Chapter 24: Pain

8.1K 351 3
                                    

Tahimik akong nakaupo habang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ni Natasha. She kept on telling them, Nathalie, Nates and Timothy, about what I did. She even told me earlier that I was awesome because of my ability.

"Any idea kung bakit ka habol ng mga iyon?" napalingon ako kay Nathalie noong nagsalita ito. Napaayos ako ng upo dahil sa uri ng titig niya saakin.

"What are they, anyway?"

Actually kanina pa ako walang kibo dahil sa nangyari. Nawalan ng malay ang tatlong lalaki at dinala sila sa headquaters ng mga Knights. Iimbestigahan daw ang mga iyon. But I doubt that. Alam kong wala silang makukuhang kahit ano mula sa kanila.

"Nathalie," wika ni Timothy na tila pinipigilan ito sa ginagawang pagtatanong saakin.

"What?" iritang asik nito kay Timothy. "If those men are after her, then dapat lang ay alam natin ang dahilan kong bakit nais nilang dakpin siya!"

"Stop questioning her," mariing ani ni Timothy kay Nathalie.

"Come on! I don't know here! We don't know her! Tama lang na magtanong ako sa kanya. At isa pa, muntik nang mapahamak ang kapatid ko dahil sa kanya! It's my right to question her para naman hindi maulit ang pangyayaring ito!"

"Nathalie, stop," kalmadong suyaw ni Nates sa kapatid. Hindi makapaniwalang lumingon si Nathalie sa nakatatandang kapatid. Kita ang iritasyon sa kani-kanilang mga mukha.

I sighed.

"Those men..."

Natigilan ang magkapatid sa pagtatalo nong magsalita ako. Natahimik ang mga ito at matamang tumingin saakin.

"I don't know what's their real motive. It's either they wanted to capture me or..." I took a deep breathe, I cursed mentally when I felt the strange pain on my chest. I bit my lower lip and calm myself.

"Or what, Shanaya?" naiinip na tanong ni Nathalie.

"Or want me dead."

"Reasons, Shanaya! Anong rason nila?" pasigaw na ngayon ang tanong ni Nathalie saakin.

"Shut it, Nathalie!" Timothy equaled his voice to her.

"Timothy, that's my sister you're talking to!"

Ngayon ay maging si Nates ang mukhang ubos na rin ang pasensya. Napabaling ako ngayon kay Natasha na ngayon ay tahimik na. She looks like she's about to cry.

"I'm Shanaya," biglang wika ko na siyang ikinatigil muli nila. Kita ko ang di makapaniwalang tingin ni Nathalie saakin. Like saying my name to them was such a nonsense thing to say. But still, pinagpatuloy ko ang nais kong iparating sa kanila. Maybe this is the right time for them to know my real identity.

"Shanaya of Xiernia."

"Shanaya, you forgot the 'Queen' on that." sarkastik na sambit ni Timothy saakin. I mentally roll my eyes on him. This guy! Really!

Kunoot noong nagkatinginan ang magkakapatid.

"Xiernia," mahinang sambit ni Natasha na siya ikinangiti ko. "I think I've heard that one somewhere," ani pa nito at napahawak sa kanyang baba, tila nag-iisip.

"Queen. Shanaya," wika ni Nates na siyang ikinakakunot pa lalo nang noo niya. "You're a queen?" he asked and I nod.

"She's the queen of the fairies. Queen Shanaya of Xiernia. And Xiernia, well, that's the name of the magical world of the fairies," Timothy explained to them. Sinabi niya ding doon kami sa Xiernia nagkakilala, two years ago.

Katahimikan.

Kagat-labi akong napabaling kay Timothy. Tumango lang ito saakin at ngumiti.

"If you're the Queen, what are you doing here?" Nathalie asked. "Diba dapat nasa Xiernia ka? At isa pa, labag ito sa kasunduan sa pagitan ng Tereshle at nang mundo niyo."

Napakagat ako lalo sa pang-ibabang labi ko. Talagang malaking katanungan para sa kanila ang presensya ko sa mundo nila. Ano nga ba? Ano nga ba ang ginagawa ng isang katulad sa mundong ito? Hindi ko alam! At kung tungkol naman sa kasunduan, alam kong nilabag na namin ito, but it wasn't me who broke that rule. Dahil maging ako ay ayaw kong mapunta rito! I was forced to here. Napunta ako rito taliwas sa nais ko.

I sighed again.

Akmang magsasalita na sanang muli ako ngunit agad akong natigilan dahil matinding sakit na nararamdaman. Kung kanina ay kaya ko pang itago ito mula sa kanila, ngayon ay mukhang hind ko na kaya iyon. I held my chest as the pain defeated me. Damn it!

"Shit!" mahinang bulalas ko sabay pikit ng mata.

"Shanaya!"

Agad na lumapit saakin si Timothy. Lumuhod ito sa harapan ko para magpantay kaming dalawa. He held my hand and fear was written on his face. I smile at him.

"Shanaya. Your hands are cold. What's wrong?"

Umiling ako sa kanya.

"Come on. What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm fine," ani ko sabay tingin sa magkakapatid. They looked concern, too. Maging si Nathalie na kanina'y galit ay naging kalmado na. "Mukhang napagod lang ako kanina," kumbinsi ko pa kay Timothy. Right! Mukhang napagod lang talaga ako. I used my power and ability simultaneously earlier. Mukhang mababa ang stamina level ko sa mundong ito.

"Liar," biglang sambit ni Nathalie sa siyang ikagulat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kita ko ang pag-iba ng ekspersyon niya. It was calm, yet sad. Hindi ko mawari ang tunay na nararamdaman niya. She tilted her head a bit and put her hands on her pocket. "Your heart beats are slowing down. Hindi na din normal ang paghinga mo," She calmly said.

Napalunok ako sa mga katagang binitawan niya. How come she know about that?

"Shanaya."

May mariing sambit ni Timothy sa pangalan ko.

"Call someone who can check on her bago pa lumala ang kalagayan niya, Timothy." Wika pa ni Nathalie sabay labas sa silid na kinaroroonan namin. Sumunod sa kanya ang kakambal. Samantalang tahimik lamang na nakamasid si Nates saamin. Maya-maya pa ay nakita ko ang marahas na buntong hininga niya. He took a few steps towards us, me and Timothy.

"Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga impormasyong binitawan mo kanina. Let's talk about this in some other time. Take a rest, Shanaya." Ani nito sabay talikod saamin at lumabas na din sa silid.

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa ni Timothy. Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay. Bahagyang pinisil niya ito kaya naman ay napatingin ako sa kanya.

"Tell me. Anong nangyayari sayo?" he gently asked.

"I don't know," I answered, almost a whisper. "Hindi ko rin alam. Earlier, hindi naman ako nasugatan. I know dahil hindi ko hahayaang masaktan ako habang nasa mundo mo," paliwanag ko dito.

Tinitigan niya lang ako at hindi na muling nagsalita. I wanted to assure him na talaga ayos lang ako but my body failed me. Lalong sumakit ang dibdib ko na siya ikinaluha na nang mga mata ko. Fuck!

I let myself scream because of the pain. Masyadong masakit iyon at idagdag mo pa ang pahirap saaking paghinga!

"Damn it!" rinig kong mura ni Timothy sa tabi ko bago ako mawalan ng malay.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now