Simula

55.1K 1K 144
                                    

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Muli akong tumayo sa upuang kinauupuan ko at pinaypayan ang sarili gamit ang nanlalamig na mga kamay.

"Relax, Shanaya," mahinang sambit ko sa sarili at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ngayong araw ang aking ika-labing walong kaarawan. At kagaya ng tradisyonal na seremonya ng buong kahariaan namin, ngayong araw ipapasa ang trono ng kasalukuyang reyna sa tagapagmana nito. And that's me! The sole heir of the throne. The daughter of the current queen of Xiernia.

Natigilan ako sa pagpaypay ng mga kamay ko noong may kumatok sa aking silid. Mabilis akong bumaling doon at segundo lang din ang lumipas ay bumukas iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking inang reyna.

"Look at you, Shanaya!" magiliw na saad nito sabay lapit patungo sa puwesto ko. Tipid akong ngumiti sa inang reyna at hinintay itong tuluyang makalapit sa akin.

When she finally reached me, she immediately holds my cold hands. I can feel her excitement towards the coronation ceremony later. Gustuhin ko mang hindi ngumiti dahil sa kabang mayroon sa aking dibdib ay hindi ko iyon magawa. I can't spoil the moment! My mother is happy right now! I can't ruin her mood just because I'm nervous about something that I've been prepared since the day I learned how to talk and walk! "You're beautiful, darling!" matamis na saad nito sa akin.

Mabilis akong nagpasalamat sa inang reyna at wala sa sarilinh napatingin sa repleksiyon ko sa may salamin 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. I nervously smile again.

All I can see is a fine young lady wearing a white and elegant ball gown. Hair was being tied up in a perfect bun. Kahit na kanina pa namumutla, alam kong hindi iyon halata dahil sa kung anong inilagay nila sa mukha ko kanina.

This is me... well, not really because I'm not into this kind of stuff and all. Kahit na lumaki ako sa palasyo, mas pinipili ko pa ring maging normal, lalo na sa mga pananamit ko.

I sighed again and looked at her. "Mom.... I'm scared." I honestly said.

Alam kong ako lang ang tanging tagapagmana ng Xiernia, the Fairy Land of Kingdom of Tereshle, pero hindi pa rin ako handa para sa araw na ito! I'm just a teenagee, an eighteen-year-old Xier! Anong alam ko sa bagay na ito, 'di ba? Yes, they trained me but... was it enough? Sapat na ba ang panahong iginugol ko sa pag-aaral kung paano maging mahusay na reyna ng buong kaharian?

"Listen, Shanaya. Everything's going to be alright. You'll be a great Queen, darling. Just like me," marahang sambit ng ina ko sabay haplos ng mukha ko. She smiled again. "I was your age when I became the Queen of Xiernia. I even managed to leave this place and visit Lynus alone. Kung nagawa ko iyon, tiyak kong magagawa mo rin ang mga bagay na iyon, Shanaya. You just need to believe in yourself, darling." Marahan akong tumango sa inang reyna. "You are my daughter, Shanaya. And I truly believe that you can lead and protect this land. Wala sa edad ang pagiging mahusay na reyna. Nandito iyan," dagdag pa niya at marahang inilagay ang kamay sa dibdib ko. "I believe in you, so you better believe and trust yourself. Okay?"

Hindi na ako nakapagsalita at sinalubong na lamang ang titig ng aking ina. She smiled again. "You grew up so fast, my child. And now, you're going to be the Queen of the fairies." She carefully holds my hands again. "The whole kingdom trusts you, Shanaya. Lahat kaming narito sa palasyo at kasama mo sa nagdaang mga taon, alam namin ang kakayahan mo. You're great Xier. You have the heart and all the things we need as our future Queen. And I know that you'll become more powerful than me. You can handle the whole Xiernia without a problem, Shanaya."

I sighed for the nth times. So, I guess, this is really my fate. Sa lahat nang tinuran ng aking inang reyna, wala na akong ibang maisip kung hindi tanggapin na itong kapalaran ko. The throne... I don't really want to have it but since I'm Shanaya, I need to accept it.

"Let's go, darling. Our people are waiting for you," muling saad ng aking ina sa akin. She smiled at me and bowed a little. "My Queen."

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now