Chapter 3

10.6K 315 14
                                    

Gabriel's POV

Naglalakad na ako sa kawalan papunta sa direksyon ng kotse ko para sana pumasok ng biglang....

"Gabriel"

Walang gana akong lumingon kay Daddy dahil sa ma-awtoridad na pagtawag niya sa pangalan ko.  Hindi na ako sumagot at hinintay nalang ang sasabihin niya. 

"Isabay mo na ang kapatid mo. Wala siyang kasabay at baka malate pa yun sa school"

"Per-"

"No buts.  Hintayin mo siya" putol niya sa sinasabi ko sabay alis.

Umagang umaga badtrip ako ngayon dahil kay Dad.  Pinipilit niya na isabay ko na ang pagong kong kapatid sa sasakyan. Eh may lakad ako ngayon.  Balak ko sana na sunduin si Mika sa bahay nila para masurprise siya.  Hindi pa naman kami, pero mas mabuti na yung sa simula pa lang may ginagawa na agad ako.  Para hindi ako nakatanga dito.  Mahirap na ang panahon ngayon. Baka masalisihan pa ako ng iba.  Wala sa bokabularyo ko ang salitang TORPE.

Pero nga dahil sa ako nga panganay dito.  Ako parin ang pilit na magaadjust.  Ako nalang lagi.  Ngayon ko na nga sana sisimulan ang damoves 1.1 ko pero naudlot pa. Tsk.

Ako si Gabriel Sandoval. Pero karamihan ang tawag din sakin ay Gab.  Kaya maraming nalilito.  18 years old.  Obvious naman na ako ang gwapong kapatid ng pabebeng si Gabby.  Naging magkaklase kami kahit mas matanda ako sakanya dahil nagstop ako sa pagaaral.  Nung mga bata pa kasi kami.  Gusto ko na sabay kami magaral at makapagtapos kaya hinintay ko siya. Ang tanga lang diba?

Dahil nga sa magkaklase kami.  Kabilang din ako sa worst section ng XH. Wala naman akong pakialam kahit worst kami basta ang alam ko lang gwapo ako.  *wink*

Para sabihin ko lang, mabait akong nilalang sa mabait din ang pakikitungo sakin. Pinaka ayaw ko lang ay yung lagi akong pinaghihintay kagaya ngayon. Pakiramdam ko kasi lagi akong mahuhuli sa mga kaganapan. Kaya ganun. Pero kahit naman may pagkapagong ang kapatid ko, mahal na mahal ko yan higit pa sa pwede kong ibigay.  Kaya nga overprotective ako sa kanya dahil baka kung san pa mapadpad ang landas niya.  May pagkashunga pa naman yan minsan.  Ayaw ko pati na nakikita siya na umiiyak at sinasaktan ng ibang lalaki, pwera sakin. Dahil pag talaga may nagkamali, ako makakalaban nila.

At isa pa pala, hindi ako torpe kagaya ng ibang lalaki jan sa tabi.  Di yun uso sakin , dahil baka magsisi lang ako sa huli at mapagiwanan ng henerasyon. 

Si Mika yung sinasabi ko kanina ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko.  Korny man,  Cheessy man pero yun ang totoo.  Wala akong panahon makipagplastikan sa iba o maski sa kapatid niya dahil proud ako na siya yung babaeng mahal ko.  Naks. Siya nga pala ang panganay na kapatid ni Matt. Yung kaklase namin.  Kahit kaibigan ko iyon,  wala siyang alam na may gusto ako sa kapatid niya.  Maghihintay muna ako ng tiyempo. 

May communucation kaming dalawa pero alam kong as a friend palang ang paguusap namin.  May respeto naman ako sa kanya kaya di ko muna pinapadali ang mga bagay bagay. 

"Oy KUYA!"

Bigla akong nawala sa katinuan ng biglang sumulpot sa harap ko si Gabby. 

"Akala ko ba, ayaw mo ng pinaghihintay ka.  Kanina pa nga ako nandito pero mukhang nalipad yang utak mo" pagmamaktol niya.  Di na ako nagsalita dahil totoo naman yung sinabi niya, nalipad ang utak ko at isa lang ang laman nun. Alam niyo na kung sino :)

"Sumakay ka na nga"

Mabilis akong tumalikod sa kanya at ngumisi. Kinikilig kasi ako pag naiisip ko yung sinabi ko kanina.  Grabe, nababakla na yata ako.  Hahaha

Worst Section Where stories live. Discover now