Chapter 15

2.3K 45 0
                                    

CHANIEL'S POV

Dahil matulungin akong tao na ako lang ang nakakaalam, nandito ako sa kusina nina Eros, nagluluto ng hapunan, tinutulungan ang tagaluto nila. Sabi nga niya kanina, hindi ko na kailangang tumulong, in English, pero, sabi ko sa kanya, ganito ang mga Pilipino, matulungin sa lahat ng bagay. Nasa lahi na natin ang pagkamatulungin. At, sanay naman tayong magluto sa kusina, di ba? Hello, side kick kaya 'to Jenelle.


Pangalawang araw na 'to na dito ako tumatambay sa bahay nila Eros. Hindi naman alintana ang mga palag sa ibang tao rito, eh. Kaya, okay lang na dito ako muna. Gusto kong tulungan si Eros na alagaan ang Lola niya.


And speaking of the angel, biglang pumasok si Grandma na naka-wheelchair rin, yung umaandar na wheelchair, cause maybe, Eros and Athena were palying again in the living room. Close kasi sila masyado rin, eh.


"Hi, Grandma, may kailangan ka po?"


"Wala. Actually, gusto lang kitang makita, how you work in the kitchen. At sa mga pagkain na niluluto mo para sa amin, alam kong magaling ka talaga sa pagiging asawa."


"Hindi naman, Grandma. Natuto lang talaga ako sa Ate ko. Sobrang adik din kasi sa cooking at baking yun, kaya nahawa ako isang araw. Hindi na nagamot, kaya ito, tagaluto na rin ako," napangiti siya agad. Sabihan mo ba ng nahawa ka sa Ate mo, Chaniel? Parang sakit lang, ganun?


"If you're done, you can join Eros and Athena, mas gustuhin mong makilala silang mag-ama," yeah, right. Gusto kong makilala kung paano silang magmahalan dalawa. Kasi hindi talaga ako handa sa mga ganitong bagay.


"Teka lang po," binuksan ko ang kaserola, saka, lumabas ang bango ng pork adobo. Di ba? Masarap talaga siya alam ko 'to. Specialty ko kaya ang pork adobo with little patatas.


"Ang bango, anak...siguradong magugustuhan niyan ni Athena, hindi pa yun nakakain ng adobo talaga."


"Sana nga po. Hindi ko talaga alam kung paano magiging da best Mommy niya, dahil sa totoo lang, hindi pa ako handa sa ganito. Kinakabahan talaga ako, Grandma. Mahirap po ba maging ina?" ay, para naman akong nagtanong nito ng 'mahirap po ba ang exams?'


But from that, Grandma just laughed.


"Minsan mahirap, minsan masaya. Pero, mas mananaig ang masaya sa pagiging ina kahit mahirap. Hindi naman kasi yun natutunan, anak, nasa sa'yo na yun simula pa lang. At, hindi mahirap alagaan si Athena. Eros raised her well." Tumatango-tango akong nakangiti sa last niyang sinabi. Bait talaga ng future husband ko. Ayaw kong ipamigay sa iba talaga. Magkamatayan na!


"Mukha nga..." pinatay ko yung stove saka nagpagpag ng apron. "Tapos na." Mission accomplished! Humarap ako kay Grandma at nilapitan siya. "Gusto niyo pong bumalik dun."


"No. Solohin ninyong tatlo ang oras. Dito lang muna ako, nakakamiss din kasi ang magtrabaho sa kusina."


"Sure po kayo?"


"Oo, iha. Huwag kang mag-aalala."

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant