Chapter 21: Trust

8.4K 363 8
                                    

"It's against the rule, Timothy."

His mom stated as she lean her back on the chair she's sitting at. Binaling nito ang tingin saakin. She's damn intimidating! Yes, I'm a Queen. Sa Xiernia iyon! But this woman is the ruler of Lynus! She may not be a queen like me but she has the aura that makes my knees trembled.

"We created that rule mom," ani ni Timothy na siyang ikinalingon ko sa kanya. "Lynusian created that rule," pahabol pa nito.

"Yun na nga, Timothy. Tayo ang gumawa ng batas at wala tayong karapatang suwayin iyon," his mom said calmly.

"But.."

"Timothy, stop," I cut him off. Napatingin ito saakin. Kunot noo ako nitong binalingan. Tila ba'y hindi nito nagustuhan ang pagsingit ko sa usapan nila. Hindi ko na ito pinansin at tinuon ang buong atensyon sa ina niya.

"Ma'am," I started. What's her name anyway? Hindi ko alam! Damn it!

"It's Casandra Jade Wale, Shanaya," she said. Oh right! Siya yung babaeng nababasa ko noon sa mga aklat na pinapaaral ni Lady Lou saakin. She's the only heir of the Jade's family!

I took a deep breathe before speaking.

"Before anything else, let me introduce myself, ma'am," I don't know how to properly address her, so maybe 'ma'am' is much way better than calling her by her name.

"I'm Shanaya," I said again and bit my lower lip.

"The Queen of Xiernia. The land of the fairies."

Kita ko ang pagkunot ng noo nito sakin. Binalingan nito ang anak kaya naman ay napatingin ako kay Timothy. I saw how he nodded his head. Like he's telling his mother that my statements were true. Casandra Wale looked at me with an awe. She looked surprise but still, she compose herself well.

"Shanaya of Xiernia."

She mumbled. Ilang minuto ang lumipas ay wala ni isa saamin ang nagsalita.

"What happened, Queen Shanaya?" she asked me after a few seconds. And she even called me Queen Shanaya. It felt so weird. Being called like that by someone like her. I took a deep breathe at nagsimula nang ikuwento ang mga nangyari sa Xiernia.

"That's the reason why we badly need to enter the Xiernia, mom," ani ni Timothy noong matapos kong isalaysay sa kanyang ina lahat-lahat.

"We?" tanong ng ina niya sa kanya. I bit my lower lip again. Kulang nalang ata ay dumugo ito kakakagat ko. Damn it!

"I'm going with her, mom," Timothy stated. Agad akong napabaling sa kanya. What the hell is he saying? Alam kong tinutulungan niya akong makabalik sa Xiernia pero yung kasama ko siya sa mundo ko ay wala sa usapan namin!

Hindi nagsalita si Casandra Wale. Tinitigan lamang niya ang anak at maya-maya'y binalingan ako.

"You're not going anywhere, my son," mariing wika nito sa anak niya. "And Shanaya," tawag nito sa pangalan ko. "Base sa kwento mo, the former queen of Xiernia, your mom, siya ang may pakana kung bakit ka narito sa Tereshle, dito sa Lynus. Tama ba?"

Tumango sa kanya bilang pagsang-ayon sa mga sinasabi niya.

"Sa tingin mo, anong rason ang meron siya at bakit ipinunta ka niya dito?"

Natigilan ako sa tanong niya. Well, I'm not surprised at all. Ito rin ay isang palaisipan saakin. Katanungang wala ni isang sagot.

"Mom," singit ni Timothy ngunit hindi ito pinansin ng ina.

"Shanaya, I think mas makakabuting manatili ka muna dito sa Lynus. Iyon ang sa tingin ko'y pinakamagandang gawin mo. Your mom uses her forbidden power for you to be here, to be in our world. Sa tingin ko'y she wants you to be safe. And being here, not in Xiernia, is the safest place for you," ani niya sabay baling sa anak.

"I'm not allowing you two, Timothy. Lalong-lalo kana. Let Shanaya stay for awhile. Mahirap pangunahan ang naging aksyon ng ina niya," sambit nito. Hindi na sumagot si Timothy sa tinuran ng ina.

"Shanaya," tawag pansin muli nito saakin. "Trust them, iha. As a Queen, you must trust your people. As a queen, you must believe that everything will be back on their right places. Kahit wala kang gawin, kahit wala ka sa Xiernia, maniwala ka. Dahil mas malaking kawalan para sa mga taong promoprotekta sayo kung ikaw mismo ang mapapahamak. Stay here, iha. Stay away from Xiernia for awhile."

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kamang narito sa kwartong ibinigay ng pamilya ni Timothy.

Pagkatapos naming mag-usap ni Casandra Wale ay napagdesisyonan kong manatili nalang muna sa mundong ito. She's right. Kailangan kong maniwala at magtiwala sa mga taga Xiernia. I trusted my mom. Kahit di pa malinaw saakin lahat-lahat, gagawin ko ang nais niya. I'll stay away from Xiernia, kung yun man ang nais niya.

Hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod at marahil sa dami ng iniisip. Nagising nalang ako noong may marahang katok akong narinig mula sa pintuan ng silid. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pintuan. Pagkabukas ko noon ay bumangad saakin ang mukha ng dalawang babaeng naging kaibigan ko na sa ilang araw na pananatili dito sa Tereshle.

"Natasha," I mumbled. Tiningnan ko ang kapatid nitong nasa likod niya. "Nathalie."

"Oh my God, Shanaya," she exclaimed. "Ayos ka lang ba? May ginawa bang di kaaya-aya sayo si Timothy?" She asked as she scanned my body.

"I'm fine, Natasha," mahinahong wika ko at wala sa sariling napatingin kay Nathalie na ngayon ay nakataas na ang isang kilay habang nakatingin saakin. She even crosses her arms on her chest.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at pinagbuksan ko sila ng pintuan para makapasok sila ng tuluyan. Nathalie, this girl, I know what she's thinking at wala akong oras at panahon para itama iyon. Marami akong problema sa ngayon. Creating another problem won't do good to me. I consider her as a friend now. I hope she consider me as her friend, too.

"Bakit ka narito sa mga Wale, Shanaya?" panimula ni Natasha noong makaupo ito sa gilid ng kama na kinahihigaan ko kanina.

Tiningnan ko lamang siya, arguing my inner self if should I tell them or not.

"We thought that wala kang kakilala dito. And look at you now, nasa mansyon ka ng mga Wale!" she exclaimed and looked around the room. "And by the way, this room screams luxury, huh."

"Natasha," tawag pansin ko rito at binalingan naman niya ako. Tiningnan ko rin ang kapatid niya na ngayon ay nakatayo lamang sa gilid ng bintana ng silid.

"I'm here because Casandra Wale told me to stay," panimula ko. Kita ko ang pagtingin ni Nathalie sa gawi namin ng kapatid niya. "Yes, sinabi ko sa inyo wala akong kakilala rito. That was true dahil hindi ko alam na narito pala si Timothy. I don't know that he was a part of Wale family, the ruler of this division."

"So, you really know him?" rinig kong tanong ni Nathalie..

"Yes. I know him," sagot ko rito. "Two years ago, we've met. Not in this world. But in my world."

Kita ko ang pagkalito sa mukha ng magkapatid dahil sa sinabi ko.

"Your world?" kunot noong tanong ni Natasha saakin.

I smiled.

Kahit nag-aalangan ay nagawa kong tumango sa tanong niya.

Pero tama bang sabihin ko sa kanila ang totoo? Tama bang magtiwala din ako sa kanila? Cause honestly speaking, takot na akong magtiwala. I was betrayed before and it hurts me. Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na iyon.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now