Chapter 26: Desperate

8.3K 363 8
                                    

"What the hell did you say?"

Nagtitimping tanong ni Nates kay Timothy. Nasa bahay nila kami ngayon. Natasha and Nathalie are here with us, too.

"I need your help," ulit ni Timothy sa sinabi kanina. Seryoso itong nakatingin sa kaibigan while Nates looks so pissed at him.

"Seriously? What's wrong with you, bud? Timothy Wale! Asking for someone's help! And worst, saakin pa!" hindi makapaniwalang wika ni Nates dito.

"Kuya."

Suway ni Nathalie sa kapatid. Kanina pa tahimik ang magkambal. Simula noong dumating kami sa bahay nila ay hindi ito nagsalita o nagtangkang kausapin man lang ako. Mukhang galit sila saakin. Well, I can't blame them. Hindi ko ipinakilala ang tunay na ako sa kanila. I disappointed them, especially Natasha. She's been nothing but good towards me. Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabait saakin.

"Shanaya needs to go back to Xiernia," paliwanag ni Timothy. Napatingin naman si Nates saakin at salubong ang mga kilay nito. "Hindi namin alam ang tunay na kalagayan ng Xiernia. It will be difficult for us kung kami lang dalawa. That's why I'm asking for help."

"So, kailangan niyo kami para ano? Para ligtas na makabalik si Shanaya sa mundo niya?" mahinahong tanong ni Nathalie kay Timothy.

"Yes." agarang sagot nito sa kanya. "Kayo lang ang pwede kong hingian ng tulong. My mom doesn't want this idea kaya wala akong choice."

"It's against our damn rule, Timothy!" asik ni Nates dito. "We can't just risk our lives something dangerous like this!"

"Rules are just fucking rules, Nates," buwelta ni Timothy rito. "Susundin mo pa ba ito kung isa sa mahalagang tao sa buhay mo ay mawawala sayo?" iritang wika nito na siya ikinakagat ng labi ko. Gusto ko silang suwayin sa pagtatalo. Gusto ko silang tumigil sa pagbabangayan. Pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Tila ba'y naipit ang mga dila ko at hindi ko magawa magsalita.

Timothy is now desperate as fuck. Noong nalaman niyang ikamamatay ko ang pananatili dito sa Tereshle ay agad siyang gumawa ng paraan upang makabalik ako sa Xiernia. We've already talked to his mom, pinayagan niya akong makabalik sa mundo ko. At tanging ako lamang ang maaaring pumunta sa Xiernia na siya ikinagalit ni Timothy.  His mom doesn't want him to go. Hindi namin alam ang kalagayan ng Xiernia. Walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa mundo ko kaya naman ay hindi siya pinahintulutang sumama saakin.

And now he's making a way para payagan siya ng ina niya.

"I need you right now, Nates," ani Timothy.

"Sounds so gay, Timothy. Stop it," naiiling na wika ni Nates na siya ikinangiti ko.

"Gago," mura ni Timothy dito sabay iling din.

"Pagsumama ba kami, you think na papayagan ka ng mommy mo?" Nathalie suddenly asked. Napatingin ako sa kanya. She looked so calm that gives me chill all over my body.

"I hope so. You're family is the next rank to us. At mukhang mahirap kayong hindian ng ina ko," kita ko ang pagngisi ni Timothy sa kay Nates na siya ikinasimangot ng isa.

Sana ganoon lang kadali ang lahat. Yes, desperada na din akong makabalik ng Xiernia. I'll do everything para lang makabalik sa mundo ko. I wanted to leave this place but I don't want to leave Timothy here. It was a selfish act of me but I can't lose him again. Sabi pa nga niya, walang kasiguraduhan sa Xiernia and it scares me!

Tahimik ko silang pinagmasdan. I'll risk their life if sumama sila saamin, saakin pabalik sa Xiernia. Pero I know I can protect them once I entered again my world. I rule that world. I'm the Queen and I'll give my all to protect them.

"Count me in."

Natigilan ako noong biglang magsalita si Natasha. Maging ang tatlo ay hindi makapaniwalang lumingon sa kanya.

"Natasha, ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong ni Nates dito. "You're not going anywhere. Not in that fairy land."

"Shanaya needs us, kuya," paliwanag nito sa kapatid.

"No. This bastard needs us!" asik nito sabay turo sa kay Timothy.

"Kuya Nates, stop it. Sumusobra ka na."

This time, si Nathalie na ang sumaway sa kapatid. Lalo akong natahimik sa kung anong kumosyong meron kami ngayon. Oh great! Come on, Shanaya! Think.

Should I give up? Damn it!

Hindi maaring magkagulo ang magkakapatid dahil lamang saakin! I've already gave them enough trouble!

"I'll be glad to help," wika ni Nathalie sabay baling saakin. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya saakin na siyang ikinagulat ko. "Afterall, what are friends for, diba?"

"Nathalie," mahinang sambit ko sa pangalan niya. She just smiled at me.

"Kuya we'll join us, too," Nathalie said then smile towards her brother. I heard Nates cursed in a low voice. "So, what's the plan?" she asked and look at Timothy.

So, they're coming with us?

Biglang kumabog ang dibdib ko. Pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. I know, malaki ang maaring maitulong ng magkakapatid sa pagbalik ko sa Xiernia. At kung magkagulo man doon, I'll make sure na makakabalik sila dito sa Lynus ng buo, safe and sound.

"We'll asked first the permission and..."

"We already have the permission, Timothy," singit ko sa usapan. He looked at me and smiled. "Mrs.Wale only concern was his son's safety. Kung kasama kayo, tiyak kong mapapanatag ang loob niya," I said and sighed. Napikit ako noong makaramdaman ako ng panghihina. Damn it! I'm losing it! Bumaling ako kay Timothy at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. I smiled at me and nod. Tumango ito saakin at bumaling muli sa magkakapatid.

"Shanaya we'll open the portal for us," simula ni Timothy.

"You can open the portal?" Natasha asked me, I nod at her. "I can. May natitirang lakas pa naman ako kahit papano," sagot ko dito. Nagsitanguhan ang mga ito sa sinabi ko.

"Hindi ko alam ang maaring mangyari saatin pagkapasok ng Xiernia. It's either nakaabang sila Simon roon sa pagbabalik ko o nakatutok na saatin ang mga sandata ang mga kaaway ko," seryoso kong sambit. Mataman ko silang tiningnan. Seryoso din ang mga itsura nila. Like they're ready on whatever will happen to us once we enter Xiernia.

"Don't worry about us, Shanaya. We can handle ourselves," ani Nathalie na sinang-ayunan naman ni Natasha.

"So we're good?" tanong ni Timothy sa magkakapatid. I saw how the twin nod to him while Nates raise his middle finger on him.

"Damn you, Wale! Pagkatapos nitong gagawin natin, kakatayin kita," sambit ni Nates na ikinatawa lang ni Timothy.

"I'm ready, Nates. Bago pa man ako nagdesisyong humingi ng tulong sayo ay hinanda ko na ang sarili ko sa maaring buwelta mo saakin," sambit pa ni Timothy at tumawang muli.

Shanaya: Queen of the FairiesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora