Kabanata 50

20.9K 361 6
                                    


HAILEY POV

"HELLO, Hailey, asan ka na? Just get back here. Nag-aaway sina Hunter at Light ngayon. Get back here, ASAP!", Nabitawan ko agad ang cellphone ko ng marinig ang garagal na tinig na iyon ni Thalia. Sa kamamadali ko, ni hindi ko na nagawang pulutin pa ang cellphone ko. Inalis ko pa nga ang suot kong stilletos para lang agad na makalabas ng restroom at bumalik sa event.

Nakapagtataka lang na biglang magkagulo dahil mukhang okay lang naman ang lahat kanina? Hell. Ngayon pa talaga nila naisip na magsuntukan sa pinakamasayang araw ng bagong kasal. Ano na lang ang iisipin ni Lennox, di ba?

Halos madulas na ako sa mala-flash ng bilis ng pagtakbo ko, clutching my chest and panting.

Hinihingal ako dulot ng pagtakbo. Iginila ko ang paningin ko, hinahanap ang dalawang lalaking puno't dulo ng gulo. Gayunpaman ay hindi ko sila maaninag marahil siguro natatakpan sila ng mga taong nagkukumpulan.

Nang mapansin ng mga taong iyon ang aking presensya ay ayan na naman sila sa kaniya-kaniyang bulungan at lahat ng paningin nila'y dumako sa akin. Pakiramdam ko tuloy para akong kriminal na may patong na malaking halaga dahil sa bigat ng nagawang kasalanan sa batas. Nang magsimula uli akong humakbang ay agad naman akong ginapangan ng kaba. Ewan ko ba kung bakit parang may kakaibang aura ang nararamdaman ko.

From the looks I am getting from every corner of their eyes, I could feel some strange aura.

"Hailey."

Agad na umangat ang mukha ko at napasinghap ng makita si Hunter at Light. Kapwa sila may mga pasa sa pisngi. Pruweba na galing nga ang dalawa sa suntukan.

Pero ang nakapagtataka, mukhang maayos at magkasundo naman ang dalawa. Nakaakbay pa nga si Light kay Hunter. Naihilig ko ang aking ulo sa pagiging confused sa mga nangyayari.

Nakita kong nginitian ni Light si Hunter at nag-thumbs up pa. Ngumiti naman pabalik si Hunter bago lumakad pahakbang sa direksyon ko. Nag give way pa nga ang mga bisita para makadaan siya. Smiling dismissively and people moving politely aside to get to me. Nag isang metro na lang ang lapit namin sa isa't-isa ay huminto siya. Naglahad siya ng kamay. Ibig sabihin ay nais niyang lumapit ako sa kanya.

Humakbang ako palapit. Unti-unti hanggang nasa harapan na niya ako. Nagulat pa ako ng nakawin niya ang mga stilettos na nasa kamay ko at iyon ay kanyang isinusuot sa aking mga paa. Pakiramdam ko tuloy parang ako si Cinderella na isinusuot ang glass slipper ng kanyang prince charming.

Nang matapos na iyong masuot. Agad naman siyang tumayo ngunit hinuli naman nito ang aking kamay saka hinalikan ang likuran ng aking palad.

Bakit ba ang hilig niyang gawin sa akin ito? This is romantically torture! Tinotorture niya ang puso ko sa pinaghalong kaba at kilig.

"N-Nag-away daw kayo ni L?", Bulong ko, tinitiyak na kami lang ang magkarinigan. "And I don't know what you think you're doing trying to upstage me at your brother's wedding party?"

"Nag-uusap kami. Lalaki sa lalaki. At bigla niya na lang akong sinuntok. Sinabi niya alagaan daw kita at mahalin ng tapat. Bibigay ka niya sa akin."

Ngumiti ako. Ganoon naman pala ang nangyari. Nang tingnan ko ang paligid, agad akong napalunok ng masilayan ang mga pares ng nga matang nanonood sa amin. Ano bang m? Parang may alam sila na hindi ko alam.

Isang lalaki ang biglang lumapit sa amin. Ang lalaking iyon ang tumayong emcee kanina. Inabot nito ang wireless microphone kay Hunter bago ng-thumbs up at saka nag-congratulate din sa akin.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now