Chapter 35

1.3K 32 1
                                    

EROS' POV

Nakatulala ako sa kawalan, three days na akong naghahanap kay Chaniel, pero wala akong napala. Did something happen? Sobrang natakot ba siya na gagawin ko sa kanya yung ginawa ng Papa niya? Natakot ba siya na mag-cheat ako katulad ng hinala niya nun? I love her, pero parang wala siyang trust sa akin na hindi ko siya sasaktan.

Sinugod ko yung Papa niya nung isang araw, pero naghahanap din siya kay Chaniel na apat na araw ng nawawala. Hinalughog ko yung buong apartment ni Ara, yung kaibigan niya, pero wala rin akong napala. Wala sa Chaniel sa paligid, at lalong-lalo na, wala siya sa tabi ko.

Anong gagawin ko?

Parang isang iglap, nawala lahat. Sobrang saya pa namin, bat ngayon, parang biglang natahimik? May nagawa ba akong kasalanan para turturin niya ng ganito yung puso ko?

Sobrang nag-aalala na ako sa kanya.

"Dad," pinahid ko yung mga luha ko nang marinig ko si Athena na kakapasok lang sa kusina. Kasalukuyan kasi akong nagkakape, pero wala naman akong iniinom dahil umiiyak lang ako. I've been crying since I can't find Chaniel.

"Yes, baby?" nagsimula nang umiyak si Athena.

"Is Mommy coming home? Why she's not here for almost one week? Iniwan na niya ba tayo? May nagawa ba tayong kasalanan? Hindi na niya ba tayo mahal?" umiling-iling na rin ako kasabay ng pag-iyak ni Athena, ay kahit anong pigil ko, tumutulo talaga tong pesteng mga luha ko.

"Hindi ko alam, Athena." Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagkawala niya sa akin. Na wala man lang paalam? Sana nagpaalam siya? Para maitama ko yung pagkakamali ko na sa sobrang hindi ko alam, ang NAKAKASAKIT TALAGA.

"She said in her letter," namilog yung mga mata ko sa sulat na hawak ni Athena na inabot niya sa akin. Kaagad ko yung kinuha, at wasak na yung envelope dahil mukhang binasa ni Athena ng una.

My Dearest Eros,

Please, huwag mo na akong hanapin. Hindi mo ako deserve. May mga malalaking kasalanan ako nagawa, at kailangan kong hanapin yung sarili ko. Let's just break this up, and never find me again. Natatakot ako, I realized, hindi pa talaga ako ready bumuo ng pamilya. Hanapin mo yung babae para sa'yo. Let me go, and I'm sorry.

-Chaniel

OHGOD! Did I...Did I read a true letter from Chaniel? Anong may mga malalaking kasalanan siyang nagawa? What sort of mistakes? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kailangan bang wala ako sa tabi niya para hanapin ang sarili niya? SYET! My heart is breaking into thin sheet pf pieces!

Let's just break this up and never find me again? Ibig sabihin, gusto niyang maghiwalay kami at hindi na magiging isa muli? WHAT!? Makatarungan ba 'to?!

ANO BANG KASALANAN ANG NAGAWA NIYA AT KAILANGAN TALAGANG GANITO?! Ganun ba kalaki yun para maghiwalay kami? Ang dami kong tanong, pero niisa nito, wala ako kasagutan? Hindi ba siya nagtitiwala sa akin na tutulungan ko siyang linisin yung kasalanan niya?

Kinuyumos ko yun sulat, at niyakap kaagad si Athena.

"She did not say I love you," naluluha kong sabi. Bakit? Anong bang kasalanan ang nagawa ko? I made everything for her special! Oo, pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako? At OO mahal niya ako. I believed in her love. Hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya.

I love her, at kapag nagmamahal ka, pinaglalaban mo yun.

"Anak, sino ang nagbigay sa'yo nito? Nakaalis na ba yung mail man?"

"Hindi po, naglalaro ako sa labas kasama si Yaya, beach volleyball kung baga, nang mapunta sa may gate yung bola, nakita ko po yun. Wala naman nakasulat sa enevelope, kaya binasa ko. Totoo po ba? Hindi na babalik si Mommy?"

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now