Kabanata 44

15.1K 260 5
                                    

HAILEY POV

"MISS DE LUNA!"

Pinagkaguluhan nila ang bagong dating. Sa likod ng dalaga ay ang ilang mga bodyguards na may bitbit na mga shopping bags.

Matamis ang ngiting iginawad ng dalaga sa mga empleyado. Nakipagkamustahan pa nga ito at nakipagbeso-beso. Hindi na ako nagkumento ng bigyan niya ang bawat departments ng regalo. Siguro nga ay sweet lang talaga ito.

Nang pagmasdan ko siya ay para lang akong nanliit sa aking sarili. Napakaganda niya at mahahalata ang dugong italian sa kanya. Chestnuts long wavy curls, deep chocolate eyes and a smile so wicked.

She was Brianna De Luna, the one and only daughter of the legendary Francis De Luna, heir to De Luna Empire Group.

Her eyes did a quick scan of my face down to my body back to my face, before she flash me another wicked smile. "Here, take this.", Aniya ng iabot sa akin ang isang shopping bag. "Hindi kita kinalimutan. How could I, di ba?", Dugtong pa niya ng siya na mismo ang kumuha sa kamay ko upang tanggapin ang inaalok niya.

That being said... It was like she was the easiest person to ignore. She didn't turn her eyes away even tough I'd made my preference clear by sitting on the far side of the room.

Instead, humalukipkip ito at tinitigan ako. "Nakita mo na ba ang designs ko?"

Shit! Yung mga designs niya. Darn, paano ko ipapaliwanag na nagkandakusot-kusot yung fashion designs niya?!

I'm doomed!

"Tungkol dun..."

"We have about seven days to do close to two months of work. That's why we called the Empire Group for some back-up. If we can pull this off, it'll be the second greatest manger in Phillipines history in shopping mall businesses. Ang hirap na rin kasing i-achieve ang limit sets by Chinese stockholders. Pero buti na lang ay madiskarte si Hunter. Tiwala siya sa mga PR heads and legal departments. Hopefully, this season will become successful."

Tango na lang ako ng tango. Nakasunod pa rin ako sa kanya ng pindutin namin ang top floor sa elevator. Nangunot pa ang noo ko ng pareho kaming nagtungo sa direksyon patungo sa opisina ni Hunter. "It's his office, right? Tama ka, magkatabi lang ang office namin. Okay lang ba iyon sayo? I mean, secretary ka niya so maybe I need your assistance sometimes like... you can also make me a cup of coffee every morning. Kasali rin naman iyon sa trabaho mo. You okay with that?"

Kung hindi lang senior head ito baka kanina ko pa inihiwalay ng tuluyan sa anit niya yung buhok niya sa sobrang pangda-down sa akin. Remind ko lang, secretary ako rito hindi barista!

Pero sa halip na makipagtalo ay nilunok ko na lang ang nagngingitngit kong kalooban. Nang pasadahan ko ang office niya ay hindi ko maiwasang humanga sa disenyo sa loob non. Mayroon doong cherry woods desk at leather chairs. Mayroon ding sofa sa gilid ng dingding. At may iba't-ibang halaman na maayos na nakalagay roon. At ang nakakaagaw pansin ay ang isang malaking painting roon. Painting ng mukha ni Brianna at Hunter.

Nginitian niya ako na animo nanalo sa lotto.

"You're not going to make me look stupid, are you? ", Iyan ang gusto kong sambitin sa mga oras na iyon subalit nagpigil ako at plastic na ngumiti. "It's beautiful. Maganda yung art.", Pinagdiinan ko pa ang salitang art para may impact.

"Bagay ba kami?", Tanong niya.

Umarko ng tuluyan ang kilay ko. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan, Miss De Luna? Alam mo namang naging parte rin ako ng buhay niya."

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now