Kabanata 32

15.3K 281 5
                                    


Hailey's Pov

PINILIT ko ang aking sariling panoorin at makita si Hunter na nahihirapan sa buong araw.

No, scratch that.

Mga limang araw na din pala kaming naririto sa Sta. Ignacia hindi ko nga alam kung may trabaho pa akong dadatnan kung sakaling babalik kami sa Maynila dahil sa tagal ng absences ko sa trabaho.

But now, I lay in bed for a long time, trying to figure out how all the pieces of the puzzle might come together. Halos pinaniwala ko na nga ang sarili kong maniwalang nananaginip pa rin ako. Na isang magandang panaginip ang pagdating ni Hunter sa buhay ko. Right, he is my dream come true.

I needed to see him. Ayaw ko na siyang makitang nahihirapan pa. Ayaw ma o hindi, pumayag man o hindi, yayayain ko na siyang magbalik na ng Manila.

After slipping on pair of shorts and a tank top with long cardigan, I threw my long hair into a ponytail and took the bike edge of the town where the Acueza mansion sat as a historical landmark in the town. For generations, ang mga Acueza ang pagmamayaari ng ilang ektaryang lupain ng Sta. Ignacia iba pa ang Rancho na nasa kabilang bayan na pag-aari din nila. At si Light Acueza ang tagapagmana ang respetado at iginagalang rito.

Bumuntung-hininga na lang ako. Si Hunter ang dapat kong inaalala. Ang aga nilang umalis kanina dahil harvest season ngayon ng mga tanim na mga magga sa plantasyon. Syempre, dahil sa tinotohanan nga ni Hunter ang pangako niyang "Bringing back his trust project" ay talagang binigay niya ang buhay niya kay Tito Franco bilang alipin sa bukirin. Minsan tuloy, napag-isipan kong makipagtalo na talaga kay Tito Franco.

Ang problema ay medyo nasobrahan na nito ang pang-aalipin sa nobyo ko. Aba't talagang kinarir nitong gawin iyon kay Hunter. But we will find a way, though. Iginala ko ang aking paningin sa mga maraming pananim sa daan. Ang nagtataasang mga tanim na mais at tubo sa daan ay matatayog dahilan upang hindi gaanong makita ang daan.

Napangiti ako sa kawalan kapag naaalala ko ang mga kalokohang ginawa ko noong high school. Ang mga panahong napakasaya kung saan ko inenjoy ang aking pagdadalaga. Bumaba ako ng bisikleta at nagpatuloy na lamang sa naglalakad habang hila-hila sa aking gilid ang bisikleta nang may marinig akong sumigaw mula sa likod. Paglingon ko ay isang rumaragasang kabayo ang patungo sa direksyon ko.

"Whoa, whoa! Snow! Miss tabi diyan!", Sigaw ng lalaking nakasakay sa kabayo. Sa pagkagulat, napa-atras ako at tuluyang nahulog ang aking puwitan sa putikan. Nakalampas na yung kabayo ng bigla iyong huminto. Bumaba ang lalaking nakasakay roon sa kabayong kulay puti.

Tumakbo ito sa aking kinaroroonan. "Miss, okay ka lang ba?"

Nag-igting ang aking mga ngipin. Nakuha pa talaga ng lalaking iyon na tanungin kung ayos ang aking kalagayan gayong obvious naman na hindi. Sino ba naman ang magmumukhang okay kung sumalampak ang puwitan mo sa putikan? Gusto ko tuloy bulyawan ang lalaking iyon sa pagiging reckless driver. Ang awkward lang dahil kabayo pala ang sasakyan nito.

Inilahad niya ang kamay senyales upang tulungan akong makatayo. Hindi ko iyon tinanggap at hinayaan na lang na nanatiling ganoon sa ere ang kamay niya.

"Lei?", aniya.

Nangunot ang noo ko bigla ng banggitin niya ang palayaw ko. Ang tanging kakilala ko lamang ang tumatawag sa akin ng ganoon.

"Lei, ikaw nga!", Gulat pa nitong sabi.

Tutulungan sana niya akong makatayo nang tuluyan akong tumayong mag-isa. Hindi ko na rin ininda pa ang basa kong puwitan sa suot kong short. Kainis dahil putik pa naman iyon.

"Kaya kong tumayo.", Seryoso kong sabi.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Sadyang napaka-sungit mo pa rin talaga sa akin.", Nakangising sabi ni Light.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now