Chapter 38

1.4K 38 1
                                    

CHANIEL'S POV

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso kaagad ako sa sinabi na org ni Jessica. Pagpasok ko pa lang ay nagakakandarapa na yung mga tao sa loob, may nagdadala ng mga props, may mga lapel sila sa gilid nila, saka may mga camera pang nalalaman. Uso rin sa kanila yung malalaking mga bulaklak, saka may malaking 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?' na nakaukit sa mga styrofoams. Ganito talaga siguro ang isang agency, sobrang big deal talaga ang ganitong mga trabaho.

Nasa front ng building nga nila sa cupid. Kahit saan nakikita ko si Cupid sa buong building, silang lahat mga Kupido naman talaga. Ganun ang turing ko sa mga matchmaker. Mga kampo kami ni Mr. Kupido...aka my babe, Eros. Eros, god of love in Greek mythology. Kaya siguro ganito ako ka-adik sa matchmaking dahil sa expertise ko pa nga lang ay match na match na kami ni Eros. Hahaha....move on, Chaniel, uso yun.

Logo ng business nila ay isang baby Cupid na nakatalikod na kita lang yung mga wings niya, at nakaukit sa wings niya yung bow and arrow niya with letters L.S.M.O.

"Hi, Chaniel," napagkaabalahan pa akong tawagin ng isang babae na nagkakandarapa ng lumabas. Ngumiti lang naman ako sa kanya bago siya makalabas talaga sunod-sunod yung mga ka-team niyang iba.

Kilala pala talaga ako ng mga tao? Panay kasi yung mga titig nila sa akin, eh, at saka pagkatapos ngingiti na parang titili. EWAN!

"Excuse me, Miss, good morning, I am looking for Mrs. Abegail Fontelle po. Pakisabi po, nandito si Chaniel Oriento, yung kapatid ni Jessica Del Sol, Miss," malaking ngiti kong sabi na hindi ko pala nalalaman na natulala na ang dalawang babae sa front desk sa akin.

"Ch—a-niel, Miss? O..okay," nauutal pa niyang sabi sabay pindot ng telepono. "Jasmine, Chaniel Oriento is outside looking for Madame Fontelle....okay...yeah. Okay, thank you."

Ngumiti ako ulit sa kanya.

"Okay na raw po. Third floor in this building po. May isang room po na nakapangalang 'Clients Love Theater' dun ka raw pumasok, Miss. At saka, wait lang po kayo kay Madame dahil kausap pa niya ang anak niya po."

"Okay, salamat," aalis na sana ako ng...

"WAIT!..." napahinto ako nang sabay silang tumawag. "Pa-selfie po kami...please..." hindi sana gagana ang mga puppy eyes sa akin, kaso nasa isang sagradong lugar akong ituring, ay pumayag na lang ako.

Bakit ba sila panay pakuha ng selfie sa akin? Hindi naman ako butuin? I'm not a star, at alam ng buong world na hindi ako talaga. Sana...please...bakit pa ba alam ng buong Pilipinas na may kaugnayan kami ni Eros noon? Dahil ngayon, hindi ko na alam kung ano kami. Baka kumalat pa ang mga pictures na to sa social media, at ma-showbiz patrol na naman ako nito. HAYST NAKU! Masyadong ma-issue. AYAW KO NG PAGKAKAGULUHAN AKO. Syadong assuming lang, di ba?

"Ang ganda niyo po pala talaga sa personal," nagninining-ning na sabi nung isa.

"Kung yung asawa mo ay si Eros, ikaw naman...si Pysche, ay naku! Kinikilig ako sa kanilang dalawa..."

Ngumiti na lang din ako ulit.

May karapatan pa ba silang kiligin sa amin??? Hayst, nakakabaliw ang pag-ibig. Bakit pa kasi pinanganak si CUPID!? Yan tinuloy, grabeh yung tama ko sa heart, sobrang nagdurugo na dahil sa sakit.

***

Nang makarating ako sa naturang floor, ay kaagad kong hinanap yung sinabing room ng babae, ah...grabeh, paano ako makakapag-move on kay Eros kung nakikita ko siya sa buong room, ang sarap suntukin ng mukha ni Cupid! GRABEH!

Cupid, pwedeng lumayas ka na, bumalik ka dun sa Rome. GO, hindi kita kailangan! Sure kang hindi mo kailangan si Cupid aka Eros, my babe mo. SINABI KONG BANG SI EROS?! Okay, hindi si Eros. Syado!

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon