Chapter 3: The Intruder

12.8K 493 18
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig sa labas ng aking kwarto.

Pilit akong bumangon para malaman kung ano ba ang nangyayari ngunit tanging mura lang ang namutawi sa aking bibig.

"Damn!" I cried.

My whole body is aching for petesake! Napasobra ata kami ng training kagabi ni Ara! That girl. Talagang hindi kami tumigil hangga't hindi kami parehong pagod at wala nang lakas.

Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan kong bumangon. I set aside the pain I'm feeling right now. Mukhang kailangan kong magpunta sa sacred lake mamaya para gumaan ang pakiramdam ko.

Paika-ika akong naglakad patungo sa banyo. Ininda ko ang sakit ng buong katawan ko hanggang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko. Naging alerto agad ang mga taga bantay ko. They faced and bowed to me. I nodded my head at nagsimulang maglakad patungo sa pinaggagalingan ng ingay na kanina ko pa naririnig.

"What's happening?" I asked. Nakasunod ngayon ang dalawang taga-silbi ko. Lumiko ako sa gawing kanan ng pasilyo. Mukhang nanggagaling sa function hall ng palasyo ang ingay.

"May natagpuang sugatan na taga labas, mahal na prinsesa," sagot ni Pamela, isa sa dalawang taga-silbi ko.

I stop from walking.

Taga labas? It means taga Tereshle ito! No wonder na nagkakagulo ang palasyo ngayon.

Nagmadali akong nagtungo sa function hall. And again, I ignored the pain. Ito ang unang beses kong makakakita ng taga Tereshle!

Everyone stop from chatting when I entered the hall. They all looked at me and bowed their heads. Saglit akong tumigil at nagpasyang maglakad muli patungo sa aking ina na prenteng nakaupo sa kanyang upuan.

Nang makalapit ako ng tuluyan sa kanya ay yumuko ako sa harapan niya. I saw how my mother smiled at me.

"Shanaya,"

"My Queen," I said then smiled at my mom. "What's happening?" I managed to ask her. Kita kong bahagyang tumigil ito sa naging tanong ko. "Where's the outsider, mom? I want to see him. Or her?"

Kumunot ang noo niya sa mga sunod-sunod na naging tanong ko. She sighed and looked at the minister infront of us. Tumingin rin ako sa kanila. Mukhang may importante silang pinag-uusapan bago ako dumating.

Bahagya akong umatras at tahimik na tumayo sa gawing kanan ng aking inang reyna.

"We need to decide now, Queen Alexandria!" ani ng isa sa sampung minister ng aking inang reyna. "Execute him!"

Natigilan ako sa narinig ko.

Execute who? The intruder? Why? Dahil lang ba sa rule na bawal pumasok sa aming mundo ang mga taga Tereshle? Is that it?

"Walang ginawang masama ang taga labas, ministers," seryosong saad ng aking ina. "Sugatan at walang malay ito noong makita siya sa bukana ng Xiernia. You think magagawa kong pumatay ng taong hindi ko man lang alam ang dahilan kung bakit siya narito?"

Napatingin ako sa aking ina. This is why I adore her so much. She's a good queen, a wise leader and the best mother. Kaya nga minsan napapaisip ako. Makakaya ko kayang gawin ang mga nagawa ng mga magulang ko? Am I good enough to sit on the throne?

"Pero mahal na reyna! Malinaw na labag ito sa kasunduan sa pagitan ng ating kaharian at ng Tereshle!" asik ng isa.

"Ang dapat sa mga dayo ay parusahan."

"Tama!"

Rinig kong may sumigaw sa kung saang parte ng function hall. Really?

"You're being unfair, " wala sa sariling wika ko.

Nakita ko kung paano sila nagsitigil. Ang kaninang function hall na maingay ay napuno ng katahimikan. Shock was written all over their faces. Hindi marahil nila inaasahang sasabat ako sa ganitong usapan. Palaging tikom ang bibig ko kapag nagbabangayan sila sa isa't-isa. Taga masid lamang ako. But not now. I won't just shut my mouth this time.

I sighed.

"Kung isa sa inyo ang mapadpad sa Tereshle, gugustuhin niyo bang parusahan ng kamatayan kagaya nang nais niyo sa dayo ng ating kaharian? Papatayin kayo? Without knowing your side kung bakit kayo napadpad roon? Is it okay with you? Huh? Tell me. Ayos lang ba iyon sa iyon? Dahil kung oo, pwes, parusahan na siya," I coldly said and asked them.

Walang sumagot ni isa sa kanila. Lalong naging tahimik sa buong function hall.

They just bowed their heads.

I looked at my mom. She's smiling widely at me. Tila ba ay nasisiyahan siya sa inasal ko. Tama naman ako diba? Bakit tayo papatay ng isang taong hindi naman natin lubos kilala? Bakit natin siya huhusgahan agad?

"Lead the investigation, Shanaya."

Natigilan ako sa mga salitang binitawan ng aking ina.

I looked at her. Shocked. I'll what?

"I'll let you handle this one, my beloved Princess," she said then stood up. Naging alerto ang mga kawal at maging ang mga ministro. Nagsimulang maglakad ang aking inang reyna palabas ng function hall samantalang ako ay parang napako sa kinatatayuan ko.

Wait a minute!

Tama ba ang narinig ko?

"Princess Shanaya."

Napatingin ako sa taong tumawag saakin. I only saw two people. Ara and Simon. Wala na ang aking ina at ang ministro. Nakalabas na sila? Hindi ko man lang namalayan!

"Narinig niyo ba yung sinabi ng reyna kanina?" wala sa sariling tanong ko sa dalawa. Nakita ko silang tumango sa akin.

"Opo, mahal na prinsesa. At kami rin ang inatasang gabayan ka sa iyong misyon," Ara said while smiling.

"Misyon?" takang tanong ko. Ngumiti pa lalo si Ara. Tumango ito saakin na siyang lalong nagpakunot ng noo ko. Napatingin naman ako sa seryosong si Simon sa tabi niya.

"We'll leaving the palace," wika ni Simon.

"Leaving? You mean lalabas ako? No more guards?" I asked them. Ang kaninang ngiti ni Ara ay naging ngisi na.

"Kasama mo kami, Shanaya. Wag kang magdiwang dyan," malamig na tugon ni Simon.

Napasimangot ako sa kanya. This guy! Really! I rolled my eyes on him.

Tinampal naman ni Ara ang balikat ni Simon at bahagyang tumawa.

"Let her be. Don't cage her in this palace," ani Ara at tumingin saakin.

"Let's go. We have to see first the condition of the outsider," Anyaya ni Ara saamin. Unang umalis sa kinatatayuan niya si Simon. Napailing nalang si Ara sa inasal nito. Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Ara. At noong magpantay na kaming dalawa ay nagsimula na kaming lumabas sa function hall.

"Minsan ay hindi ko maintindihan itong si Simon."

Napatingin ako kay Ara noong magsalita ito. Patungo na kami ngayon sa kinaroroonan ng taga Tereshle. Ang sabi ni Ara kanina ay nasa Sacred Temple ito at nagpapagaling. Mukhang malubha nga ang kalagayan nito at pinahintulutan ng aking inang reyna na doon ito mamalagi.

"What do you mean by that?" I asked her. Okay naman si Simon ah?

"Minsan, gustong-gusto ka niyang itakas nalang palayo sa palasyo. He wants you to be free. Free like a bird. Pero ngayong may pagkakataon kang maging malaya pansamantala, mukhang di pa ito sang-ayon," naiiling itong napatawa ng bahagya. "Akala ko pa naman ay komplikado na ang utak nating mga babae. Mukhang mas nabuhol ang utak ng isang iyon."

She stop from walking and looked at me. Smiling.

"Anyways, bilisan na natin. Baka hindi natin maabutang buhay ang taga Tereshle. Mukhang andun na si Simon sa temple." Ara said, held my hand and drag me to the sacred temple.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now