Chapter 30: Send

7.8K 325 1
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Iginala ko ang paningin ko rito at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. Tahimik akong tumayo sa kamang kinaroonan at nagtungo sa pinakamalapit na bintana saakin. Hinawi ko ang kurtina roon at nakitang madilim na ang buong paligid. Bahagyang kumalma ang kalooban ko noong mapagtanto kong asan ako. Nasa mansyon ako ni Lady Lou. Ang mga lumilipad na Xiers ang basehan ko dahil pamilyar ang mga ito saakin. Sila yung mga nakita ko kanina.

Ipinilig ko ang aking ulo at pilit inalala ang mga nangyari.

What am I doing here in this room?

Nasapo ko ang aking noo noong wala akong maalala sa mga nangyari. Ang huling malinaw lamang sa aking alaala ay yung nag-uusap kami ni Timothy.

'You're scaring me, Shanaya.'

Napakagat ako nang labi ko noong maalala ang mga katagang binitawan ni Timothy kanina. I felt guilty because of that. He wants me to tell him everything but I can't. Dahil sa oras na sabihin ko sa kanya lahat, pareho kaming magdudusa. Ayos na ako lang ang magdusa. Wag lang siya.

Dahan-dahan akong bumalik sa kamang hinigaan ko kanina at naupo roon. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. I bit my lower lip when I felt nothing. I can sense emptiness. Slowly, I opened my eyes.

"What wrong with you, Shanaya?" I asked myself.

The truth is, simula noong nakabalik ako ng Xiernia ay biglang nawala ang sakit na naramdaman ko noong nasa Tereshle pa ako. Kasama naroon ang paghina ng kapangyarihan ko. I can feel it. Kung ikukumpara sa kung ano ang mayroon ako noon bago mangyari ang kaguluhan, I'm more powerless now. Hindi ko alam kong anong rason sa kung anong nangyayari saakin ngayon. Wala akong ideya! At hindi ko rin alam kung ano ang gagawin! I can't be like this! I have a kingdom to save!

Ipinahid ko ang luhang nag-uunahang umagos sa aking mga mata!

Damn it! Crying won't do anything good to me!

Agad akong natigil sa kakaiyak noong may mga yabag akong narinig palapit sa kwartong kinaroonan ko. Pinakalma ko ang sarili at pinahid ang mga luha sa mata. Hindi maaring makita nila akong ganito. I need to be strong for them. My weakness is our downfall. Hindi maaaring mangyari iyon.

Napatingin ako sa pintuan noong makarinig ako ng marahang katok. Umayos ako sa pagkakaupo at blankong tumingin ko bintanang nasa harapan ko. Relax, Shanaya. Act normal. Act as if nothings wrong with you!

"My Queen."

Lady Lou.

"Thanks God you're awake. Kumusta pakiramdam mo?" she asked and walked towards me. She stand infront of me samantala ay nakatuon parin sa kawalan ang buong atensyon. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya. Noong magtama ang aming mga mata ay natigilan ito. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"I'm fine, Lady Lou," ani ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Naglakad ako patungo sa bintana kung saan ako tumayo kanina.

"You're not fine," she stated. Bahagya akong napailing sa tinuran niya. Maya-maya pa tumabi ito kinatatayuan ko. "What's wrong?" she asked.

"You tell me, Lady Lou. What's wrong with me?" mahinang wika ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

"Shanaya," she called me out but I still stay. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. "I can't read your mind," sambit niya na siyang ikinalingon ko sa kanya. "You're like a blank slate now, my Queen."

"What do you mean?" I asked her.

"Haven't I told you before that we, the fairies of Xiernia, are not allowed to go outside our kingdom. We can't leave this place, Shanaya. At lalo nang bawal tayong manatili ng matagal sa labas ng ating mundo."

Nanlalamig na ngayon ang buong katawan ko. I know kung ano ang mga susunod na sasabihin ni Lady Lou saakin pero nanatili akong tahimik at walang imik.

"Shanaya, leaving Xiernia means our own death," kalmadong sambit niya pa. I know that. I freaking know that! She told me that during our special lectures at the palace.

"Where's my mom?" wala sa sariling tanong ko rito.

"Shanaya."

"I need to talk to her, Lady Lou," ani ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa Tereshle," pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang lumalandas sa aking pisngi. "I need to hear her reasons."

"And when you find out her reasons? May magbabago ba?" tanong nito saakin na siya ikinatigil ko.

Mayroon ba? Wala na naman diba? Hindi ko na maibabalik ang kapangyarihang nawala saakin. Hindi ko na maibabalik ang kung anong mayroon ako noon. Hindi na! Dahil tapos na! Nangyari na!

Muli kong pinahid ang mga luha ko. I'm powerless right now. At isa lang ang ibig sabihin non. Hindi ko na maililigtas ang kaharian ko!

"I'm going to die," mahinang sambit ko.

"No," ?aagap na sambit ni Lady Lou. "I won't let that happen, my Queen."

"But without my power, I can't fight against our enemies," Sambit ko pa rito at mariing ipinikit ang mga mata. My tears are keep on falling. Nonstop.

"You have us, the Tereshlian are here with you, too. They can help," sambit nito na siya ikinailing ko.

"I'll send them home," sambit ko dito. Kita ko ang pagkalito nito sa sinabi ko. I took a deep breathe and sighed. "Kailangan nilang makabalik sa mundong pinanggalingan nila. They can't stay long here. I can't risk their lives. They've done too much for me, Lady Lou. Staying here may harm them. I'm not powerful enough to protect them."

"But in our current situation, my Queen, we need their help. Those Tereshlian are powerful, you know that. And I can feel their attributes."

"But I can't risk their lives!" mariing wika ko. "Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari! I'm powerless! I'm useless now! Mas makakabuti nang bumalik na sila sa mundo nila!"

"My Queen." mahinahong sambit ni Lady Lou saakin. She sighed and look at me intently. Hindi ito nagsalita at tiningnan lamang ako. Tila ba'y tinitimbang niya kung ano ang dapat na sabihin saakin. My decission is final. Babalik sila Timothy sa Lynus.

"Whatever you wants, my Queen," she sighed again. "We'll send them off tomorrow before the sun rises," ani pa nito nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ng silid.

"Come on, my Queen. The former Queen Alexandria is waiting for you," aya nito saakin at binuksan ang pintuan at lumabas na nang tuluyan sa silid.

Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo. Right. Kailangan ko nang makita ang aking ina. Sinundan ko palabas si Lady Lou pero pagkalabas ko sa pintuan ng silid ay natigilan ako noong makaramdam ng pamilyar na kapangyarihan.

Nagpalinga-linga ako at nagbakasakaling makita ang may-ari ng kapangyarihang naramdaman ko. But seconds passed, hindi ko ito nakita.

Timothy.

Naipilig ko ang aking ulo pakaliwa. Nagkamali ba ako sa naramdaman kanina? Pero hindi e. I know him. Kilala ko ang kapangyarihan niya. I know it was him! Pero asan na siya?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagsimula nang maglakad para sundan si Lady Lou.

Let me deal with Timothy later. Cause right now, I'm going to see my mom.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now