Chapter 18

2.1K 40 0
                                    

CHANIEL'S POV

Bago ang pag-alis ni Eros pauwi ng Pilipinas, namasyal muna kaming apat nina Athena at Grandma sa Sabatini Gardens na ang ganda-ganda talaga. Naglalakad kami sa gilid ng mad-made pond na may classical statuary. Minsan, masarap pala talaga ang mamasyal sa lugar na hindi mo pa napupuntahan kasama ang mga mahal mo sa buhay. Um- sa pamilya ng asawa ko.


Napangiti ako bigla...knowing to myself na tinatawag ko siyang asawa ko. Naman, minsan, nakakakilig pa rin pala kahit buwan na kaming mag-asawa. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na si Mr. Crush ko noon, si Mr. Boyfriend, then naging Mr. Ex, saka...gosh...Mr. Husband na ngayon. Pwede papisil ng pisngi para pa kasi akong nanaginip. Sana ganito na lang palagi ang hantungan ng crush???


Nakakalakad na si Grandma, hawak nga niya si Athena habang nagtuturo sila sa paligid, at nangingiti. While me, nakakapit lang sa braso ni E. Di kasi maiwasang may tumitingin sa kanya. Guys, off limits po ang tinitignan niyo. Kitang may kahawak na asawa, di na lang pabayaan, may patingin-tingin pa talaga.


"Harry!," Harry? Harry? Napalingon kami sa tumawag sa kanya...pero grupo pala iyon ng mga babae.


"Harry? Narinig ko na ang pangalan yun, well, hindi ko na matandaan," sabi ko sa kanya, pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Pero, hindi ko pinansin ang ginawa ni Eros, bagkus, papatakbong pumunta ang mga grupo ng babae sa aming dalawa. Dumumog sila sa amin dahilan na napabitiw ako kay E at malapit na matumba sa lupa.


"Wow, ang sakit nun, ha," umirap ako sa mga babaeng naghihiyaw-hiyaw na sa kanya. Lahat sila nag-pi-picture na sa kanya, ni hindi nga siya makadaan dahil sa pitong babaeng ito. Naku naman. Wala naman akong magawa, alangan namang hilahin ko siya diyan, baka pag-pipiyestahan ako sa twitter o sa kahit anong social media pa yan. Hinayaan ko na lang ang pagkakataon na kumuha ng pciture kay Eros.


Kainis! Ako nga walang picture sa kanya, isa lang. Pambihira!


Akala ko makakatakas na kami sa Philippine eagle, I meant, yung mga mata ng mga fans ni Eros. Pero, may branch pala ang fans club niya rito sa Spain. Kung alam ko lang, sana, hindi na kami nagpa-expose sa public.


I crossed my arms watchimg them kissing my husband's cheeks, hugged his arms, his neck...parang ako ang naaawa sa kanya.


Umubo ako ng malakas, saka, napatigil silang pito sa pag-se-selfie sa kanya.


"May kasama ho, siya? Hindi po ako picture lang. Pwede, huwag niyo siyang patayin, makahila kayo parang may ipapalit na leeg sa kanya. Kung mabali ang leeg niya, kakatayin ko talaga yang mga leeg ninyo isa-isa," hinila ko si Eros papunta sa akin.


"Pagpasensiyahan," niyakap niya ako saka nag-sorry sa mga babae. "Ganito lang 'to talaga."


"Sino...sino ka ba?," may nagtanong. At, yung iba, natulala pa dahil nagsasalita ako ng Tagalog. Big deal ba yun, eh, Pilipino ako, alangan namang magsasalita ako ng Spanish.


"Ka-ibigan niya. Papalag?" naghahamon talaga ako. Wala kayang nakakahawak kay Eros, maliban sa akin, SIMULA NGAYON! Baka anong mangyari sa kanya. Naku, parang wild animals pa naman ang mga fans niya.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن