oh san daw gawa ang pera?" tanong niya samin na parang walang nangyayaring recitation.  Para tuloy chikahan lang ang nagyayari.  Hay sarap buhay ka na naman vince. 

'Sa papel!!!!'

'Nickel!!!'

'Sa abaka!!!!'


Rinig kong sigaw ng mga kaklase ko kaya para na kaming nasa talipapa ngayon. Hindi naman ako naaasar sa sigawan bagkus ay natatawa pa.  Nakakatawa kasi dahil sa likod ng pasigaw na pagsagot ng mga kaklase ko, hindi nagagalit si ma'am at nakikipagsabayan pa.  Para tuloy kaming mga nagaaway away dito. 

"Oh sa tingin niyo bakit importante ang pera" sunod niyang tanong samin kaya lalong ng umalingawngaw ang paligid sa ingay.  Hindi na talaga ako magtataka kung babalik si ma'am na nagsermon samin kanina. 

"PARA MAY MAKAIN" malakas na sigaw ko kaya rinig na rinig na naging dahilan ng pagtawa nila.  Makikipagsabayan nalang ako ng ingay, tutal dito naman ako magaling.  "Oh tama nga naman para may makain,  hahaha. Sino pang may ibang sagot?" malakas na  pagbabalik niya samin kaya mas lalo ng umingay ang paligid.  Yan ang gusto ko kay ma'am eh hindi nagagalit hahaha. 

'PARA SA PANGANGAILANGAN NG TAO'

'SA KAGUSTUHAN!!!!!!'

'PARA MAY PANGCOMPUTER'

Lumingon ako sa huling sumigaw at si Lincoln pala.  Kalog din ang isang to pero wala pa ding makakatalo sakin.  Nyahahaha.  Matitikman niyo ang katas ng isang tasang kape!


Napasinghap nalang ako dahil sa ingay na nangyayari sa paligid.  Sumandal nalang ako ng upuan at naglaro ng pokemon.  Hindi naman siguro magagalit si ma'am dahil busy siya makipagdakdakan sa mga kaklase ko. Mas mabuti nalang maglaro,  makakakuha pa ako ng maraming pera. 


Gab's POV


Walang katapusang sigawan ang naririnig ko sa bawat panig ng room namin.  May sumisigaw ng sagot, may ibang nakikisabay lang, at yung iba tawa lang ng tawa. Tahimik akong lumingon kay ma'am at tila wala din siyang pakialam na wala ding pakialam ang mga estudyante niya. Pero hindi naman siguro ganun,  sadyang hinahayaan niya lang para siguro makita niya kung sino ang nakokonsensiya dahil hindi nakikinig. 

"Bes tingnan mo sina Caleb oh" tahimik akong lumingon sa tinuturo niya at nakitang mga nakayuko na ang mga ito na tila natutulog.  Hindi ko alam kung napapansin ba yun ni ma'am o sadyang hindi niya lang yun pinapansin. Napabuntong hininga nalang ako bago lumingon sa unahan dahil parang gusto ko na din gumaya. Ang bagal kasi ng oras kaya nakakaantok na. Hindi ko lang talaga magawa dahil nandyan si kuya, hindi imposibleng isumbong niya ako kay Daddy na hindi nagiintindi sa klase. Tsaka andyan si Matt, nakakahiya na baka makita niya akong tulog. 



"So class magkakaroon muna tayo ng quiz bago tayo magproceed sa next lesson-" napanganga nalang ako matapos yun sabihin ni ma'am.  Di ko na talaga namamalayan na mabilis natakbo ang panahon ngayon. Parang kailan lang kasisimula pa lang namin sa bagong topic tapos ngayon may quiz na? Nagaalala tuloy ako. Para kasing wala akong naintindihan sa mga lessons.



"Yah wala pa akong alam!" bulong ni Hailey sa likod ko kaya nilingon ko siya.  "Ah so ako may alam?" natatawang sambit ko sa kanya at alam kong alam niya kung anong ibig sabihin ko. 




"Ma'am ano po?" tanong na naman ni vince sa kawalan habang pasimpleng tinatabi ang cell phone na hawak niya kanina na mukhang naglalaro pa ng pokemon. 



"Siguro next week" ani ni ma'am sabay akmang lalabas na dahil dala dala na nito ang bag na hawak niya kanina.  Dumako ang aking paningin at nakitang 2 minutes nalang at time na.  Grabe ah, ganun kabilis. 




"Good Bye" paalam niya sa aming lahat pero di na kami sumagot pa ng paalam. Nakakatanga lang na walang nangyayaring bago sa klase namin dahil lagi nalang discussion. Nakakasawa na din kayang makinig minsan lalo na't wala ka talaga sa mood makinig. 



"May gagawin ka mamaya?"

Worst Section Where stories live. Discover now