Kabanata 15

23.2K 439 12
                                    

 "The whole purpose of those attacks was to drive those contractors out. Lots of them had to leave. They were terrified." --- Wayne White

***

Kabanata 15 - Terrified

Hailey's POV

I PACE back and forth in our room, panicking.

Ganito na ang kinikilos ko sa maghapon, ever since I receive that letter from Trent.

Nahigit ko ang aking hininga upang kalmahin ang aking sarili sa sitwasyong ito.

"Ready ka na ba?"

Kulang na lang ay malaglag ang puso ko sa pagkagulat nang marinig ang boses ni Hunter.

"Okay ka lang ba? You look terrified."

"Uhm, w-wala.. okay lang ako. Yung mga gamit natin inayos ko na kahapon.", palusot ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ito sa kanya o hindi. Pero siguro ay sa pagbalik na lang namin sa bahay niya.

My body was in overdrive. Flooding with emotions. Hunter locked eye-contact with me. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo sa bintana ng sasakyan niya upang iwasan ang nag-aalalang titig niya. Matapos mailagay ang aming mga luggage sa likod ng sasakyan ay muli siyang bumalik sa front seat upang magmaneho at lisanin ang De Amour.


***

ISANG KALABIT sa aking balikat ang gumising sa akin. Nang tingnan ko kung asan na kami ay isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang makita ang pamilyar na mansion.

Pag labas pa lang namin sa sasakyan ay matatanaw na ang mga tauhan ni Hunter na masayang nag maabang sa entrada ng mansion.

"Welcome back, Mr. and Mrs. Sylverio!", chorus nilang lahat.

Matapos ang isang pagbati ay pumaharap si Nami patungo sa kinaroroonan ko. Agad niya akong sinalubong ng yakap. "Miss Hailey, kamusta ang honeymoon niyo ni Master?"

Ngumuso ako ng marinig yung tawag nito sa akin. Miss parin kasi kahit na may asawa na ako. Saka ko pinagalitan ang aking sarili. 'Bakit gusto mo ng Mrs. Sylverio?', pakikipagtalo ko sa aking utak.

"It's ..err, f-fun..", ganoon na lamang ang pagtaas ng aking kilay nang mapatingin silang lahat sa akin. Interesado ganon?

Hinawakan ni Nami ang aking magkabilang balikat habang ang mga mata nito ay namimilog at mukhang walang palalampasing detalye. "Gaano ka-fun?"

"Ano... teka, ano ba'ng iniisip mo?!", medyo napalakas ang aking pagkakasabi roon nang mahulaan ang nais niyang maipahiwatig. Sadyang nakakaloka ang mga tauhan ni Hunter! Hindi ata nila alam ang ibig sabihin ng privacy!

Hinawakan ni Nami yung tiyan ko habang ngumingiti ng nakakaloka. "So, are we expecting a young master?"

Sa inis ko sa kalokohan ng babaeng ito, binatukan ko na siya ng tuluyan. Natawa naman yung mga naka-witness na men in black.

Inakbayan ako ni Hunter. "Don't worry Nami, darating din kami diyan."

Kumindat pa ang walanghiya!

Siniko ko yung tiyan niya saka ko siya sinamaan ng tingin. "Gumawa ka ng baby mag-isa mo!"

"Bakit ayaw mo ba magkaroon ng little Hunter at little Hailey?"

Piningot ko yung tainga niya sa nakakarindi niyang biro. Nag-puppy eyes siya pero sorry hindi ako tinatablan niyan ngayon.

Nasa living room na kami pero itong si Nami at Lucy hindi ako tinatantanan hanggat wala akong naikukwento. I give them some details pero parang hindi pa sila satisfied.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now