Chapter 22

3K 129 0
                                    

Hailey's POV

Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon ni gabby pauwi.  Pero bago ang lahat dadaan na muna kami siguro sa may bulletin board para makita yung results.  Di naman siguro masamang umasa na makakasama kami dun ng best friend ko pati na din yung mga kaklase ko.  Aba, kahit naman kasi may pagkakaiba ang mga ugali namin/nila, may ibubuga pa naman kami compared sa kanila.


"Hoy Hailey!-"


Bigla nalang akong napalingon sa kawalan ng bigkasin ni Gab ang pangalan ko.  Kung ano ano kasi ang iniisip eh.  "Bakit ba naninigaw ka jan?" ani ko sabay iwas ng tingin. 


"Unti unti ka na nga sigurong nabibingi.  Kawawang bata" ngiwi niya na may pag-iling pa. Di nalang ako nagsalita. 



"Ano ba yun?" ani ko.



"Kanina pa kita kinakausap jan pero mukhang wala kang nakikinig ni isang salita.  Nalipad na naman utak mo" sunod sunod na sabi niya habang ang sama pa ng tingin sakin.  Di nalang ako nagsalita pa dahil totoo naman ang sinasabi niya na kung ano ano ang iniisip ko, maliban lang sa bingi na ko. Hays.  Sadyang malakas lang talaga volume pero thank god di pa naman talaga ako nabibingi ng tuluyan. 


"Gabby-"



Mabilis kaming lumingon at si Alex pala yung tumawag. Akala ko nakauwi na siya agad.  Di pa naman pala.  "Bakit?" ani ni Gabby habang pinagmamasdan ang palapit na si Alex.  Hingal na hingal ang ati mo.  Halatang tumakbo. 



"Bat pawis na pawis ka jan?" ako na yung nagtanong. 



"Hinabol ko kasi kayong dalawa  Nawala na kasi yung mga kasama ko eh.  Kaya pwede ba sa inyo nalang ako sumabay?" sunod sunod na sabi niya habang hinahabol ang paghinga.  "Hay nako. Magiiwan kasi talaga yang sina Chloe" ani ko na totoo naman.  Kanina kasi nakita ko pagkatapos niya humingi ng polbo umalis na agad ang loka na parang may hinahabol.  Eh cleaners si Alex.  Di na nanghintay. 




"Sumabay ka nalang samin. Kaso may dadaanan lang kami saglit" si Gab naman nagsalita na tinanguan na lang ni Alex. 





Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bulletin board dahil baka maabutan pa kami ng maraming tao.  Sakto kasing labasan ngayon tapos na iannounce na naman siguro yun sa bawat room.  Kaya para iwas riot, kailangan talaga naming bilisan. 




"Nag-audition ka din ba dun?" tanong ko kay Alex sa kawalan.  Ang tahimik kasi namin masyado.


"Saan?"



"Sa brass band. Hindi mo ba alam yun?" ani ni Gabby kaya parehas na kaming nakatingin kay Alex habang naglalakad. 




Hindi na ako magtataka kung bakit wagas kung makatanong ng "saan?" itong kasama namin.  Lagi kasi siyang out of nowhere.  Laging may sariling agenda. May sariling mundo gaya ko din pero mas matindi siya.  Kaya nga siguro nakakaya niya na hindi magsalita kanina habang naglalakad dahil dun siya sanay.  Parang ayaw niya ng may kakausap sa kanya. Pero on the other side, medyo matalak din siya lalo na pag may nangayayaring issue sa room. 




"Ah dun ba? Galing kami dun nina Chloe nung audition.  Kaya lang tumakas ako hehe-" ngiwi niya samin.  Abnormal talaga to. 



"Bakit?" -gabby



"Nung nakita ko yung ginagawa sa loob kung pano makapasok parang automatic na umatras yung paa ko haha.  Nun ko lang narealize na nakakatamad magpractice" natatawang sabi niya habang naglalakad pa din kami.



Worst Section Where stories live. Discover now