Chapter 2

4.6K 86 5
                                    

He kissed me and now I am someone else. –Gabriela Mistral

CHANIEL'S POV


Nang lumabas na ako ng restaurant ay nakaabang na sa gilid si Ara, tapos na kasi ang trabaho sa gabi, at sabi niya kaninang umaga, manonood daw kami ng shoot ni Eros. Gosh...hindi ko kayang makita muli ang pagmumukha niya ngayon, nang malaman kong inis na inis siya kanina. Hay naman.


"Buenas noches!" masayang bati ko sa kanya. Wow, naging pa-ano ka na, Chaniel, ha? Kalma, Girl!


"Magandang gabi rin sa'yo. Wow, nag-iba ang mood natin ngayon, ha. Nakita mo si Mr. god of Love, Eros of Mt. Olympus," asarin din 'to, eh. From what she said, inakbayan ko siya papalakad na sa daanan. Hay naman...Spain was different from Philippines even thoung Spain has many influences in Philippine society and history. Magkaiba ang takbo ng buhay, at ang ihip ng hangin. "Okay, naging Oa ka na ngayon. Ano ba talagang nangyari?"


"Wala...I am just happy, masama ba 'yun?"


"Alam ko naman 'yun, ang tinatanong ko, why are you happy?"


"Wala nga! So, saan tayo ngayon?" mukhang, hindi na naman siya magpipilit, kaya, napatango na lang siya sa weird action at accent ko ngayon.


"Sa Puerta del Sol," naman, del Sol daw? Na-miss ko tuloy si Jessica. Grabeh, I sighed at the name. Nakaka-miss pala talaga ang Jessica na 'yun. Grabeh, hindi ko masisisi kung ma-mi-miss ko si Jenelle, pero si Jessica....Joke, mahal ko 'yun, eh. "Tara na, baka nagsisimula na ang ending scene..." Ending daw, sana lahat ng ending matatanaw lang, hindi mararanasan.


Tinakbo namin ang kahabaan ng Calle Mayor, Madrid. Malamig-lamig na rin ang gabi, pero madami pa ring tao naglalakad sa sidewalks, at pedestrian lanes. Hindi talaga masama ang gabi rito, hindi mainit. Sana kapiling ko ang mga kapatid ko ngayon? I really hoped so.


Nang marating namin ang shooting area, ay nakapalibot na sa area ang mga cameras, pagpapahingaan, mga dressing tents. At, may mga fans na rin sa likuran. Kasi naman, yung mga artista na shino-shoot rito ay nasa harapan ng malaking fountain na pinagitnaan ng fountain at isang malaking lalaki-nakasakay-sa-kabayo statue, marami talaga diyan rito. Nakakaumay nang tingnan.


"Ah...grabeh, ang gwapo ni Eros, di ba?" binali ni Ara ang braso ko sa kaka-alog niya.


"Grabeh, gwapo ba 'yan? Hindi naman," ang totoo? Pwede na. Pero, hindi gwapo, ha. Mas totoo pa rin ang kagandahan ko, noh.


"Ang sama niya."


"Masama na kung masama." Napatingin tuloy ang mga kababaihan sa likuran namin na kanina pa natahimik dahil sa kilig na nagsisimula ng e-roll ang camera for take one. Hell, madami na akong nakitang artista noon, dahil pumupunta naman sila sa mga balls at party namin, kaya minsan, sanay na rin akong makakita sa kanila. At, nakakaintindi ang mga tao rito ng Tagalog dahil taga-Pilipinas sila. Alangan namang nakakaintindi sila ng Tagalog kung taga-Spain sila.


"Well, I think you're just stating some truth in your eyes, but in my eyes, he's really impossible, alam mo 'yun, gwapong-gwapo sa sarili na parang sinapian ng kasungitan," I whispered at Ara's ear para hindi marinig ng mga taga-hanga ng Eros na 'yan.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now