Kabanata 35

13.9K 260 8
                                    

HAILEY POV

MY EYES WERE blurry nang ilibot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ako na nababalutan ng kulay puti. Isang doctor ang lumapit para i-check ang aking vital signs nang tingnan nito ang mata ko at pag-aralan ang monitor.

My head was throbbing and I was extremely thirsty. Sinubukan kong magsalita pero parang tuyung-tuyo ang lalamunan ko dahilan upang walang lumabas na tunog mula roon.

Nahalata naman iyon ni Hunter ng tulungan ako nitong makaupo. "It's okay. You don't have to speak. It's been three days."

Lumapit muli ang doctor sa akin as he held a device to each of my eyes. "She's responding well.", Aniya saka bahagyang ngumiti. Pero ang ngiti nito ay may bahid ng kalungkutan. "Anong nararamdaman mo?"

Ibinuka ko ang bibig ko. Ang aking lalamunan ay tila apoy na umaalab sa sobrang init at hapdi.

Binalingan naman ng doctor ang nurse sa tabi nito. "Get some ice chips.", Saka tumingin kay Hunter. "Her throat is raw from the breathing tube and lack of liquid."

Nakadama ako ng ng kirot sa bandang tiyan ko. Namimilipit iyon sa sakit at halos maiyak ako sa tindi ng hapdi non. Nag-aalalang tumitig sa akin ang mga tao sa paligid. Naroon sina Lennox at Trisha. Mga magulang ni Hunter maging ang mga magulang ko ay naroon rin. Nagtataka pa ako ng makita ang umiiyak na si Alyanna.

Anong nangyayari?

Until all the flashback of the past events compiled in my nerves all at once. Yung mga putok ng baril. Red Dragons. Beehive. Si Trent. Pagkamatay ni Trent and....

I cleared my throat as long as I can. "H-Hunter, yung baby...?", Nahihirapan man magsalita ay pinilit kong lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. Nanginginig na ako dahil sa mga ekspresyon ng mga mukha nila. Agad na tumakbo palapit sa akin si Mama at Alyanna. Umiiyak sila habang mahigpit akong niyakap. Si Tito Franco naman ay nandilim ang mukha at nanatiling tahimik sa gilid. Sinubukang hawakan ni Hunter ang kamay ko pero iwinasiwas ko lang iyon.

"Y-Yung baby, yung baby ko?! Anong nangyari sa baby ko?!", Wala na akong pakialam pa kung gaano kasakit ang lalamunan ko nang halos paos na sumigaw ako sa kanila.

Sinubukan akong yakapin ni Hunter saka hinalikan ang buhok ko. Pilit ko siyang itinutulak sa lakas na natitira pa sa akin. Nang pakawalan niya ako sa mga bisig niya, nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. He looks like na galing siya sa pag-iyak. No, hindi lang siya, almost all of them.

All I care is my baby. I wanted to protect my child.

But what's going on? What's on with their faces?

"Mama, yung baby ko, anong nangyari sa kanya? Ligtas siya, di ba? Mama, yung anak ko... I-I'm begging you, please tell me kung okay lang ang anak ko! Answer me! Please, tell me!!", Sigaw ko. Iyak lang ang isinagot ni Mama. Maging si Alyanna ay walang ginawa kundi ang umiyak sa sulok. Hinawakan ni Trisha ang kamay ko. Pinisil niya iyon.

Mahigpit kong hinuli ang kamay ni Trisha. Kaibigan ko siya, mapagkakatiwalaan. Maybe, siya ang magsasabi sa katanungan ko na ang hirap-hirap nilang sagutin. "Trisha, yung anak ko..."

Katulad rin ng naging reaksyon ni Mama ay naging reaksyon na naipinta sa mukha nito.

"NO!", I shouted. "No, no, no!"

Muling lumapit si Hunter sa akin upang yakapin ako but I shrugged him off. "GO AWAY! GO AWAY!!"

Itinulak ko siya palayo sa akin. Hindi nakapagsalita si Hunter. Nakita ko lang kung gaanong mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ang mga luhang nagbabadyang mahulog sa mga mata niya.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now