Chapter 20: Help

8.5K 366 9
                                    

Pinagmasdan ko ang malawak na harding pagmamay-ari ng pamilya Wale, the ruler and leader of Lynus. Ang pamilya ni Timothy.

Dito ako dinala ni Timothy pagkatapos ng kaguluhan sa sentro. He even told the Knights who are chasing him a while ago that he'll go with them without dragging him around. Sumunod naman agad ang mga ito ay nasibalik sa mansyon nila. Hanggang ngayon ay hindi ko parin gets kung bakit siya hinuhuli nito. He's a Wale, afterall. And Knights are supossed to protect them, not to chase him down.

"Kakilala mo pala sila Nates," ani ko dito habang pinagmamasdan parin ang ganda ng hardin.

"Yeah. We attended same school. Tereshle Academy," he said casually. Napalingon ako rito dahil sa narinig mula sa kanya.

"Tereshle Academy?" manghang tanong ko. I've only read books about that Academy he's talking about. I went there? Really? Ano kaya ang itsura nito?

I was about to asked something to him about Tereshle Academy noong biglang may naalala ako. "And you supposed to marry Nathalie? Tama ba?" I asked. Kanina ko pa rin ito nais itanong sa kanya. I admit, naging palaisipan saakin kung ano ang naging relasyon ng dalawa. Nathalie is silent type of a woman. She's nice. Hindi nga lang palasalita compare her twin sister, Natasha.

Kita ko ang pag-ngiwi niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay napailing nalang ito.

"Sort of. But I declined the proposal," walang ganang sagot niya.

Say what? And he what?

Mukhang tama nga si Nates kanina, may pagkagago ang isang to.

"Nathalie's nice," komento ko dito. I heard him laughed kaya naman ay sinamangutan ko ito. What? Totoo naman ah!

"And why we're talking about me, anyway? Looks like someone's interested with my personal life," natawang sambit nito. Napairap nalang ako sa pinagsasabi nito.

"I'm not!"

I've heard him laughed more because of what I've said! Jerk!

"Shanaya, Nathalie and I were childhood friends. That's all. And Nates was my bestfriend back then. But now he hates me because of hurting his little sister's heart," paliwanag nito saakin na siyang ikinairap ko.

"Ass," bulong ko rito na mukhang narinig niya kaya tumawa pa lalo ito.

Maya-maya pa ay natigil ito sa pagtawa. He took a deep breathe as he looked into me.

"What happened, princess?" he asked me. Nasa isang bilugang mesa kami ngayon, nakaupo. We're facing each other. He look so damn serious now. Nakakunot pa ang noo nitong nakamasid saakin.

Napabuntong hininga ako bago napagdesisyonang magsalita.

"Well, first of all, I'm not a princess anymore," ani ko na lalong ikinakunot ng noo niya.

"What? Na-dethrone ka?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran niya. The hell with this guy!

"What? No!" agarang sagot ko. "I wasn't."

Tumango-tango ito saakin na tila ba'y napagtanto na niya ang ibig sabihin nong sinabi ko kanina.

"Queen," he stated.

Silence envades us. Hindi kami nagsalita. We just stared at each others eyes.

"What happened, Shanaya?" he asked again. "If you're the Queen, then, what are you doing here? Bakit narito ka sa Tereshle? And why are you with the Alvarez, by the way?"

Alvarez? Sila Nates ba yun?

"I don't know, either," I said, almost whisper. "That day, natagpuan lang nila akong walang malay sa gubat. Natasha and Nathalie brought me to their house. They even told me that I was asleep for almost two days," I sighed saying those words. Iyon marahil ang epekto ng kapangyarihan ni mommy. Hindi ko pa gamay ang tunay na kapangyarihan ng aking ina. Hindi ko masabi kong ano ang naging epekto nito saakin. All I know is that she can summon anything, everything. Unlike me, tanging mga bagay lamang kaya kong tawagin, mga bagay na nakita o nahawakan ko na.

"I'm not supposed to be here, Timothy. Dapat ay nakikipaglaban ako ngayon," I bit my lower lip when I remembered what Gilbert did. He betrayed us! "Dapat ay naroon ako sa palasyo, protecting Xiernia from those bastards who wants my throne."

"So, nagkakagulo ngayon sa Xiernia," he said and all I can was just nod my head. "How about your mom? That Simon guy and Ara?" tanong pa nito.

Umiling ako at sumandal sa kinauupuan ko.

Sa totoo lang ay wala na akong idea sa kung ano ang nangyari sa kanina. I just hope na ayos lang sila. Dahil kung may masamang nangyari sa kanina, I swear, uubusin ko silang lahat. I'll kill them with my own hands.

Natahimik kaming dalawa ni Timothy. No one dares to talk. I just stared blanky at the flowers near us. Sana gaya ng mga bulaklak, sana ay ganyan ka peaceful ang Xiernia. Noong si mommy pa ang reyna, walang ganoong kaguluhang nagaganap. I feel like I was the one who to blame all of this shits. I'm the Queen yet I wasn't there to protect my kingdom.

Failure.

That's what I am right now.

Napatingin ako kay Timothy noong tumayo ito mula sa pagkakaupo niya. He' leaving?

"Come on," yaya niya saakin. "Pumasok na tayo sa mansyon. My mom is in her study room. We'll ask for help."

"Your mom?" wala sa sariling tanong ko. He nodded as he reached for my hand. Kahit nag-aalangan ay inangat ko parin ang kamay ko patungo sa kanya. At noong mahawakan niya ito ay hinila niya ako patayo at nagsimula na kaming maglakad.

Para akong sira kakatitig sa aming mga kamay. Somehow, I felt safe on his touch. His touch is telling me that everything will be alright. Na kahit na anong mangyari, he'll be there for me. Na hindi tulad noong nagdaang dalawang taon na iniwan niya ako ng walang paalam. His touch is telling me that he'll stay. He'll stay with me.

Natigil lamang ako kakatitig sa mga kamay namin noong tumigil sa paglalakad si Timothy. He look at me and sighed.

"We're here," he announced. I nodded at him as he knock three times and open the door.

Tumambad saakin ang isang malawak na silid. Sa kanang bahagi nito ay may mga bookselves, gaya ng study room ko sa Xiernia. Everything inside this room screams luxury. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang Ynus, ang pinamataas na lebel sa Tereshle. I wonder kung ganito rin sa lahat ng division, I mean them, the Ynus. Ganito ba talaga ang karangyaan nila? Unlike kasi sa Xiernia, only the royals have this kind of luxury.

Napako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa isang mesa. She looks like a girl version of Timothy. Her aura screams authority, too. Just like him, Timothy. I bit my lower lip. Hindi ko man lang napansing nasa harapan na pala kami nito. I saw how she smiled at me. Tipid naman na ngiti ang iginanti ko rito.

"So, you're Shanaya?" she asked and I nodded. Napatingin ako kay Timothy. How come his mom knows my name?

"Mom, we need your help," Timothy said. Kita kong naging seryoso ang itsura nito habang nakatingin sa anak.

"Well, that's new," his mom said and smiled. "You're the type of guy who can handle everything, Timothy. You never asked for someone's help."

Nawala ang ngiti nito sa labi. I stay still. Nanatili akong tahimik at nakatayo sa tabi ni Timothy.

"What is it, my son?" his mom asked.

Napatingin ako kay Timothy noong maramdaman ko ang pagpisil nito sa kamay ko. Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko man lang namalayang magkahawak kamay parin pala kaming dalawa.

"We need your permission, mom," he said. Tumingin muna ito saakin muli bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Kailangan naming magtungo sa Xiernia."

"Xiernia? The land of the fairies, huh?" She asked his son and looked at my direction.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now