Chapter 7: Bloody

11.1K 439 16
                                    

Nakasimangot ako habang pinagmamasdan si Timothy na abala sa pagmamasid sa buong hardin ng palasyo.

Gaya nga ng nais ng aking ina ay nanatili muna ito nang Xiernia. At ako. Si Shanaya, ang prinsesa ng Xiernia at ang tanging taga pagmana ng trono ang siyang inatasan na maging gabay ng lalaking to. Ang saya diba? Tsk.

"Hahaba ang nguso mo, prinsesa," biro nito saakin noong makitang nakabasungot ang mukha ko. Inirapan ko lamang ito.

"Halika dito," yaya niya saakin. "May ipapakita ako sayo," nasa may malapit siya sa fountain. Kunot noo akong humakbang palapit sa kanya. Kita kong naging alerto ang taga bantay ko sa paglapit ko kay Timothy. Nilingon ko ang mga ito at sumenyas na ayos lang. Na ayos lang na lumapit ako sa lalaking ito.

"What is it?" I asked when I reached him.

"Is this.. uhm," hindi niya matapos ang dapat ay itatanong niya saakin kaya naman ay minabuti kong lapitan ito ng mas malapitan. Noong makalapit na ako ay bumaling ako sa kung anong tinuturo niya.

I smiled when I saw them.

"Xier," bulalas ko.

Bigla silang lumipad at lumapit saakin. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa gawi ko. Tatlo sila. Ang isa ay umupo sa kanang balikat ko samantala ang dalawa ay lumipad patungo kay Timothy na mukhang nagulat dahil napaatras ito.

"Relax. They are harmless," wika ko dito habang paikot-ikot na lumilipad ang dalawang Xier sa kanya.

'Prinsesa, sino siya?'

Nilingon ko ang isang Xier na nasa balikat ko. Ngumiti ako rito.

"Our visitor. From Tereshle," sagot ko dito. Kita ko ang gulat sa maliit na mukha nito. Maging ang dalawang lumilipad malapit kay Timothy ay nagsitigil at biglang lumipad patungo saakin at nagtago sa likod ko.

Napailing ako sa inasal ng mga Xier. I can't blame them. Ito ang unang pagkakataon na may bisita kaming taga Tereshle.

"Bakit sila nagtatago?" takang tanong ni Timothy saakin.

'Princess, is he a bad guy?'

'Will he hurt us?'

'Princess, let's run!'

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang tumawa.

Nakita ko ang lalong pagguhit ng pagtataka ang mukha ni Timothy. Nasapo ko ang aking tiyan dahil sa pagtawa. Mukha ba talagang masamang tao itong si Timothy? Na maging ang mga inosenteng Xier ay takot sa kanya.

"They're afraid of you, Timothy," natatawang wika ko dito.

'Ssssssh'

Sabay-sabay na suyaw saakin ng tatlo na siyang ikinailing ko.

"Go. Bumalik na kayo sa fountain," utos ko sa tatlo at agaran naman silang sumunod sa nais ko.

"Princess Shanaya."

Natigilan ako noon may tumawag saakin. I know that voice too well kaya alam ko na kung sino iyon. Malawak ang aking ngiti noong nilingon ko siya.

"Simon," I said.

Pero ang ngiti sa labi ko ay nawala dahil sa kakaibang aura na ipinakikita niya ngayon. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin saakin, sa amin. He looked so damn serious. And dangerous as well.

"I was looking for you," he coldly said.

"Oh," yun lang ang nasabi ko sabay lingon kay Timothy. At halos mapairap ako noong nakakunot noo itong nakatingin kay Simon. He look so damn serious, too. I bit my lower lip. The presence of this two gives me chill.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now