Chapter 37: Want

7.5K 310 9
                                    

Katahimikan ang sumalubong saakin pagkatapak ko sa loob ng malawak na function hall ng palasyo. Deretso ang tingin ko sa pinaka-stage ng hall na ito. That was the place where my parents sat during their reigned. Bigla akong napahugot ng malalim na hininga noong naramdaman kong nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata.

Come on, Shanaya! Wag kang umiyak ngayon! Hindi ito ang tamang panahon para maging mahina!

Kanina, habang nakikipaglaban ako para makapasok ng tuluyan sa palasyon ay dumating sila Ara, Nathalie at Natasha. Sinabihan nila akong dumeretso na at sila na ang bahala sa mga kaaway. Kaya naman ay hindi na ako nagpumilit pang samahan sila sa laban. I know they can handle the enemies. Plus the fact na kasama nila ngayon si Nates na mukhang badtrip dahil sa di maubos na kaaway niya.

Humakbang ako at nagsimulang maglakad patungo sa pinaka entablado kung saan na naroroon ang upuan para sa mga royals na kagaya ko. Parang kailan lang, nakaupo ako sa isa sa upuang iyan, pinamumunuan ang buong Xiernia.

Pinagpatuloy ko ang paglalalakad ngunit nasa kalagitnaan palang ako ng function hall noong natigil ako sa paglalakad dahil sa kakaibang kapangyarihang naramdaman. Agad kong iginala ang paningin sa kabuuan ng hall. Alam kong may kakaiba na sa lugar na to. Pagkatapak ko palang kanina ay inihanda ko na ang sarili ko sa maaring mangyari. The silence within this hall is dangerous. It's like I'm inside a trap. A trap where I willingly step on it.

"Look who's here."

Agad akong napatingin sa aking unahan noong marinig ko ang tinig niya.

"Sandrus."

I said with a blood shot on my eyes. Agad na nag-init ang dugo ko noong makita ko siya. This man destroyed my eveything! Masama ko itong kinatitigan. He's wearing an all black dress and he's freaking wearing my dad's crown! The crown of a king!

"I've been waiting for you, Queen Shanaya. What took you so long?" nakangising tanong niya sabay upo sa upuang dapat ay sa hari lang ng Xiernia!

"How dare you," mariing sambit ko rito. "Traitor."

"Woaah. Chill, Queen Shanaya," natatawang wika nito habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Bat hindi mo ako samahan rito sa taas. Tutal naman ako ang bagong hari at ikaw ang munting reyna ng Xiernia," nakangising sambit pa nito na siya ikinakulo ng dugo ko.

"Asshole," mariing sambit ko sabay kumpas ng kamay ko patungo sa kinauupuan niya. Agad itong umiwas sa naging atake ko.

"So aggressive, my Queen."

Bigla akong nanlamig noong marinig ko ang tinig niya sa aking likuran. Bigla akong di nakagalaw sa sobrang lapit niya saakin.

"Noon pa man ay nakikita ko na sayo ang ganitong pag-uugali, Shanaya. Bata ka pa lang, alam ko nang kayang-kaya kong makuha ang trono sayo," bulong niya saakin na siya ikinakilabot ng buong katawan. I want to move pero parang akong naging isang estatwa.

"I have an offer to give you, Shanaya," wika niya sabay layo sa pagkadikit saakin. Naglakad it pabalik sa entabladong nasa harapan ko. Doon lang ako nakahinga at nakagalaw ng tuluyan. I saw how he smirk on me kaya naman ay sinamaan ko ito ng tingin.

"How about you, Shanaya, will become my Queen," he stated with an annoying smile on his face. At ano raw? Ako? Kanyang reyna?

"You're unbelievable," bulalas ko habang umiiling. "Hindi ka ba nakuntento na trinaydor mo ang dating pinagsisilbihan mo at pati ako ay nais mong makuha?"

"You know what I really want, Shanaya."

Ngayon ay nawala na ang ngiti nito sa kanyang labi. Seryoso na ito ngayon at naupo sa kaninang inuupuan niya.

Right! He wants my power. But I won't let him have it! Not a chance.

This time, ako naman ang ngumisi sa kanya.

"You want my power, right?" I asked as I walked forward towards his direction. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa ginawa ko. "Come on. Take it," hamon ko rito at itinaas ang dalawang kamay ko. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ngunit agad iyon nawala at napalitan ng isang nakainis na ngisi.

Bata palang ako ay medyo ilag na ako kay Sandrus. I may be close with his son, Simon, but not him. Mukhang ito ang dahilan kong bakit malayo ang loob ko sa taong ito. Trinaydor niya kami. He became our enemy, my enemy.

"As you wish," he said and just a blink of my eye, nawala ito sa paningin ko. Agad kong inalerto ang sarili.

I summoned my sword and as I expected, umatake nga ito saakin. Our sword clashes and it gives me chills. Buong pwersa ko itong itinulak at agad pinaulanan ng mga dark blades. Bahagya itong nagulat sa uri ng kapangyarihang ipinakita ko ngunit agad din naman itong nagfocus sa pag iwas sa atake ko. Mabilisan ang naging galaw ko. I know Sandrus is a great warrior. I know he's more powerful than me. Alam kong lamang na lamang ito sa akin but I'll take all the risk. Tatalunin ko siya sa kahit anong paraan.

"You're using your mom's power, I see." Sambit niya habang panay ang iwas sa mga dark blades ko. Hindi ko iyon pinansin at pinaulanan ko naman ito ngayon ng light blades ko.

"You're just wasting your power, Shanaya. I know this power too well," he said as he smashed on one of my blades. "Don't you remember? I served your parents for years."

"Yes, you served them but you fucking betrayed them!" sigaw ko dito at sinugod siya. Panay iwas lang ang ginawa niya sa bawat atake ko. Frustration filled me kaya naman ay minabuti kong dumistansya muna sa kanya.

"What? Yun na yun?" nang-aasar na tanong niya saakin. "Come on, Queen Shanaya," sambit pa niya na may diin sa pagbanggit ng salitang Queen. "Ipakita mo saakin ang tunay mong kapangyrihan."

And this time, siya naman ang umatake saakin.

A/N:

Hello guys!

May bago akong fantasy story entitled "THE CURSED OF ETERNITY". Modern era ang setting nito at stand alone novel po iyon. And for the last installment ng Kingdom of Tereshle stories, I'll post it if nasa last chapter na ako ng Shanaya: Queen of the Fairies.

So far, marami akong on going stories ngayon. Plus the fact na wala akong pahinga sa work, so yeah, mabagal ang update.

Yun lang po.

To you, thanks for reading.

xoxo

LadyAries 😊

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now