Kabanata 22

20K 378 17
                                    

  "They were two lovely choices. One of them meant giving up every chance of a decent life forever...and the other one scared me out of my mind."
― Frederik Pohl, Gateway   

****

Kabanata 22 ― The Billiard Game

Hunter's POV

"ABOVE was our backup Departments work from the previous season. End of report.", ani Levi nang matapos nitong i-summarize ang reports ng bawat departamento ng kumpanya.

"Now, I want to hear the General Manager explain about Sylverio Industries plans in regards to our commercial development at Japan.", ani Lennox na tumatayong bise presidente.

"Sa susunod na anim na buwan, magkakaroon ng substantial expansion ang Sylverio Industries para sa isang operation scale. At sa loob ng dalawang buwan ay nag-increase by 20% ang sale performance ng company. Plus, good news is na-obtain natin ang malaking halaga ng investment ni Director Takashima ng Japan. Nagbigay din ng suporta ang Teshirou Electronics sa atin.", aniya ni Xander.

"And Boss, kailangan na daw ni Mr. Yamamoto ang layout na inaprubahan niyo."

"Boss, yung event para sa opening ng new building, kailangan ko po ang opinyon niyo regardless sa plans. Kailangan niyo ring makipag-meeting sa event organizer."

"Boss, na-isubmit na ba ni Miss Rodriguez ang payroll? Kailangan mo na iyong pirmahan."

Wala akong maunawaan isa man sa sinasabi ng mga tao sa board meeting. Ang isang kamay ko ay abala sa paglalaro sa hawak kong sign pen. Pinaiikot ko iyon habang ang isa naman ay abala sa paghaplos sa aking labi. Napapangiti ako sa tuwing bumabalik sa aking gunita ang pinagsaluhan naming halik ni Hailey. Hindi ko magawang burahin sa aking alaala ang paghalik nito sa akin.

Tumatawa ako sa alaalang iyon. Hindi maikubli sa aking labi ang pag-ngiti.

"Boss?"

Ang tinig nila ang bumasag sa aking magandang alaala. Ganoon na lamang ang pangungunot ng mga noo nila ng mapuna ang malakas kong pagtawa. Baka nga natitimang na ako.

Breath in. Breath out. Saka ako tumikhim kasabay ng pagseryoso ng mukha. Kahit walang pumasok sa utak ko mas pinili ko na lamang na tapusin ang meeting. "Ahm, meeting adjourned. Being the chairman, I support you. And about naman dun sa mga papeles na pipirmahan ko, si Miss Rodriguez na ang bahala maghatid ng mga files na iyon sa opisina ko."

Nagsitanguan sila at isa-isang lumabas sa conference room. Napabuga ako ng malalim na buntung-hininga nang makaalis ang mga board members na siya ring tumatayong members ng Beehive.

Karaniwan, ang routine ko lang palayo ang bahay, kumpanya, ngayon, hindi ko na makuha pang mag- overtime sa kumpanya dahil exited akong umuwi.

*****

WEEKEND. Kaharap namin ang billiard table. Naroon kami sa entertainment room ng bahay. Si Hailey hindi makapaniwala na nagdala ng babae si Lennox. Nakaawang yung bibig nito habang pinagmamasdan yung babae sa harapan niya. 

Nakakagulat namang talaga kasi, maging ako ay nagulat rin dahil ngayon lang nagdala ng babae si Lennox. Marahil ay nakilala nito ang babae sa isang exclusive bar o isang party.

Niyaya ko na silang kumain nang mailagay na nila Nami at nung mga maids yung mga pagkain sa mesa. Hinila ko ang upuan at pinaupo roon si Hailey sa tabi ko.

So I Married The Mafia BossOnde histórias criam vida. Descubra agora