Chapter 24

1.7K 35 0
                                    

Vince's POV

Nakahiga ako sa hospital bed na 'to, masakit ang ulo, masakit ang mga paa, yung katawan, mga kamay parang hindi ko maigalaw. Gosh...hindi ko kaya ang sakit ngayon. Ang huli kong natatandaan, lumiko ako sa isang intersection, pero, may bumangga sa aking kotse, naka-motor kasi ako. Ewan ko nga kung bakit hindi kotse ang ginamit ko kahapon.

"Vince! Grabeh Dude! Sobrang wasak ang fez mo," nakita ko kaagad ang mukha ni Laila. Kahit yun ang sinabi niya, parang nag-che-cheer up, pero kitang-kita sa mukha niyang nag-aalala siya. Mabuti naman kung ganon...ngumiti ako sa kanya. May liwanag na nagbabadya sa unahan.

"Yeah...ganyan lang sasabihin mo sa akin?"

"Boang ka," at sinapak niya ako sa balikat na nangiyak-ngiyak.

"Paano nangyaring baliw ako?"

"Oo, baliw ka. Pinag-alala mo ako ng husto. Suntukin kita diyan. Sabi ko naman sa'yo, huwag ka ng mag-motor, huwag mo nang uulitin yun, ha." Napangiti na talaga ako ng wagas na wagas. As in, walang joke...totoo ba 'to. Si Laila ba talaga 'to? Meaning, nanligaw ako sa kanya for almost one month na...

"Ang ibig sabihin baniyang ka-OA-han ng pag-aalala mo? May pag-asa na ako diyan sa puso mo?"

"Naaksidente ka na nga, ganyan pa sinasabi mo," umupo siya sa isang stool saka humawak sa kamay ko. "Nag-alala talaga ako ng sobra-sobra pa sa ka-sobrahan." At, nagulat akong niyakap niya ako nga mahigpit. Napangiti ako...bat ganito? Yung sinasabi nilang tud-tud-tud-tud ng heart, wala akong nararamdaman. When I first saw and encounter Laila, all I can say, my world was in a twirling motion, lahat parang namumula, bat ngayon...wala na?

"Okay na. Huwag ka ng umiyak," ang isang bagay na nagpalambot ng puso ko sa kanya, dahil emotional girl siya, nang nag-kwento siya tungkol sa ex-boyfriend niya, parang gusto ko, ako na lang yung minahal niya. Shet..heart! Ano ba 'to? Nakakagulo ka rin, eh.

"Kapag nangyari ulit 'to, hindi na talaga ako iiyak. Magpapakamatay na lang ako," tumawa siya ng bahagya.

"Ganoon ba ako kahalaga sa'yo?..." pero hindi niya sinagot ang tanong, bagkus, hinalikan niya ako ng naiiyak. NABIGLA AKO! Wala akong masabi, as in...hinalikan ko na lang siya pabalik. Napangiti ako ng wagas, pero...napaghiwalay kami ng isang taong nakatayo sa likuran.

"Diane?" parang nagunaw ang mundo ko sa ano...sa ano...shet,...sa iyak niya.

"Yes, ako 'to," sinugod niya ako ng sapak sa balikat na parang hindi niya alintana na naaksidente ako. "Ano ba yang pinanggagawa mo, ha? Sabi ko naman sa Pilipinas ka ng magtrabaho! Grabeh, nakakatense ka sobra! Hindi mo ba alam, nahulog ako sa kama nang sinabi yun ni Iris! Hindi mo ba inaalala na may taong nag-aalala sa'yo! Diyos ko naman, Vince. Susuntukin talaga kita pag nagkataon..." napangiti ako sa kanya. Wala akong masabi lang...Diane? Nandito siya? Pulang-pula na galit na galit...na parang nanay ko kung makagalit lang.

"Worried na worried ka naman. Eh, puro trabaho nga lang ang iniisip mo, eh."

"Betsfriend kita, bestfriend, hindi mo ba alam ang definition nun. Natural na ma-wo-worry ako ng sobra."

"Thank you," nag-wagas ako ng ngiti. Oo, kasi nag-effort kang pumunta ng Spain...tsk.tsk...My heart parang lalabas sa dibdib ko...bwisit na pakiramdam 'to kay DIANE PA nangyayari!

"Thank you mo mukha mo," sinapak niya ako sa balikat..aray! Sadista talaga 'tong babaeng 'to. At...parang natigil ang mundo nilang dalawa ni Laila nang magka-tinginan sila. Ngumiti siya kay Laila, saka si Laila naman, humawak ng mahigpit sa kamay ko.

"Yes, si Laila pala, girlfriend ko...," tumingin ako kay Laila, pero parang wala siyang i-re-react sa sinabi ko. Sinubukan ko lang naman mag-joke baka mag-deny siya o ano...so, tinatanggap na niya talaga ang panliligaw ko. "And, si Diane Francisco, bestfriend ko siya. Kilalang-kilala mo naman siguro siya, di ba, Laila? Sikat kasi yan."

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon