Chapter 28: I Won't

7.9K 354 4
                                    

Isa-isang nagtipon ang mga nakaligtas na Xier. Kanina lang ay halos di na sila makagalaw dahil sa pinsalang natamo. But with the help of my healing power, and of course, Natasha's healing ability, nailigtas namin sila.

Bahagya akong napangiti noong masigla na silang lumilipad sa era. Ang iba naman ay inaayos na nila ang nasirang tahanan.

"Our Queen."

Nakangiting tawag saakin ng isang batang Xier.

"Magiging okay na po ba ang lahat? Wala nang gulo."

Natigilan ako sa tanong niya. Maging ang mga kasamahang Xier nito ay natigilan din sa paglipad. I smiled at her at tumango.

"I'll make sure na magiging okay na ang lahat. Hindi man ngayon pero itataya ko ang buhay ko para bumalik ang lahat sa dating estado nito," wika ko sabay tingnin sa mga kasamahan ko. I saw how they nodded at me. I know they'll support me no matter what. Ang pagsama palang nila dito saakin ay isang malaking tulong na. And when everything's okay and back to normal, kahit anong naisin nila ay ibibigay ko.

Pinagmasdan ko ng nakangiti ang mga Xier saaking harapan ngunit agad naman akong natigilan noong makaramdam ako ng kakaiba. Nagpalinga-linga ako sa paligid at inihanda ang sarili.

"What is it?" takang tanong ni Timothy saakin sabay lapit sa pwesto ko. "Someone's coming," I answered as I continue scanning the whole place. Ganoon din ang ginagawa nila Timothy. Silence envades us. Pilit kong pinakiramdaman ang paligid. I even closed my eyes to concentrate. Maya-maya pa ay napagtanto ko kung ano ang paparating na nararamdaman ko.

Shit! Arrows!

Napadilat ako at inihanda ang sarili sa pagdepensa.

Akmang magsusummon na ako na pwedeng panangga sa mga panang umaatake saamin ay natigilan ako noong makitang gumawa na nang water barrier ang mag-kambal. Napanganga ako noong makita nasa loob na kami ngayon ng barrier. Kita ko ang pagpanic ng mga Xier sa nasasaksihan. They're not familiar with this kind of power. Yes, we are water fairies but we don't have this kind of attribute in here.

"Make it a little froze, sis," rinig kong sambit ni Natasha at napatanga nalang noong makitang naging yelo ang water barrier na ginawa nila.

Isang pagsabog ang narinig ko sa kung saan. Marahil ay iyon ang impact na nagawa noong pana na tumama sa barrier nila Natasha.

"Someone's with us," ani Nates sabay gawa ng isang water sword. Ganoon din ang ginawa ni Timothy sabay baling saakin. He smiled a little to me then walk towards Nates. "We have a company, buddy. Ready to have a fight against a Xiernian?" he asked then Nates looked at him with a smirk on his lips. "Let's see what they can do," anito sabay tingin sa kambal na kapatid nito.

"Dissolves the barrier. We can't just hide in here," turan niya at tumango naman ang dalawa. "Natasha, create something that will protect the Xiers," utos pa nito sa kapatid.

Napatras ako ng isang hakbang noong yumanig ang paligid. Agad kong isinumon ang isa sa twin sword ko. Sunod-sunod na yanig ang naramdaman ko at napamura ako noong makitang may crack na ang barrier na ginawa ni Nathalie at Natasha.

"Dissolves it! Now!" sigaw ni Timothy na agad na sinunod naman ng dalawa. I held my sword tight and ready myself to fight.

Isang nakakabinging tinig ang namayani sa buong paligid. Napatingin ako sa mga Xier na ngayon ay hindi mapakali habang nasa loob ng barrier na ginawa ni Natasha. Isang pagsabog na naman ang narinig ko kaya naman ay napabaling ako sa pinanggalingan niyon.

Kunot-noo kong pinagmasdan ang mabibilis na galaw ng anim kataong naglalaban ngayon. They're like a professional fighters the way they fight against each other. Napaawang ang mga labi ko sa mga nakikita. The way they fight each other gives me chills on my body. Napatanga nalang ako noong nagpalitan ng mga ito ng kanya-kanyang atake. At bigla akong nanlamig noong mapagtanto kung sino ang mga kalaban nila Timothy.

"Simon," bulong ko. "Ara."

Yes. Ang kalaban ngayon nila Nates at Timothy ay si Simon at si Ara naman ang kalaban ng kambal!

They're here!

"Stop!" malakas na sigaw ko ngunit hindi ito narinig nila. Patuloy lang sila sa pagpapalitan ng atake. Napatakip ako nang bibig noong makita tumilapon si Simon dahil sa atake ni Timothy at Nates sa kanya.

Oh my God! Kailangan nilang tumigil! Hindi sila ang magkakaaway dito!

Napabaling naman ako kila Natasha at hanggang ngayon ay walang katapusang nagpapalitan ang mga ito ng atake nila. Natasha and Nathalie are simultaneously releasing their water attributes while Ara was busy destroying every attacks they give her.

'Our Queen! Pigilan mo ang mga dayo! Baka paano sila Ara at Simon!'

Napatingin ako sa mga Xier at tumango sa kanila. Damn it! I really hate it whenever I used my power over someone I know. Pero wala akong choice! They need to stop bago pa man magkasakitan sila!

"Yveruos Feuro Itys!"

I shouted. That was one of my spell. Katulad noong spell na ginawa ko noon sa mansyon nila Bernie, the spell creating blue lines. Pero iba ito. This will create an invisible line na kapag nahawakan at nasagi mo man lang ay makokontrol na kita. You can say that they're like my puppet now.

Agad na natigilanan ang anim sa pakikipaglaban.

"The hell!" rinig kong bulalas ni Nathalie. "I can't freaking move my body!" she hissed. Itinaas ko ang dalawang kamay ko ay pinaghiwalay iyon. Biglang napasigaw sila Natasha at Nathalie sa ginawa ko. Pinaghiwa-hiwalay ko lang naman sila. Inilapit ko si Ara at Simon sa isa't-isa samantalang ikinumpol ko sila Timothy.

Takang napalingon si Timothy sa gawi ko at napailing saakin. He knows it was me! And damn! He even smiled at me. Damn this man! Alam kong natatandaan niya sila Ara at Simon but still, nakipaglaban pa ito!

Bumaling ako sa kinatatayuan ng dalawang kaibigan ko.

Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Ara habang nakatingin saakin.

"Shanaya!" sigaw nito at akmang tatakbo na ito sa gawi ko ng natigilan siya dahil hindi ito magalaw sa kinatatayuan niya.

"Release us now, Queen," rinig kong sambit ni Simon.

Right! They're still under my spell!

Agad kong dinespell ang ginawa ko sa kanila. And the moment I've released them, Ara and Simon kneel down on their knees and bow their head on me.

"Queen."

Sabay nilang sambit na siya ikinangiti ko ng tipid. Ara and Simon is here with me now. I'm happy and glad they're safe!

"Stand up, you two," ani ko at agad naman umayos ng tayo ang dalawa. "Come here," sambit ko pa rito. Agad namang tumakbo sa gawi ko si Ara at mahigpit akong niyakap.

"Oh my god, Shanaya! I'm glad you're back! Narinig namin ang balitang may mga taksil na sinundan ka sa Tereshle! At ang mga walang hiya, pinagkalat na napatay ka na nila!" sunod-sunod na sambit ni Ara na siyang ikinailing ko.

"Hindi ako maaaring mamatay hangga't di ko pa naayos ang nagulong mundo natin, Ara. I won't let them kill me. Not even a chance," ani ko sabay tingin kay Simon na tahimik lang na nakamasid saamin.

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now