Chapter 36

1.2K 28 1
                                    

EROS' POV

Nakapanglumbaba ako sa kama sa gilid ni Grandma, hawak-hawak ko yung kamay niya. Nadala kasi siya sa ospital ulit dahil inatake na naman siya sa sakit niya sa puso. Hayst, hanggang ngayon, two days na, hindi pa rin siya nagigising.

Takot na takot ako dahil binigyan na siya ng taning sa doktor nung una, at nakailag siya dun...ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang straight one week wala akong tulog. Paano pa ako maghahanap sa nawawala kung may kailangan akong alagaan?

Akala ko hindi na ako maghihirap dahil sa pag-ibig, pero ngayon, sobrang nahihirapan na ako. Sobrang nasasaktan na ako.

Sinagot ko kaagad yung phone ko na kanina pa tunog nang tunog.

"Yes," walang gana kong sabi. Di kasi ako nakatulog ng maayos talaga.

"Pre, tumawag ako kasi...baka hindi ka na naman nakatulog. I promise na tutulungan kitang hanapin si Chaniel, oo hinanap namin siya, pero wala talaga kaming napala. Mukhang hinaloghug na namin yung buong Spain, wala kaming napala, pare," I heard Fred's voice. Nag-aalala siya ng husto. Tiningnan ko yung watch ko, ten in the morning na pala.

"Nagpatulong ba kayo sa pulis?"

"Yes, kasama namin sila twenty-four hours everyday sa mga updates and infos, at ngayon mahigit anim na araw na siyang nawawala pare. Pati mga kapatid niya, hinahanap na siya. They've been cooperating us for three days now. Okay ka lang ba?"

"Yes. Okay lang ako." di ko pa nasabi sa kanila ang tungkol kay Grandma.

"Parang hindi, eh. Eros, huwag mong sabihin sa aming hindi ka talaga nagpapahinga. Pare, huwag mo masyadong isipin ito. We are here for you. Tinutulungan ka namin, hindi kami titigil."

"Okay lang talaga ako, Fred."

"Sa Pilipinas, pare, wala ring Chaniel ang dumating. Walang hint na mga flights na naka-uwi siya ng Pilipinas. Kinakabahan kami kahapon kasi, may dumating na report sa mga pulis, isang CCTV footage sa harap ng mismong hotel nila rito sa Spain na may isang babaeng pinasok sa van na itim. It happened six days ago. Pare, baka nakidnap siya."

Pero bakit may nagpadala sa akin ng sulat?

Ayun, nagising ako ng husto, yung dilat na dilat talaga yung mga mata. Na—ano, ano raw? Na-kidnap????? BAKIT?

"Ba—ba-bakit daw?" napatayo ako sa gulat.

"Napag-isip-isip pa si Mr. Oriento rito. Sinisisi niya sarili niya. Sumugod kasi si Chaniel sa hotel room nung secretarya ni Mr. Oriento na ngayon ay nasa kulungan na. The lady has been discovered that she used drugs, alam mo na, may tinatagong karahasan pala yang asawa mo. Pinikot nung babae si Mr. Oriento para makakuha ng pera para sa pagbili ng drugs, pero nahalungkat ni Chaniel iyon. May sindikato sa likod ng pagkawala ni Chaniel, pakiramdam namin, they are the suspek for her disappearance."

"Gosh!," napamura ako sa sobrang takot para sa asawa ko. No...they will never hurt my wife. Namuo na ang mga nagbabagang kaba at takot sa dibdib ko. Anong magagawa ko?

"Pare, tinitingnan na namin ang anggulo na yan. We are cheking for the plate number of the van, para matukoy kung saan naka-stay yung sasakyan na yun at kung sino ang gumagamit. Hinihintay palang namin yung resulta. Please, take care of yourself. Pumunta ka na lang sa presinto kapag handa ka na. Don't worry, nandito kami para sa'yo."

Ganito talaga tong si Fred. Siya lang lagi ang nandiyan para sa akin, well, yung mga kasama ko sa grupo at yung mga co-actress at actors na nakasama ko ng mahabang panahon sa industriya. Lagi talaga silang nandiyan kung may mga problema ako. Siya kasi yung una kong naging kaibigan nung first year ko pa sa showbiz.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Där berättelser lever. Upptäck nu