Chapter 13

2.1K 48 3
                                    

Chaniel's POV

Nagtrabaho na ako pagkatapos ng isang oras na pagtambay sa ospital. Hindi na talaga ganoon ang pakikitungo ni Eros sa akin. Nakakapangpanibago. Mas gusto ko pang magbangayan kami dahil dun, nakakausap ko siya ng maayos. Di ganito na parang nagi-guilty akong binaliwala ko ang pag-ibig niya sa akin.


Wala akong ganang nagtrabaho buong araw, kaya bagsak akong humiga sa kama na lang, iniisip si Eros. Maraming tao na ang nagsabi sa akin kung gaano ako kamahal ni Eros, si Athena, si Grandma at siya. Iniyak niya talaga ang sakit nung tinanggihan ko ang offer ng kasal.


For sure, ginawa lang naman niya kung ano ang sinabi ni Grandma sa kanya, all I needed was him to kneel down in his knees kahit na ayaw ko pang mag-asawa. Gagawin ko to para kay Grandma. But he didn't do it. Pinagluksa niya lang. He never court me to, ang hinahabol niya lang ay ang kapatawaran kong walang hiya!


****


Five days akong walang nakitang Eros sa buong buhay ko. And it felt so weak without a glance of him. Na-realize ko yun. Ang tanga lang kasi Chaniel, mukha kang ewan, noon, pinagtatabuyan mo siya, ngayon na wala na, para kang namatayan. OO NA, I missed him noon pa man. Pambihirang pag-ibig naman talaga.


Nagtitimpla ako ng kape nang pumasok si Love na parang pagod na rin. Pag-ga-gabi na kasi, at ang dami pang customers. Punong-puno ang buong shop. Napapagod na rin ako. Simula umaga pa naman.


"Someone orders two chocolate cakes, one caramel coffee and one choco mocha coffee," sa pagkakasabi niya nun, pinagtitigan niya ako ng masama, o mas nagtataka siya. "Hindi ka ba talaga nililigawan ni Eros? He has following you, right?"


"Ha? Naman, Love. Paano mo namang nasabing nililigawan ako ni Eros. Eh, artista yun, magkakagusto ba yun sa katulad ko," hahaha...paawang kong sabi. Mahal ka nga, Chaniel, eh.


"Wala lang. May kasama kasi siyang babae ngayon. Ang sweet-sweet nga nila, parang asukal with sago, hindi pinaghiwalay. May pahawak-hawak pa siya sa babae," kumunot-noo ko. And, that left me curious to hell!


"Saan? Patingin nga," hinila ko siya sa may pintuan ng kusina, at binuksan ng maliit. Boang siyang talaga! Akala ko ba mahal niya ako! Nakakainis. May kasama nga siyang babae. Argggh...at mukhang ang saya pa niya. Samantalang ako, parang naubusan ng hangin sa puno!


"Tsk, yun ang sinasabi mong hindi nanliligaw. Bakit ba kasi binusted ng ganoon?"


"Hindi ko siya binusted," padabog akong kumuha ng dalawang tasa. Saka nagtimpla ng kape. Tingnan natin Eros, tingnan natin. TINGNAN NATIN! Nilagyan ko ng maraming kape ang tasa, saka maliit ng asukal. Ang tamis pala, ha! Pwes, papaitan ko. Saka, ganoon din ang isa pang tasa, dinamihan ko ng asukal, at limitadong choco. Tingnan natin ngayon. Date breaker ako, di ba?


"Tsk, tsk, matatanggal ka talaga sa trabaho niyan."


"Wala akong paki," padabog akong nag-slice ng cake. Boang, boang, baliw-baliw, baliw, baliw!!!! Arggh...akala ko ba mahal niya ako! NAKU NAMAN, EH!

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now