Chapter 18

3.6K 112 13
                                    

Lincoln's POV

"Good Morning Sir"

Dali dali kaming tumakbo sa upuan dahil sa nakakatakot na tingin ni sir alvarez. May humarang kasi saming mga babae kanina kaya di kami agad nakaalis. Nalate tuloy kami ngayon. 

"Where have you been?" ma awtoridad na tanong niya, sakin? Wow ha di lang naman ako yung late dito.  Bakit sakin siya nakatingin. 

"Mr. Young?" dagdag niya pa.

"Sa gym po sir.  May humarang lang kaya kami natagalan. Hehe" pilit akong ngumiti habang nagsasalita para di na siya magalit samin.

"Okay. Sa susunod ayaw ko ng nalelate sa klase ko. " ani nito sabay hakbang paurong.  Nakahinga na naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni sir. Mukhang good mood siya ngayon kaya walang ganang magalit samin.

"Hoy Lincoln?"

"Ano?" lumingon ako sa likod dahil bigla nalang nagsasalita si Sam. Kung hindi ako magkakamali makikitsismis na naman yan. 

"Sinong humarang sa inyo?" tanong niya sakin na pinagtaka ko. Ano namang pake niya diba?

"Basta. Wala ka na dun" pabalang na sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Nakakaasar lang kasi talaga na lagi nalang may nagtatanong.  Tanong ng tanong ng tanong.  Nakakatamad magexplain.

Ako si Lincoln Young.  Isang simple at gwapong nilalang dito sa Xh university. Ball is life ako gaya nina Caleb dahil matagal na kaming nagkakasama sa mga tournament sa ibat ibang lugar.  Ganun nga siguro pag lalaki.  Wala ng ibang gustong gawin kundi magpakasaya sa buhay. Kahit kaibigan ko sila, mahilig din naman ako dumistansya.  Minsan kasi nawawala ako sa mood kaya lagi kong dala ang aking headphones,  in case lang na may mga ganung pangyayari.  Handa ako diba?

Di tulad ng iba kong mga kaklase. Mahilig ako sa music at tumugtog.  Musikero by heart ika nga nila. Pakiramdam ko kasi mas nakakagaan sa pakiramdam pag may mga tugtog sa paligid.  Masyado nakakawala ng pagod. Weird man para sa kanila,  pero sakin hindi.

"Gaya ng sabi ko kanina. Pilot section naman kayo kaya alam kong naiintindihan niyo na yung last na topic natin.  Kaya ngayon magbabago na tayo ng lesson" sunod sunod na saad ni sir sa unahan kaya napatikhim nalang ako.  Hindi ba pwedeng magsoundtrip nalang araw araw.  Mas nakakarelax pa yun eh. 

"Sir ano pong topic?" rinig kong tanong ni Sophie kay sir na may pagtaas pa ng kanang kamay niya.  Halatang interesado sila. Pwes ako hindi.

"Noli me tangere"

'Yah. I hate that'

'Tulog tayo mga bes'

'Nakakaasar naman ay'

'Walang kamatayang Noli'

'Ayu.  Edi mas lalo ng boring'

"Yaaaaaaah.  Siiiiiiiirrrrrr.  Wag na tayong magklase. Chaka naman ay" malakas at pabebeng sigaw ni Vince sa unahan habang nakatingin kay sir.  Di ko nga alam sa isang to kung bakla ba o ano.  Iba magsalita eh.  Ang lambot. 

'Yah nakakaasar talaga eh'

'Bahala sila. Matutulog nalang ako'

'Kumain nalang tayo sir'

'Bakit kasi yun pa.  Ang dami kayang mga topic nun'

Umaalingawngaw ang boses ng mga kaklase ko dahil sa reklamo nila kay sir.  Wala naman dapat ikatutol dahil kahit ako,  ayaw ko ng mga noli me tangere na yan.  Bakit? Pag naging artista ba ako o nakasali sa isang acoustic band? Tinatanong ba dun kung kailan saan ginawa ang noli? Isang malaking hindi naman diba.  Tsk. Bumuntong hininga nalang ako sa kawalan dahil sa sobrang ingay ng room namin ngayon.  Para tuloy kaming nasa talipapa. Di na ako nagabalang makinig pa sa mga reklamo nila at tahimik na isinuot ang headphone sa dalawang tenga ko. Mas maigi na din siguro to para hindi na ako marindi ng todo.

Gab's POV

"Ay bakit daw kaya maingay?"

'Ssssshhhhhh'

Tumikhim nalang ako sa kawalan dahil inasta ng mga kaklase ko.  Andito na naman siguro kami sa sermon scene dahil sa kanila.  Hindi naman ako nagabala pang makipagtalo kay sir kahit ayaw ko din ng noli dahil ano namang laban namin diba? Siya ang teacher namin kaya siya ang may karapatan kung ano ang dapat ipagawa. Isang hamak na estudyante lang kaming lahat dito. 

'Yaaaahhh Sir naman kasi'

'Pigilan niyo ako mga bes'

'Sana talaga mag bakasyon na'

'Waaahh gusto ko ng matapos to'

"Ssssshhhhh tumahimik nga po muna. Makiramdam naman kayo.  May teacher kaya sa unahan" umalingawngaw sa ere ang boses ni Sam dahil sa pananaway niya.  Yung sa bandang likod kasi namin ang maiingay kaya bahagya siyang tumalikod. Napadako naman ang tingin ko kay matt na nakatingin lang sa baba at nilalaro ang ballpen na hawak niya. Halatang naiinis na.

"Sige ingay muna kayo hanggang sa matapos. Hahayaan ko muna kayo, medyo matagal pa naman ang time.  Sige ingay" sarkastikong banat ni sir saming lahat kaya tumahimik.  Nakatingin lang ako ng deretso sa unahan dahil di ako makasulyap kay sir.  Baka kasi matawag pa ako at mapagbuntungan ng galit. 

"Oh bakit kayo tumahimik?   Kung kailan pinapaingay ko kayo tsaka tumahimik tapos kanina kung kailan ako ang nagsasalita dito sa unahan tsaka kayo makikipagtaasan ng boses sakin?" aniya.

Halos wala ng ingay ang nasa paligid at lahat kami ay nagaantay nalang ng susunod na mangyayari. Hays. Alam ko naman na ilang beses kaming napapagalitan dahil sa ganitong bagay kaya wala ng may balak pa sigurong makinig kay sir. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

"Pwede ako naman?" tanong niya pa na parang nanghahamon pa samin. Walang may balak magsalita ni isa at boses lang ni sir ang tanging naririnig ng lahat.

"Ano? Pilot? Pwede pong akin muna ang mikropono?"

"Opo" sabay sabay na tugon namin pabalik.  Para tuloy kaming mga kaawa awang tuta dito. 

"Nasabi ko na kanina na Noli me tangere ang susunod na lesson natin. Sa ayaw niyo at sa hindi. Yun ang kailangan nating idiscuss sa ngayon dahil napagiiwanan na kayo nung kabilang section.  Nakapagdiscuss na ako sa kanila ng panimula, samantalang tayo hindi pa.  Kumain na ng oras yang pagrereklamo niyo sa una palang" naramdaman kong humakbang si sir paunahan at nagpatuloy nalang sa pagsasalita.  Wala pa ding nagsasalita sa amin bukod sa kanya.

"Ginagawa ko ito para din sa inyo. Para magkagrades kayo ngayong grading period.  Ayaw ko na may pumunta sa  aking mga magulang na nagrereklamo kung bakit ito lang ang grades ni ganito ni ganyan. Ayaw ko ng ganun.-" tumigil siya ng bahagya na parang tumingin munang lahat samin 

"Alangan namang sabihin ko na 'Yang anak niyo po kasi ang hindi interesado sa klase ko kaya ganyan kababa ang binigay kong grades'. Mas nakakahiya naman siguro yun diba? Tapos kayo pa ang pilot section!?"

"Tama tama?" aniya. 

"Sagot!"

"Tamaaa poooo" sabay sabay kaming sumagot kay sir ng buong galang.  Alam ko naman na pagkatalikod niya marami na namang salitain at reklamo ang mamamayani. 

"Okay, so ngayon. May 10 minuto pa ang natitira para sa activity na gagawin natin. Mahabang oras na naman ang nasayang dahil sa kakatalak ko dito sa unahan-"

"Kawasa di naman sinabing magtatalak jan sa unahan" rinig kong bulong ni Cassandra.  Alam kong siya yun kaya di na ako nagabalang lumingon.  Boses pa lang at tono ng pananalita.  Alam kong siya na. 

"Ang gagawin niyo ay magtatala ng inyong mga idea ukol sa ating lesson na Noli me tangere.  Isulat sa manila paper. Kailan nitong matapos ngayon. Ipapasa sakin ang output" sunod sunod na ani ni sir. Mabilis kong kinuha ang aking notebook at ballpen sabay tayo para hanapin ang mga kagrupo ko. Hays  Limot ko na kasi.

Worst Section Where stories live. Discover now