Chapter 42

1.6K 35 1
                                    


CHANIEL'S POV

Nag-iimpake ako ng gamit kasi babalik ako ng Baguio. May field trip daw kasi ang pamilya ko. A week na out of work ang lahat. Busy din kasi sila, noh. Kailangan daw nila ng mas mahabang quality time sa pamilya.

Excited na nga ako!

Bagiuo na yan kasi!

Ilang taon na ba akong hindi nakabalik dun? DALAWA! Ganun kahaba.

So, hindi na ako magiging pabebe.

Sinarado ko na yung maliit na maleta saka binuksan yung kumakatok.

"Oh, Carol..." umirap siyang parang naiirita.

"Yung kabit, nasa baba. Hinahanap ka. Ang kapal ng mukhang pumarito. Sobrang kapal na talaga ng mukha, di man lang nahiya."

"What kabit?"

"Chaniel, ang tamang tanong, sinong kabit?"

"Edi yung malanding modelo na si Sushane Garcia, mabuting...wala sina Mama ngayon. Nauna na kahapon sa Baguio, at mabuting wala ako sa mood na umaway ngayon ng tao, at baka nakalbo ko na yang makapal na walang mukha na babae na yan. Puntahan mo na baka maabutan siya ni Jessica, masampal pa yun."

Kinakabahan naman ako bigla.

Anong gagawin ng kabit sa bahay ko? Kabit ba talaga? PANIRA!

Galit ako, naiinis ako, pero may karapatan ba akong magalit?

Ang hirap ng ganito, yung bang parang wala kang karapatan.

Kaagad kong binaba yung isa pang ahas sa buhay ko. Kung ano ang problema nila ng asawa ko, labas na ako dun. Wala na akong pakialam. WEEHHH! Mawala man ang wifi connection sa buong Pilipinas forever? Oo.

Naabutan ko siyang nakaupo sa couch namin. Ang ganda pala talaga niya...bagay sa kanyang pinakalbong hairstyle. Ano bang ginagawa niya rito?

"Hi, good morning," ngumiti siya nung may paarte effect sabay tayo. Ngumiti ako ng fake din. Di ako tumatanggap ng malalandi sa pamamahay ko.

"Obviously, may kasabihan, treat your visitors well. I'm sorry, di ako tumatanggap ng kabit sa pamamahay ko. And, don't you dare say that I left him dahil wala kang alam..." magsasalita pa sana siya, eh. "Ano bang ginagawa mo rito?"

Siya yung tipong, maganda, matalino sa mata, parang may dignidad, educated, oo, siya yung tipong mapapatulan ng mga lalaking may asawa. KADIRI!

Napalunok siyang naiirita, umirap pa. ABA!

"Obviously din, kakausapin ka tungkol kay Harry. Chaniel, pirmahan mo na yung divorce papers. Wala ng pag-asa, wala ka ng babalikan. Pinabayaan mo siyang mabingwit ng iba. Laking baliw mo naman para gawin yun. Dapat ang mga asawa, hindi pinapakawalan."

Tinaas ko yung isa kong kilay. Aba, lumalaban. Nangingiti ako kasi...wala siyang kaalam-alam kung sino ako kung lumaban.

"Ganun ba? Kawawa ka naman, marunong din kasi akong...ibalik yung nabingwit mo. Sorry, ha...marunong akong mangisda sa sarili kong ilog, eh. At, obviously, kahit baligtarin mo pa ang tubig sa ilog at dagat, Eros is in my river."

"His heart is mine now," natahimik ako ng ilang segundo sa sinabi niya, tinusok ng hindi ko alam na matulis na object yung heart ko dahil sa katotohanan na yun. Nangiti pa siya dahil dun. "See..."

"But, his name is mine already. Hindi mo siya magiging pag-aari kung akin yung pangalan niya. Kahit anong gawin mo, kung di ko pipirmahan yung divorce papers, babush...you can't have Eros. Kaya ko siyang kunin ulit."

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now