Kabanata 28

18.8K 376 13
                                    


WARNING: The chapter contains explicit mature content (Rated M).
This is not suitable for persons below 18 years old.

Read at your own risk. The events are product of the author's imagination.
✡✡✡✡✡

A/N: Hey guys! Thank you so much for 1.3k reads! This mean so much to me. Thank you for the votes! Saranghayo chingu. You motivated me to write. Again thank you.
✡✡✡✡✡✡

Hailey's POV

MGA ALAS OTSO ng umaga nang makarating ako sa shop. It was one of those window-front shops with faded lettering over the single, mostly glass door. Nakatayo ako sa gilid ng counter kasama si Trisha. Ang shop ay napalilibutan ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak gaya ng american roses, lilies, carnations at kung anu-ano pa na sumasamyo ang halimuyak ng amoy ng mga iyon sa loob.

Hanggang sa isang lalaki ang biglang pumasok sa shop. Hindi ko man nais pasadahan ang kanyang postura ngunit hindi ko mapigilan ang sariling pagmasdan ang tema ng kasuotan niya. Anong klaseng fashion sense ang mayroon ang lalaking ito? Ang costumer ay nakasuot ng itim ng sombrero, itim na coat, natatakpan din ng face mask ang bibig nito, at ang isang mata ay natatabunan ng eye-patcher gaya ng sa isang pirata.

His eyes flickered to me. Humarap ito sa akin. Si Trisha naman ay napakapit sa braso ko sa takot sa lalaking ito. Siya na ba si Grim Reaper? He looks like it.

"I've come to my flower."

Napakurap ako. Nagkatinginan kami ni Trisha dahil mukha wala kaming matandaan na nagpa-reserve o nagpa-deliver ito ng bulaklak. At ito rin ang unang pagkakataong makita namin ang misteryosong lalaki.

The vibe of this man was weird. Ang get-up niya ay old-fashioned style noong 80's.

"We're you looking for something particular, Sir?", tanong ko.

Inikot nito ang paningin sa mga bulaklak sa gilid hanggang sa huminto ito ng matagal sa akin. "Yes, I am looking for my very special flower. The rare one. The flower that hard to find."

May ganoon bang klaseng bulaklak? Ano to lokohan?

I frowned. Ayaw ko sanang makadama ng takot pero hindi ko mapigilan ang pagtaas ng balahibo sa aking mga braso. His wondering eyes fell on me.

Tumikhim ako. "Pasensya na ho, Sir pero wala po sa shop namin ang bulaklak na hinahanap niyo. Maybe you could find another shop."

Ang lalaki ay humakbang palapit sa akin hanggang sa hinawakan nito ang braso ko kung kaya't naalis ni Trisha ang kamay niya sa pagkakakapit doon.

"Hailey...", ani Trisha. Ang boses niya ay may halong takot.

He leaned towards me. He lowered his voice to a soft, sensual whisper. Ang boses nito ay malalim dahil na rin siguro sa face mask na yumayakap sa bibig nito.

"But the flower I'm looking for is here."

Nagtaas ako tingin. Inipon ang tapang na sa aking katawan. Naniningkit ang aking mga mata ng balingan ko ang lalaki. "Sorry, Sir but I guess you stop on a wrong shop. If you will continue to creep us out, you better go away."

Bastos man ang inasal ko sa costumer na ito ay wala na akong pakialam. There was interest in his eyes. Ang pagkakahawak niya sa aking braso ay lalo pang humigpit.

Tuluyan nang nagsalubong ang aking mga kilay. Anong karapatan nitong hawakan ako ng ganoon? Wala naman ah lalo pa't estranghero ito. "Sir, paumanhin pero talagang----"

"Anong nangyayari dito?", isang tinig ang nagpalingon sa amin.

Ang boses na iyon ay pag-aari ni Ma'am Thalia. Nagtatanong ang mga mata nito nang bumaling sa akin. Nanghihingi ng paliwanag sa trato ko sa costumer.

So I Married The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon