Chapter 29: Nothing

8.1K 346 18
                                    

"Stop it already."

Hindi ko na alam kong pang-ilang ulit ko iyon nasabi. Kanina ko pa sinasaway si Timothy at Simon sa masasamang tingin nila sa isa't-isa. Tila ba'y may malakas na tensyon ang namamagitan sa dalawa.

Kanina, noong kumalma na sila mula sa naging laban nila ay tahimik lang ang mga ito, nagpapakiramdaman. Even Natasha, the one who talks alot, didn't uttered a single word after their fight. At ngayon ay nasa gitna nila ako ngayon. Timothy's and the siblings are at my right side while Ara and Simon on the other.

"So, kaibigan mo sila?" basag ni Nathalie sa katahimikan habang nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Ara. Oh God! Kailan titigil ang mga to?

"We're not," sagot naman ni Ara na siyang ikinalingon ko sa kanya. Ano raw? "We're her loyal Xiernia. She's our Queen," ani pa nito.

"Yeah right," irap ni Nathalie sa kanya.

"Shanaya."

Napatingin ako kay Natasha nong tawagin ako nito at kinawayan ako. Nag-aalangan man ay lumapit ako sa kanya. I move closer to her then she whisper something on me.

"I think I saw one of them," she whispered. "Hindi ko lang matandaan kung sino sa kanila at kung saan."

Kunot noo akong napabaling sa dalawa kong kaibigan. Imposible iyon. Saan naman sila makikita ni Natasha? Ngayon lang ito nakapunta sa Xiernia at hindi maaring makalabas sila Ara at Simon sa mundo na to.

"Are you sure about that, Natasha?" mahinang tanong ko rito. Bahagya itong umiling sabay tingin sa mga kaibigan ko. "I don't know. Basta pamilyar ang isa sa kanila."

"Queen," napatingin naman ako kay Simon noong magsalita ito. Tumango ito saakin at tumayo mula sa pagkakaupo niya at nagsimulang maglakad palayo sa pwesto namin.  Pinagmasdan ko ang malapad na likod nito habang naglalakad. Bumaling ako sa mga kasamahan ko at isang malalim na paghinga ang ginawa ko. Natigil ako sa akmang paglakad para sundan si Simon noong magtama ang paningin naming dalawa ni Timothy. He looked so damn serious habang nakakunot ang noo nito. I smile a little to him at pinagpatuloy ang unang balak kong gawin kanina, ang sundan si Simon.

"What is it?" tanong ko rito noong makalapit na ako ng tuluyan sa kanya. Nakaharap ito ngayon sa malawak na lupaing kulay berde. Itunuon ko na rin roon ang paningin ko. The sight is so peaceful. Ganito dapat ang Xiernia. Tahimik. Walang gulo. Pero mukhang mahihirapan pa akong ibalik ang dating tahimik at payapang kaharian ko.

"Shanaya."

Natigilan ako noong banggitin ni Simon ang pangalan ko. Bumaling ako sa kanya at gaya kanina ay nakaharap parin ito sa magandang tanawing nasa aming harapan.

"I'm glad you're safe," he said. "Noong ibinalita nila Bernie sa buong Xiernia ang pagkakapatay sayo, halos lahat ng naghihintay sa pagbabalik mo ay nawalan ng pag-asa," bakas sa tinig nito ang kalungkutan. "That bastard," he said at sa pagkakataong ito ay humarap na siya saakin. He smiled and look at my friends from Tereshle.

"Ang pinagtatakhan ko lang ay bakit kasama mo ang mga taga Tereshle na yan?"

"They're Lynusian, Simon," I corrected him. "And Xiernia, we are part of their Division," sambit ko pa sabay tingin sa mga ito. Kita ko ang mga seryosong titig nila sa aming kinaroroonan. I smiled. "They helped me alot when I needed someone's help."

"And that Timothy guy over there?" he asked as he pointed his finger on Timothy's direction. Natawa nalang ako sa inasal niya. Kahit kailan talaga ay hindi magkakasundo ang dalawang to.

"Come on, Simon. Timothy's a good guy," depensa ko rito at mas lumapit sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Can I ask for hug. I think I need that right now," I said while smiling. Kita ko ang pag-iling nito saakin at marahang hinila ako palapit sa kanya at niyakap ako.

"Thanks for coming back, Shanaya," he whispered as he carefully touched my hair. Ilang segundo kaming naging ganoon. Simon is a dear friend of mine. Kahit anong mangyari, he'll have a special place in my heart. He's my companion, my bestfriend.

"Your mom, the former Queen is waiting for you, my Queen."

Napahiwalay ako sa kanya noong magsalita ito. Nawala ang ngiti sa mga labi ko noong banggitin niya ang tungkol sa aking ina.

"Where is she?" I asked him. Mataman niya lang akong tiningnan at hindi sinagot ang tanong ko. "Simon. Where's my mom?" I asked again.

Kita ko ang pagbaling nito sa mga kasamahan ko kaya naman ay tumingin din ako sa gawi nila. I saw how Ara nodded her head on me. Hindi na ako nakapagsalita noong hawakan ni Simon ang kamay ko at hinila pabalik sa kumpol ng mga kaibigan ko.

"Let's move. We'll going to see the former Queen," Simon announced and released my hand. "Nasa mansyon ito ni Lady Lou," ani pa nito na siyang ikinagulat ko. What is she doing there? Nasa malayong parte ng Xiernia ang mansyon ni Lady Lou. At sa pagkakaalam ko ay hindi basta-bastang matutunton ang mansyon na iyon. Lady Lou is a powerful Xiernian. She used her power to kept that mansion safe and a secret as well.

May inilabas si Simon na bilog na kulay gintong bagay. It looks like a pendant with a dark blue crystal on the center. I saw how he pressed the crystal. "Stay inside of the circle," he instructed us. Takang napatingin ako sa paanan ko at laking gulat ko noong makitang may kulay asul na linyang nakapalibot saamin.

"This will be fast," sambit pang muli nito. "Really fast." he smile a little then pressed the crystal he's holding.

Bigla akong napaupo dahil sa biglang pag-ikot ng paligid.

Shit!

The hell with this! Napahawak ako sa lupang tinatapakan ko para doon kumuha ng balanse. Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakaupo rin ang mga ito. Ang tanging nakatayo lamang ay sila Ara at Simon.

Lumipas ang ilang minuto ay dahan-dahang bumagal ang pag-ikot. At noong tumigil na nang tuluyan ang pag-ikot at dahan-dahan akong tumayo. Ipinilig ako ang aking ulo at pinakalma ang sarili. Halos masuka ako dahil sa nangyari. Damn it.

"Are you okay?" napatingin ako noong magsalita si Timothy sa tabi ko. Tumango lamang ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"We're here," anunsiyo ni Simon. Agad akong napatingin sa mansyong nasa harapan namin.

One word for this mansion. Magical. Napatingin ako sa mga Xier na lumilipad sa buong paligid. They looked so peaceful. So, this is Lady Lou's place?

Wow.

Agad naman akong naging alerto noong makaramdam ako nang kakaiba at matinding kapangyarihan. Maging sila Timothy ay naging alerto rin.

"Relax," sambit ni Ara. "Kapangyarihan iyon ni Lady Lou. Someone's just trying to break her spell," ani pa nito. "We're safe here. Let's go."

Nagsimula nang maglakad si Ara na sinundan naman ni Simon. I took a deep breathe and slowly take a step. Natigil lamang ako noong higitin ako ni Timothy.

"You looked pale," he said and touched my face. I smiled at him. "I'm fine, Timothy. Don't worry," sambit ko dito at akmang maglalakad muli noong hawakan niya ang aking kamay.

"You're scaring me, Shanaya," ?ahinang sambit niya na siyang ikinatigil ko. "Please. Tell me if your in pain. I'm here," wika pa niya sabay hila saakin at niyakap ako. I hugged him back and tapped his shoulder. "I'm fine, Timothy. There's nothing to worry," I said as tears escape on my eyes.

Shanaya: Queen of the FairiesOnde histórias criam vida. Descubra agora