Chapter 17

2K 42 0
                                    

CHANIEL'S POV

Mahigit isang buwan na akong nakatira sa bahay nina Grandma, yun naman ang gusto ni Eros na gawin ko. Ngayon, nagluluto ako ng umagahan para sa pamilya, and Ara was smiling at me while making that stare. Para nang-aasar siya. Oo, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Eros. Tampo nga siya ng dalawang araw kung bakit hindi siya imbitado sa kasal namin. Madalas, si Ara na talaga ang matalik kung kaibigan sa Spain. Hindi naman siya mahirap pakisamahan, at relate ako sa ugali niya, mabait na may pagka-praning din minsan. At, mahilig ako sa simpleng babae.


"Ibang-iba ka na talaga, Manay. Sa sobrang pagkaiba, ang haggard mo na nang tingnan. Ganito ba talaga ang may asawa na? Ayaw ko nang mag-asawa," wowo...


"Wow, maka-ano ka naman diyan? Maganda ang may asawa kapag yung taong mahal mo ang kasama mo? And don't describe me as haggard, ang ganda ko kaya," I whipped my hair at the back habang inirapan siya bahagya.


"Naku, Manay, oo na, maganda ka na. Masyadong pa-true sa sarili lang."


"Naman. Be confident," at nilagyan ko ng mainit na tubig ang gatas ni Athena. "Maiba tayo. How's life? Kamusta ang trabaho?"


"Yun. Ganun pa rin, nakakapagod, pero kakayanin. Binisita lang kita rito, dahil nakakamiss ang ingay mo sa apartment. Ako na lang mag-isa dun, at nakakarindi ang katahimikan. Minsan, doon ka naman matulog. Hindi pa rin kasi ako sanay sa katotohanan na pinakasalan mo ang ex mo nang ganun-ganun, may feelings ka pa rin pala kahit ilang taon na ang nakalipas. Ako kaya? Magiging bitter na talaga ako sa forever nito."


"Oy, huwag! Huwag mong gawin yan. May pag-asa pa, huwag kang maging bitter. Pinakasalan ko si Eros dahil yun ang nararamdaman kong kailangang gawin, simply because, I love him...only. Kausapin mo kaya yung ex-boyfriend mo, at gumawa kayo ng magandang closure. Alam ko, pinipilit mo lang maging masaya at okay kahit ang totoo, hindi naman. Definitely, hindi ako sanay magsalita ng mga ganitong advices dahil sanay akong binibigyan. Pero, subukan mo lang umuwi ng Pilipinas, at kausapin mo siya. I know, you still love him, or, wala na, pero kailangan mo siyang makausap ng masinsinan tungkol sa mga bagay-bagay para mahimasmasan na yang nabiyak mong puso....oh, ano? Nakakuha ka na ba ng sagot sa pagpunta mo rito?"


"Manay...," tumingin siya sa akin ng seryoso. "Epekto ba yan nang nakakakilig na lovelife? Naging helper's nest ka na ngayon, ha. Hindi naman ako pumunta rito para sa mga pang-MMK mong advices. Pumunta ako rito para makita ka, at makita ang gwapo mong asawa. Pa-picture naman ako, oh..."


"Hep-hep-hep...bawal," kumuha ako ng tray saka nilapagan ito ng isang plato na may apat na pancake, at dalawang gatas saka isang tasa ng kape.


"Ang damot mo naman. Isang selfie lang, parang sobra naman ata nun..." napatawa ako sa tampo mood niya.


"Sige na nga. Mamaya," napalakas ang YES niya. Okay, idol na idol niya si Eros. Pang-ano lang...


"Hoy, may nakalimutan ako," ininom ko yung kape ko, at tumango sa kanya. "Magkaka-baby ka na ba?" naibuga ko yung kape sa harapang mesa. ANO KLASENG TANONG YUN?


"A—a----anong i—big mong sabihin?," paubong nauutal kong tanong sa kanya.


A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now