Chapter 21

2.1K 40 1
                                    

CHANIEL'S POV

Lumipas ang ilang linggo, wala pa rin si Eros. Tss...nagpalunod ako sa kwarto ko ngayon, kwarto pala namin. Haist naman, kailan ka kaya uuwi Eros? Nakatulog na si Athena sa tabi ko, pati si Grandma, napatulog ko na rin kanina-kanina lang. Parati naman kaming nag-uusap sa cellphone nga lang. Tss...ang iba din, eh.


Sinubukan kong tumawag sa kanya sa Skype, pero...walang sumagot. Online naman siya, bakit wala? Three weeks siyang wala, at sa cellphone lang kami nag-uusap, sinong hindi magtitiis nun? Hello, nandoon kaya si Diane. Kahit na sinasabi niyang, okay lang siya, wala namang gumagambala sa kanyang masamang espiritu, pero hindi pa rin sapat yun.


Ayaw ko na siyang mawala sa akin, noh. Never-ever. KAHIT WALANG FOREVER.


Sinubukan ko ulit na tumawag, at naghintay pa rin...hanggang, wala pa ring sumagot.


"Naman, eh...subukan mo namang sumagot, oh," naiinip na akong talaga. Sumulat ako nang 'nasaan ka ba? Sumagot ka naman. Matutulog na ako.'


Ilang oras akong naghintay pero wala pa rin, kaya, sa paghihintay, natulog na lang ako.


"Good morning, Ath, Grandma," sabay silang pumasok sa dining room, at magiliw ko silang binati. Ngumiti sila kaagad. "Handa na ang pagkain." Nakatingin ang mga katulong sa akin, nakatayo lang kasi sila kanina pa, inigawan ko sila ng trabaho, masama ba?


"Tumataba na siguro ako dahil sa'yo, iha," eh, masarap lang akong magluto, noh. Ang namanahan ko nito ay umuwi na sa Pilipinas, nagbakasyon lang sila ni Kuya Alex, kunwaring naghahanap sa akin yun. Tss...adik din yun sa asawa niya.


"Hindi naman po. Ginagawa ko ang lahat para mapagaling po kayo," tinulungan ko siyang umupo sa upuan niya, at pinaupo ng isang maid nila si Athena na nakasimangot sa umagang kay ganda.


"Oh, bakit, Ath?" tanong ko sabay usog ng gatas niya.


"Hindi pa ba uuwi si Daddy? Sabi niya sandali lang siya doon. Na-mi-miss ko na siya." Kahit valid reason naman ang sinabi ni Athena kung bakit siya nakasimangot, ngumiti pa rin ako, kahit gusto kong sumang-ayon.


"Athena, busy lang kasi ang Daddy mo dun? Alam kong uuwi na siya next day or next week, hindi natin alam. Busy kasi ang mga sikat, kapag ganyan. Oh, baka, may bago siyang offer of indorsement ngayon, di ba?" the next day after tomorrow na pala ang labas ng movie niya rito sa Madrid. May international screening kasi, for the OFWs' sake.


"Pero manonood naman tayo ng movie niya, di ba?" kahit ayaw ko. AYAW NA AYAW KO KAYA!


"Oo naman." Makikita ko lang si Diane doon. At, ngumiti na siya ng malaki with that yes gesture. Uminom na siya ng gatas, at nagsimulang kumain, napangiti na rin si Grandma.


"Mag-a-apply pala ako ng trabaho ngayon, Grandma," oo, magtratrabaho na ako, hindi na binibigyan ni Papa ng allowance ang card ko. Haist...nalaman siguro ang pinaggagawa ko rito.


"Saan naman, iha?"


"Huwag kayong mag-aalala, uuwi naman ako tuwing gabi. Um-mag-a-apply ako bilang accountant sa isang kompanya. Sa Claveria Contracting Inc po. Nagbabasa ako ng newspaper kahapon, may vacant naman daw dun. Saka, kailangan na kailangan nila ng employee. Di ba, malaking kompanya yun?"

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon