Chapter 44

1.6K 43 1
                                    


Chapter 44

CHANIEL'S POV

Namangha ako kaagad sa ganda ng strawberry plantation ni Lola dito sa Baguio. Kakarating ko lang kasi kanina. At kaagad akong pumunta rito. Dahil maulan-ulan ang season, sobrang lamig talaga rito. Yakap-yakap ko yung sarili ko habang ninanamnam ang kagandahan ng paligid.

Nasa ibabaw ako ng bundok.

Dito, gusto kong isigaw ang poot na nararamdaman ko.

Kaya ko ba!?

"EROS, I'M SORRY!! MAPAPATAWAD MO BA AKO!?" alam kong ito ang dahilan kung bakit masakit ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na hindi ako mapapatawad ni Eros. "I'M SORRY NA KASI!"

Walang nagtatanim ngayon kasi malamig at maulan-ulan nga ang panahon. Ako naman, balot na balot ako ng makapal na jacket. Gusto kong mamasyal sa bahagi na ito, eh. Kasi, kitang-kita ko ang kabilang bundok.

At kapag sisigaw ako, naririnig ko yung lakas ng boses ko.

Gusto kong marining kong gaano ako katapang.

Matapang ako! AJA! Manalig!

Naglalakad ako sa daan papuntang ibaba, may malaking bato kasi ibaba. Doon ako umuupo kapag may problema ako. Nakapag-isip-isip ako ng matino. Parang...relax-relax ako kapag nandun.

"CHANIEL!" matutumba na sana ako ngunit nakapagbalanse ako dahil dun sa sumigaw na bumasag sa tahimik kong paglalakad. "HUWAG KANG MAGPAPAKAMATAY!"

"Ha?"sino ba kasi yan? Hinawi ko yung buhok ko...si, Laura. Ay naman. Sino bang reporter ang nagsabi sa kanyang magpapakamatay ako?

"Chaniel..." hingal na hingal siyang lumapit sa akin. "Huwag kang magpapakamatay. Hindi yan solusyon sa problema. Mapapatawad ka pa ni God, lalong-lalo na si Eros. Maghintay ka. Huwag kang padalos-dalos. Nandito ka na naman, eh. Nagdedesisyon ka na nagagalit. Don't make decisions when you're angry, dahil pagsisishan mo yung resulta. Bigyan mo siya ng time na makapag-isip. Huwag kang magmadali. Give him time to accept everything. Be with him while he's recovering. Kung di mo matanggap ang ginawa mo, lalo na siya. Ipakita mo sa kanya na karapat-dapat kang patawarin. Huwag kang sumuko. Hindi ko gusto yung ginawa mo kanina. DI ba, sinabi ko, may pag-asa. May pag-asa, Chaniel. Bigyan mo lang ng daan diyan sa buhay mo. DON'T GIVE UP! Alam kong masakit, alam ko, nararamdaman ko yung nararamdaman mo dahil kapatid kita, pero...you need him, Chaniel. Hindi mo mawawala ang sakit ng nararamdaman mo kapag...wala siya sa tabi mo. I know, he's the one making you happy. Keep him."

Pinagsasabi niya. Ang taas!

"Hindi naman ako magpapakamatay. Mag-isip-isip lang ako, eh..." but, she just said it. Pinagsisihan ko nga yung ginawa ko kanina. GRABEH NA THIZ! Ako na yung bipolar. Nagpadala kasi ako sa inis at galit. Nagmamadali kasi ako. Nagpadala ako sa sakit.

Lumapit siya nang lumapit, at kinuha ang isa kong kamay.

"Pinabibigay niya. Sa'yo raw yan. Ang mga bagay na binigay ay dapat pinapahalagahan. Kapag binigay na ng tao yan sa'yo, hindi mo na pwedeng ibalik kasi parte na yan ng buhay mo. Sabi niya, masakit ang ginawa mo. See...may pag-asa."

"Don't make stories," nilapag niya yung dalawang singsing sa kamay ko. Napako ang mga mata ko dun. Oo nga, akin nga to. Akin to. Laking tanga ko talaga, tingnan niyo, pinagsisihan ko na ang ginawa ko kanina.

"I'm not making stories," sinuot ko ulit yung mga singsing. "Di ba, mas bagay sa daliri mo."

"Tama ka."

Mas maganda ang mga 'to sa darili ko.

***

"Puntahan ko muna si Carol, ha," nagtatakbo papaalis si Laura. Kagagaling lang namin sa bundok. Maputik pa yung bota na sinuot ko.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now