Kabanata 36

13.5K 234 12
                                    

HAILEY POV

"HINDI MO ba ito pagsisisihan?", Sabi ni Trisha.

Sumulyap ako sa kanya. Nakasandal siya sa likod ng pintuan habang nakatingin sa akin. Malabo na rin ang vision ko sa kanya dahil sa mga luhang humaharang sa aking mga mata. Titig na titig siya sa akin habang nakahalukipkip.

"Hailey, bawiin mo ang mga sinabi mo sa kanya. You hurt him enough. Kung nasaktan ko ganoon din siya. Why a sudden change of mind? Sorry kung sinisigawan na kita but I can't really understand your reasons now. Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya.", Dagdag pa niya.

Naramdaman ko na naman ang sakit sa puso ko. Ang pagluha ko. Gusto kong iwasan ang tinging iyon ni Trisha. Hindi ko masabi kung magagalit ba siya o naaawa sa akin. Kung kumakampi ba siya sa akin o pinagagalitan ako. She was just in between in our situation. Nagiging patas lang siya at walang sinuman sa aming dalawa ni Hunter ang kanyang kinakampihan.

"You don't understand because you're not in my shoes. Hindi ikaw ang nawalan ng anak. Bakit ba ako na lang nasisisi?", Tanong ko.

"Oo nga hindi ko nga alam yan dahil hindi ako ang nasa kalagayan mo. Pero alam ko na pareho kayong nagdurusa. Alam ko na pareho kayong nasasaktan. Hindi lang ikaw ang nawalan. You both lose your child!"

Muling kumirot ang dibdib ko. Bakit kailangan niyang ipaalala pa? Ako rin naman ay nasasaktan sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya. Tuwing naalala ko kung paano siya magmakaawa at umiyak para lang bawiin ko ang aking desisyon. Gusto ko siyang yakapin sa mga panahong iyon subalit sa tuwing sumasagi sa aking isipan na ang lahat ng nangyari ay itinutulak ko lang siya palayo.

"Hailey, tuluyan ka bang aalis ng bansa? Are you really going to run away?", Tuluyan ng lumapit sa akin si Trisha at umupo sa gilid ng higaan.

Nakiusap si Tito Franco na umalis muna ako ng Pilipinas. Ibinenta nito ang iba naming lupain sa Sta. Ignacia. para sa plane ticket ko at ang iba ay nakalaan para sa pagtira ko sa France.

Kung sana ay sumang-ayon na lang ako sa option two ni Trent ay maaaring baka mabuhay pa ang anak ko. Kung sana ay mas inuna ko ang anak ko at hindi nagpadaig sa nararamdaman ng puso ko ay baka nailigtas ko ang anak ko.

"Trisha, pumayag na ako sa gusto ni Tito. Mami-miss kita ng sobra."

"So talagang tatakas ka?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ako tumatakas. Iyon ang mas makakabuti sa amin. We need some space. We need to move on."

Binatukan na ako ni Trisha. Ramdam ko ang pagkainis nito sa akin. "Huwag kang tanga! Move on? Sa tingin mo makaka-move on si Hunter ng ganon lang? Please wake up!"

"I know ang tanga ko! Nawasak din ang puso ko pero ayaw ko na. Napapagod na ako. Dahil sa issue niya kay Trent kaya nawala ang anak ko."

"Shit naman, Hailey huwag kang padalus-dalos pwede? What if sa pagbalik mo ay may iba na siyang mahal at hindi na niya gugustuhin pang pagbuksan ka puso niya? It's not too late, Hailey."

Ako lang ba talaga ang pagbubuntunan nila ng sisi? Ako lang ang may kasalanan?

Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang mabuhay na wala siya. I need space. Yun lang ang hinihingi ko. Gusto kong makalimot hanggang sa maging handa na muli ang puso ko.

"Paano kung magsisi ka? Ayaw kong mapahamak sa desisyon mo dahil kaibigan mo lang ako. Pero ayaw ko ring balang-araw na magsisi ka dahil hindi kita magagawang tulungan. Don't do things that you will regret later.", Seryosong untag niya.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now