Chapter 9: Visitor

10.2K 418 19
                                    

Maaga pa lang ay nagsimula na akong magbasa ng mga aklat na ibinigay saakin ni Lady ko. Dahil nga lumiban ako sa session namin kahapon, ako na ang nag-adjust para naman ay makabawi ako.

Hanggang ngayon ay sariwa parin saaking isipan ang nangyari kahapon. Natalo namin ni Timothy si Ara at Simon. And true to his words, naging mabait ng kunti si Simon towards Timothy.

Ipinilig ko ang ulo ko at ngumiti.

"Lynus," mahinang sambit ko nong mabasa ko iyon sa isa sa librong binabasa ko.

"One of the four division of the Kingdom of Tereshle. Being ruled by Jade's family, the most powerful family from the division," basa kong muli.

"Jade, huh? Ano nga ulit ang buong pangalan ni Timothy?" tanong ko sa sarili. Alam kong sinabi na niya iyon saakin noon. Nakalimutan ko nga lang. Natigil ako sa pag-iisip noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Bumungad saakin ang magandang mukha ng aking guro.

"Lady Lou," banggit ko sa pangalan nito. Kita ko ang gulat nito ngunit agad ding nawala at ngumiti.

"Princess," she said. "Napaaga ka yata?"

Tumango ako rito.

"Wala kasi ako kahapon, Lady Lou. Pambawi lang," nakangiting sagot ko dito.

Naglakad ito patungo sa palaging inuupuan at pwesto niya, sa tapat ko. Kumuha ito ng libro at nagsimulang magbasa ng tahimik.

Naging abala kaming dalawa sa mga aklat na binabasa. Ni isa saamin ay hindi gumawa ng kahit anong ingay na siyang makakaistorbo sa katahimikan namin ngayon.

"Princess." tawag pansin ni Lady Lou saakin pagkaraan ng mahabang katahimikan. I looked at her. "Si Timothy ba, kailan siya babalik sa mundo nila?" tanong nito saakin.

"Hindi ko rin po alam, Lady Lou," I honestly answered. It's true. Hindi ko alam kung kailan siya pahihintulutan ng aking inang reyna na bumalik ng Tereshle.

"He needs to go home, Princess," seryosong saad nito.

Kunot noo ko itong tiningnan.

"I know, Lady Lou. Pero hindi ko hawak ang desisyon na yun. Nasa reyna."

"Then talk to her, Princess," mas sumeryoso ito ngayon.

"What is it, Lady Lou? May problema ba?" I nervously asked. Lady Lou knows alot. She can see a glimpse of the future. Anong alam niya? I saw how see closed her eyes. It took her a few seconds before opening her eyes again.

"I can't tell you now, Princess. Just let the Lynusian go. Let him go," Ani nito na siyang lalong nagpakaba saakin.

Natapos ang buong araw na yun ang laman ng isipan pa. Alam kong may maling mangyayari sa hinaharap. At mukhang may kinalaman ito kay Timothy. Or not? Hindi naman aakto si Lady Lou nang ganoon kung wala lang ang nakita niya.

I sighed.

Tahimik akong nakahiga sa kama ko. Today was a tiring day for me. Maghapon akong nag-aral at sumabay pa ang mga palaisipan na mga pinagsasabi ni Lady Lou.

I shut my eyes at tried to sleep. But I failed. Umaalingawngaw sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Lady Lou kanina.

"Shanaya."

I opened my eyes upon hearing his voice.

"Timothy?" I whispered to myself. I know it was his voice! It was him!

Bumangon agad ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinanggagalingan ng tinig, sa balkonahe ng aking kwarto. At hindi na ako nagulat noong makita ko nga ito roon.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now