Chapter 8

5.9K 180 8
                                    

Alex's  POV

"Upuan ko nga kasi to"

Umagang umaga kabangayan ko si Phoenix dahil kinuha niya yung upuan ko na wala namang pakialam sa kanya. Maayos ako sa gamit kaya alam ko kung ano ba saakin at hindi. Hindi naman ako magaabalang makipaglaban ng sigawan sa kanya kung hindi naman yun sakin. 

"May pangalan mo ba?" pacool na sagot niya sakin habang nakaupo na dun sa upuan na hinila niya.  Waaahhh.  pag talaga  may sampung phoenix sa section na to wala ng makakatagal na kaklase sa kanya.  Nagsilipatan na lahat. 

"May pangalan man o wala.  Alam kong sakin yan" bulyaw ko sa kanya. Di na ito sumagot at nagearphones nalang.  Nakakairita eh.  Ang ganda na sana ng umaga ko biglang may asungot. 

Tumalikod na ako sa kanya at nangirap kahit di naman niya ako kita. Nakakainis eh para tuloy gusto kong manuntok sa mga oras na to.  Pinakaayaw ko sa lahat,  pati gamit ko pinapakielaman. Guluhin niyo na buhok ko wag lang yung gamit. 

Busangot akong naghanap ng bagong upuan at hinila kung san ako nakapwesto.  Kani kanina pa ako nandito sa room at medyo madami na din ang tao.  Nauna lang siguro ng ilang mga minuto ang mokung na yun at nanghila nalang ng upuan na hindi naman sa kanya. 

"May assignment ka na Alex?"

Lumingon ako sa nagsalita at si Kaylee pala yun.  Di ko siya napansin kanina eh, bakit ba!?

"May assignment ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.  Mabilis naman tong tumango sakin kaya napaupo nalang ako. 

Ako si Alexandra Park.  You can call me Alex. 17 years old. One of a beautiful students in this section at kasalukuyan akong namomroblema dahil wala akong ginawang assignment.

"Pagaya nga" puppy eyes ko kay kaylee kaya napabuntong hininga na lang siya.

Paano ba naman kasi busy ako sa panonood ng holywood movies kagabi. Inantok na ako agad kaya di ako nakapagbuklat ng notebook kahit di naman talaga ako nagbubuklat. 


Agad binigay sakin ni Kaylee ang notebook niya kaya hinablot ko na agad.  Mahirap na eh, baka magbago pa bigla ang isip niya edi lalo na akong nawalan ng grades.  Hindi naman sa tamad ako mag aral, nagkataon lang talaga na maganda yung pinanonood ko kagabi kaya yun knock out na agad,  nalimutan ko na nga rin yata kumain. 


"Pang-ilang subject ba to!?" tanong ko bigla sa kanya habang kinokopya ko yung sagot niya. 

"Second"


Di na ako sumagot at binilisan nalang ang pagkopya. Ang isang pilot section  dapat competitive ang mga tao, madamot magbigay ng mga sagot dahil baka maunahan sa ranking.Pero kami kadalasan ay wala ng pakielam sa ganun.  Basta wala ng makakaalam sa mga teachers namin na naggagayahan, the class must go on.

"Ito lang ba yun?" tanong ko pa kaya tumango siya.  Matapos kong magkopya ay binalik ko na sa kanya ang notebook at tinabi ko na rin yung notebook ko. 


Time Check: 7:15 am

Luminga linga ako sa paligid at nakitang medyo madami na ding tao.  15 minutes nalang at malapit ng magtime.  Science ang first subject namin ngayon at para namang wala kaming assignment. Dumako ang dalawa kong mata kay phoenix at tahimik padin itong nakaupo sa upuan ko naman talaga at mukhang tulog pa ata. Tsk. Puyat ata ang loko.


"San ba may assignment?" rinig kong tanong ng iba sa mga kaklase ko.  Halatang mga walang gawa.  Buti nalang talaga ang bilis ko sa mga ganyan.  Sa panghahablot ng notebook.
Pero hindi ko naman ibig sabihin na lagi na akong nanggagaya,  minsan lang yun pag di ako nakagawa o kaya di ko alam yung sagot. Hahaha. 


Dahil sa kaingayan ng buong room namin, mabilis kong nilabas ang aking cellphone at earphones. Makikinig nalang muna ako ng music habang wala pa si ma'a-.

"Good Morning Class"

"Good Morning Mrs. Cremant" sabay sabay na bati nila. 


Asar na binalik ko sa aking bag ang cellphone at earphones na nilabas ko kanina.  Bago palang eh, tsaka naman dumating.  Psh. 


"We have assignment right?"

'Huh?'

'Hala! Di ko yun alam'

'Ma'am wala po'

'Wala namang assignment eh'

'Pauso'

"Ay sorry haha.  Hindi ko nga pala binigay sa inyo yung assignment nung friday kasi sabi niyo bawal. Sa ibang section nga pala yun" ngiting saad niya kaya napaismid nalang ako sa kawalan.  Hanggang sa assignment ba naman, eeksena pa yung ibang section!?


"So kamusta ang weekend?" nakangiti pa ding tanong niya.  Wow ha, di naman siguro siya masaya sa lagay na yan.

"Wala po kaming weekend" sigaw bigla ni Sam sa likod na sinang-ayunan ko naman.  As a pilot section kasi and ehem, a worst section i mean,  meron kaming dalawang advance na subject compared sa ibang section.  Kaya sa madaling salita, mas marami kaming gawa kumpara sa kanila.  Kaya di niyo kami masisisi kung tinatamad na kami gumawa minsan. 

"Kawawa naman pala kayo" sarkastikong sabi ni ma'am na parang nakangiti pa.  Nakakaasar eh. 

"So proceeding to our next topic which is about mole.  Anyone? Who has a idea,  what is a mole?" tanong niya samin with a high volume of voice.  Bakit kasi kailangan niya pang pagkalakasan ang boses niya eh nandito lang kami sa harapan. 

"Mole? marami nun Si Anne Curtis diba?" natatawang banat ni Lincoln pero walang sumuporta. Hay nako luma na yan.  Tsaka anong konek ng nunal ni Anne Curtis sa science aber. 

"Hindi ah. Yan yung nasa manila. Mole of Asia" -Caleb.  Katulad ng nangyari kay Lincoln walley ang joke niya. Minsan na nga lang makapagisip ng entry walley pa. 

"Knock Knock" rinig kong sigaw ni Vince mula sa unahan. Lumingon lang ako kay Ma'am cremant at mukhang papatapusin niya lang ang banat ng loko. 

"Walang tao" pangaasar ng buong klase sa kanya kaya nadala na din ako.

"Yah ganyan kayo sakin" maktol niya. Nababakla na yata ang isang to.  Hays gwapo na eh, wag lang talagang matuluyan.


"Ulit nga.  Knock! Knock!" hyper na saad niya.  Kahit anong oras yata hindi siya nawawalan ng energy kaya sana ako din. 

"Who's there?" tanong crowd kasama na din si ma'am.  Wow ha, parang kanina lang against siya na wala pang sumasagot sa tanong niya.

"Diba yan yung kanta. 🎶Moleling ibalik ang tamis ng pag-ibig, sayang naman ang ating nakaraan🎶"

"Okay class.  Who has a idea about mole?"

Napatawa nalang kaming lahat ng hindi pinansin ni ma'am ang entry ni vince at nagtanong na uli.  Lumingon ako sa pwesto ni vince at nakaismid lang ito kay ma'am.  Dami talagang alam eh.


"Enough na class. Tawa na agad kayo ng tawa jan di niyo pa sinasagot ang tanong ko . So, what is a mole!?" biglang seryoso niyang tanong.  Ang bilis talaga mag bago ng mood si ma'am.

"Yes ms. de los reyes?"

Lumingon ako kay sam na agad namang tumayo para sumagot.  Nakataas siguro ang kamay niya kanina.


"Uh-m Mole is a measurement of the particle" deretsong sagot nito sabay upo.  Binalik ko nalang ang tingin ko kay ma'am at nakangiti na naman to sa kawalan. Napasinghap nalang ako dahil wala akong idea sa mole na yan. Di naman uso sakin ang pagbabasa o advance reading dahil di ko din naman nagegets pag walang gabay ng teacher kaya mas mabuti na discuss na agad. 


"Exactly ms. de los reyes"


Ilang minuto ding nagdidiscuss si ma'am about sa mole ng isang element at meron din pala yung computation kaya pilit inintindi ko. Di naman ako ganun ka bobo kaya medyo madali sakin kung pano magcompute.  Buti nalang may dala akong calculator para mas madali makuha yung sagot. 


"Okay, Get one whole"

Worst Section Where stories live. Discover now