Chapter 24

2.7K 127 2
                                    

Yow guyssss:)) Pakibasa po muna yung Authors Note na Pinublish ko hehe.  Labyu guysssssss :) Miss u all.  Fighting ~~~~

-----------

Sophie's POV

Masyadong mabilis na tumakbo ang oras kaya tapos na ang first subject namin. Wala din namang nagawa yung mga kaklase ko kanina dahil di rin kami pinagbigyan ni ma'am. Pabor din naman sakin di magklase para makapagrelax manlang.  Sa araw araw kasi na nasa school di ko manlang magawa makapagmuni muni kahit isang oras lang.  Lagi ka nalang magkacram o kaya lagi ka nalang may kailangang isipin.



"Sophie! May sagot ka na sa math? Pagaya nga!" bulyaw sakin ni Lincolb habang suot ang pinakamamahal niyang headphones.  Agad ko naman yung tinanggal kaya nagulat siya.



"May galit ka ba sakin? Kung makasigaw ka ah" ani ko pero di na siya nagsalita.  Palibhasa kasi lagi nalang may nakasuot sa tenga kaya di niya alam kung naninigaw na ba o ano.



  Agad kong inabot sa kanya ang notebook ko sa math at nagcellphone nalang habang wala pa si ma'am. Ito talaga yung section na fearless kung tawagin. Walang takot kahit may gayahan ng nangyayari. Pare pareho naman kaming babagsak pag nagkataon eh. 



"Ano bang next subject natin?" tanong ko sa kawalan at kahit sino nalang siguro ang sumagot.  Kung hindi sila snob.


"Mapeh" rinig kong sagot ni Lucas base sa boses niya. Kahit papano pala may alam din sila sa mga nangyayari dito sa loob ng room bukod sa mga pokemon o anime. 



"Good Morning Class"



"clap.clap.clap . Good Morning Mrs. Santos" sabay sabay na bati naming lahat kaya pinaupo na niya kaming lahat.  Mabilis kong nilingon si Lincoln at nakitang hawak niya parin yung notebook niya at ballpen kahit di pa time ng math. Goodluck sa kanya na di sana makita.



"So our topic for today is music? Am i right?" ani ni ma'am sa unahan habang binubuksan ang laptop na dala niya. Agad akong tumayo sa kawalan kasabay yun ilan sa mga kaklase ko.  Kabisado na kasi namin to eh.



"Pakikuha po muna ng module.  And open it on page 56-58" aniya.




Mabilis akong bumalik sa upuan dahil paniguradong siksikan na naman sa locker. Agad kong binuklat ang module sa sinabing page ni ma'am at bumuntong hininga.Hays. Mahilig naman talaga ako sa music, kaya nga fan ako ng mga kpop diba? Kaso lang pagdating sa mga history di ko talaga bet. Gusto ko kasi yung rakrakan at up beat. Eh eto kasi nakakaantok lang. 



"Ayos na po? Lahat na ay may hawak na module?" tanong niya samin pero wala ni isang nagsalita. Para tuloy kaming nasa ghost town nito at tanging si ma'am lang ang may karapatan umimik. Nakakaantok tuloy lalo.




"So, May ipapakinig ako sa inyo class na isang music na composed pa nung Baroque Period. Pero bago ang lahat ididiscuss ko lang ng kaunti para naman magkabackgroud kayo. Okay lang po?" sunod sunod na sambit ni ma'am habang naglalakad sa harapan ng laptop niya at may parang pinindot.




Bahagya akong napasulyap sa paligid at halatang karamihan sa amin ay hindi interesado sa topic. Sa panahon ngayon,  bilang na lang siguro diba?. Inikot ko ang aking mata at nakitang nahikab na si Phoenix,  si Cassandra na nagkukutingting ng buhok, si Hannah na pasimpleng nagwawattpad habang tinatakpan ng module na hawak niya, si Hailey na pasimple ding nagsasoundtrip,  si Gabriel na nakatingin lang sa bintana, si Yohan na nakatingin lang sa unahan na parang nagaabang ng himala, si Alex na nakikipagchikahan pa sa katabi, si Chloe na nagpupulbo, si Iggy na nagngangatngat ng kuko, si Caleb na nakahalumbaba lang, si Andrew na nilalaro lang yung ballpen, si Sam na trying hard magbuklat ng module, si Mika na walang ginawa kundi pasimpleng kumain, si Matt na nagdadrawing sa kawalan, si Gabby na palingon lingon lang na parang may hinahanap,si Vince na wala ng ibang ginawa kundi lumupid ang utak. At marami pang iba.... yan ang buong section namin, ubod ng tamad pagdating sa history. Haha




Worst Section Where stories live. Discover now