Chapter 21

3.3K 139 1
                                    

Hannah's POV



"We'll continue our recitation next meeting.  Good day class"



Wala ng nagabalang tumayo para magpaalam kay ma'am dahil tuluyan na itong nakalabas. Hindi ko na namalayan na bumilis ang takbo ng oras ngayon kaya hindi na kami halos nakapaglesson.  Pero buti nalang din.  Papagalitan na naman kasi kami.




"Aish ano ba kasing meron jan kay vince? Alien ba siya or something?" napalingon ako kay Cassandra ng bigla nalang siyang nagsasalita sa tabi ko.  Irita ata ang bruha. 




"Di ka na ba nasanay? Ever since ganyan na yan.  Simula grade 7 palang tayo. Ngayon ka pa ba magrereklamo!? " ani ko sa kanya habang hawak ang aking cellphone.  Wala pa namang teacher eh.  Magbabasa na muna ako ng wattpad. 




Ako si Hannah Taylor.  Slightly tall but sweet in this section.  Di naman talaga ako inglesera gaya ni Cassandra.  Trying hard lang talaga.  Hays.  Isa ako sa mga estudyante ng worst section kung tawagin at hindi ko din alam kung bakit proud pa kami dun.  Papanindigan naming lahat ang pagiging peculiars. Peculiarity is in the house. Yun ang tawag namin sa aming section kasi nga kakaiba kami sa normal.  Abnormal na nga siguro to be exact. 





Anyways, katulad nung ilan sa mga kaklase ko.  Mahinhin akong tao pero minsan napapasabak ako sa bangayan pag kasama ko si Cassandra. Angelic outside but Demonic inside.  Yun yung mga katagang alam nung iba pero di ko sinasabing ganun nga ako.  Ayaw kong lumabas yung ganung hannah. Di naman ako magagalitin eh.  Keme lang yun haha.




Mahilig din akong magbasa ng ibat ibang nobela dahil hindi ko din alam.  Basta masyado lang akong nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagay bagay dito sa earth.  Tsaka ang bango kasi ng mga pages ng bagong libro.  Kaya ang dami ng mga libro sa kwarto ko. Inaamoy ko lang silang lahat, di ko na binabasa.  Haha charot. 





"Papansin ba siya o ano? nakakaasar na din kaya minsan" rinig kong reklamo niya pa pero di ko na pinansin.  Mahirap na kasi kung kakausapin mo pa ang tulad ni Cassandra.  Lalo lang siyang magiingay hanggang sa wala ka ng masabi.  Ayaw pa mandin niyan na hindi siya sinasang ayunan sa mga pinagdadakdak niya.



"Hoy kaibigan ba kita?"

"Hannah!-"




"Ha? Bakit?" napalingon nalang ako bigla sa kanya ng tawagin niya ako sa pangalan.  Ano ba kasing meron sa babaeng to!? Bipolar din eh.




"Nagsasalita ako dito.  Di ka nakikinig, bastusan teh?" iritang sabi niya habang masamang nakatingin sakin.  Hays. Sanay ka na jan Hannah. 




"Nagbabasa meh dito oh" ani ko nalang at hindi na nagabalang tumingin sa kanya. Bahala siyang maasar. 




"Tsk. mamaya ka na nga magbasa"




Nagulat na lang ako ng biglang nasa kanya na ang hawak kong cellphone. Hays.  Kahit kailan talaga hindi na nagbago si Cassandra.  Bitch pa din ang lola mo.  Halos 3 years na kaming makaklase at magkaibigan pero kahit kailan di niya manlang pinatahimik ang buhay ko ng ganung katagal. Lagi nalang siyang istorbo pag nagbabasa ako ng wattpad o kaya pag may gawa. Di ko din alam kung bakit ganito na kami kaclose ngayon.  Kasasabi ko lang kasi kanina na bitch siya.  Kaya paniguradong magtataka kayo kung bakit kaibigan niya ang isang tulad ko na mahilig magbasa ng kung ano ano at mahinhin unlike niya na wild.




"Akin na nga.  Di na ako magbabasa" ani ko habang pilit kinukuha sa kanya yung cellphone ko.  Buti nalang binigay niya. Itatabi ko nalang muna siguro.  Ang hirap magbasa sa oras na to lalo na't may paepal. 



Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon