Chapter 19: Talk

8.2K 352 22
                                    

It's been damn two long years passed since the last time I saw him. I held my tears back. Tila ba'y lahat ng sakit na naranasan ko noong umalis siya ng Xiernia ng walang paalam ay bumalik saakin. For two years, I tried to forget him and ignored my feelings for him. And I thought I succeeded! Alam nawala na iyon!

But looking at him right now, mukhang magsisimula na naman ako sa umpisa nito.

"Shanaya, let's go."

Napabaling ako kay Natasha noong magsalita ito. Nakatayo sila di kalayuan saakin at tinatawag ako. She kept on waving on me, telling me to start walking towards their direction. Pero tila napako yata ang mga paa ko at hindi ko man lang ito magawang igalaw.

"Let's go!" kampay muli ni Natasha saakin.

I bit my lower lip.

Half of me wanted to go, leave this place right now. Cause I know it will just cause a chaos inside me. But I know that the other half of me wanted to see him. To talk to him.

Bumaling muli ako sa kinaroroonan ni Timothy na ngayon ay pilit hinuhuli ng mga Knights na sinasabi ni Nathalie kanina. They kept on chasing him down while Timothy is just grinning on them. Is he enjoying what is currently happening?

"Oh shit," mahinang bulalas ko noong makitang biglang tumilapon ang isang Knight. Mukhang napalakas ata ng atake ni Timothy dito kaya naman ay tumilapon ito, patungo sa direction ko!

Move, Shanaya! Damn it!

"Shanaya!" rinig kong tawag saakin ng dalawa.

Pilit kong iginalaw ang mga paa ko. And when I finally move it, isang hakbang paatras ang nagawa ko but before I can take another step, biglang may humigit saakin kaya naman ay hindi ako nataman noong tumilapon na Knight.

"Seriously? Naghahanap ka ba ng sakit sa katawan!"

Napatanga ako kay Nates noong bigla itong sumigaw sa tabi ko. He's the one who saves me from that Knight! Jez! That was close!

Inis itong bumaling sa Knight na ngayon ay pilit tumatayo mula sa pagkabagsak.

"Carefull, asses! Damn it!" ani pa nito sabay higit saakin patungo sa kinaroroonan ng dalawa nitong kapatid. Napatanga na lang ako sa inasal ni Nates. What is he? A version 2.0 of Simon?

"You two, ba't niyo pinabayaan ang isang to?" he asked his sisters. Hindi naman sumagot ang dalawa. Well, hindi naman nila kasi ako pinabayaan. They kept on calling me earlier but my body doesn't respond on what I wanted to do. It's not their fault!

"Nates," tawag pansin ko rito. Kunot noo itong lumingon saakin. "I'm okay. It's not their fault, anyway. Ako ang nagpasyang manatili sa spot na yun kanina," Malumanay kong sambit.

Napasinghap ako noong biglang hawakan nitong muli ang braso kong hinigit niya kanina. I can feel a sting feeling in there. Mukhang napasama ito dahil sa higpit nang hawak niya sa akin.

"If you want to get in to trouble, leave my sisters alone, Shanaya," mariing wika nito saakin.

"Kuya stop it," suyaw ni Nathalie rito ngunit hindi siya pinansin ni Nates. Nanatiling nakatingin ito ng masama saakin. Like I did something terrible earlier.

"Hands off, Nates."

Bigla akong nanlamig noong marinig ko ang tinig niya sa likuran ko. Kita ko kung paano inangat ni Nates ang tingin nito mula saakin patungo sa kanya.

I held my breathe as Nates releases my arm. It hurts! Damn it.

"What now, Timothy? Done playing your games?" Nates asked as he crosses his arms on his chest. Hindi nagsalita si Timothy sa likod ko. Nanatili akong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Ayaw kong gumalaw. Ayaw gumalaw ng katawan ko. Just like what happened earlier! Tumingin lang ako kila Natasha at Nathalie. Natasha is keep on mouthing some words on me while Nathalie is just eyeing on what will I do. Pansin ko ring nagpapalit-palit ang tingin nito saakin at sa taong nasa likuran ko.

Binalingan ni Nates ang kambal at muling hinawakan ang braso ko.

"Go home now. Isama niyo ito," ani niya sa malamig na tono ngunit bago pa man niya ako mahila patungo sa mga kapatid niya ay agad na may humigit saakin sa likuran dahilan upang makawala ako sa hawak ni Nates.

Shit!

"I said, hands off, Nates. Don't you understand?" mariing sambit ni Timothy na ngayon ay nasa harapan ko na. Ang malapad niyang likod ang kaharap ko ngayon. I froze.

I can smell his scent. I can feel his heat. I want to hug him on his back but I stop myself from doing that.

"Oh shut up, Timothy. She's our visitor. And please, stop commanding me. As if naman ay mapapasunod mo ako," Nates mocked at him.

"Kuya, stop it. Ano ba naman kayo!" suyaw ni Nathalie sa dalawa. Nagpalingon-lingon ito sa paligid sabay irap. Maging ako ay napatingin sa paligid namin. And I wasn't even surprised noong makita kong marami ang nanunuod saamin ngayon. Bumaling ako sa likuran ko noong makaramandam ako ng presenya roon at nakita ko ang mga Knights na kanina lang ay pilit na hinuhuli si Timonthy.

"Let's go, Shanaya," yaya ni Nathalie saakin.

"She's not going anywhere," wika ni Timothy na siyang ikinatigil ng tatlo. Kita ko ang pag-iling ni Nates sa sinabi nito. Tahimik naman ang dalawa at hinayaang makipagbangan si Nates kay Timothy.

"You know him, Shanaya?" Nates asked me. Alam kong nagtataka sila ngayon sa mga nangyayari. I told them earlier na wala ni isa akong kakilala dito sa division nila.

Hindi ko naman kasi alam na narito si Timothy!

"She knows me. End of discussion," mariing sambit ni Timothy sabay lingon saakin.

Bigla akong natigilan sa paghinga. Nanlalamig ako. Cold as ice.

He stares at me. Ang mga mata niya ay tila nagtatanong saakin.

"Uhm," panimula ko. "Go ahead. Uuwi ako mamaya. I'll talk to him first," wika ko kila Natasha.

I saw how Natasha mouthed 'What' on me but I ignored it. Bumaling ako kay Timothy na ngayon ay natingin parin saakin.

I sighed.

I know what's on his mind right now. Alam kong ano ang mga katanungang ibabato niya saakin mamaya.

"Alright."

Malamig na turan ni Nathalie sabay talikod saamin. Agad namang sumunod si Natasha rito. Tanging si Nates nalang ang nasa harapan namin.

Ipinilig nito ang ulo pakanan. He looks like he's thinking of something.

"Here we thought na wala kang kakilala dito sa Lynus. But it turns out kilala mo pala ang gagong iyan," ani ni Nates na ikinagulat ko.

Gago? Si Timothy?

Napabaling ako kay Timothy noong marinig ko itong tumawa sa tabi ko.

"Hindi ako gago, Nates. I just don't like the idea of marrying your little sister. Period," Sambit nito.

Marrying what? And marrying who?

"You're an ass. Period," ganti ni Nates dito. "Nathalie doesn't deserves someone like you," wika pa nito sabay talikod saamin. Ngunit bago pa ito tuluyang makalayo saamin ay tumigil ito sa paglalakad.

"If you still want to stay in our house, feel free to come back," he said and look into my eyes. "Pero kung ayaw mo na, I know that fucking Wale can give you a hand," he said then continue walking away from us.

Napatawa ako nang mapakla.

What was that?

Nilingon ko si Timothy na ngayon ay nakatingin nang muli saakin.

"Now, let's talk," he said then held my hands.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now