Kabanata 45

15.8K 274 10
                                    

Brianna POV

"COME ON", Sabi ko habang hila-hila ang isang kamay ni Hunter. "You're dragging your feet.", Biro ko.

Hunter smiled politely as he followed me. Mula sa top floor ng hotel, ini-lock ko ang pintuan ng penthouse gamit ang swipe card. Isinandal ko ang aking likuran sa ajar door saka ko ipinulipot ang braso ko sa leeg niya.

"What would you like to drink?", I asked huskily, sinadya ko pang ilapit ang labi ko sa labi niya and my body as close to his, an invitation no man ever resists.

Tinanggal ni Hunter ang mga braso ko sa leeg niya at bahagya akong itinulak palayo. "It's late, Brianna."

Sumimangot ako. "Ayaw mo ba magtagal kahit saglit lang?", Tanong ko, pouting my lips to full effect so he'd want to kiss me.

Umiling si Hunter. "No, you need to rest. Good night. And maybe this is the last time na ihahatid kita dito sa hotel. Bakit ba ayaw mong umuwi sa inyo?"

Ngiti lang ang isinagot ko. Nang maunawaan niyang hindi ko masasagot ang katanungan niya ay nagsimula na siya lumakad palayo.

Nakita ko pa ang pagpasok niya sa elevator at makalipas ang ilang minuto ay wala na siya.

Naiinis na napapadyak ako. Once I  thought I  had gotten my frustration out of my system, I  turned on my heels at inihagis ang sarili sa malambot na kama.

"You're not getting far with him, Brianna.", Tinig iyon na lalaking nakasandal ngayon sa pintuan ng kwarto ko at pinagmamasdan siya.

Mabigat ang hiningang pinakawalan ko. "Why does it has to be him?"

"My dear, alam mo ang dahilan kung bakit siya."

"He's so damn slow and tedious. I offered myself to him many times, pero hindi man lang niya makuha ang gusto kong mangyari. He hasn't yet taken the hint. Ni hindi man lang niya ako magawang halikan. At dahil iyon sa babaeng iyon.", Nangigigil na pahayag ko.

"Daddy, hanggang kailan ba natin ito gagawin?", Muli kong sinabi.

"Until we can get all the money we can.", Sagot ni Francis De Luna. Umupo ito sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. "We need his money to tide us over. Alam mo naman na unti-unti tayong bumabagsak at dahil wala pang kaalam-alam si Hunter tungkol sa pagka-bankrupt ng De Luna Empire, umaangat pa rin tayo sa altasosyedad dahil sa kapit natin sa Chamomile at Sylverio Industries."

"Alam ko iyon, Daddy.", Muli kong pahayag. Ibinagsak kong muli ang katawan ko sa kama mula sa pagkakaupo kanina. Nakipagtitigan ako sa kisame bago ko muling ibinuka ang aking bibig. "But it sooo boring. Hindi na siya yung dati. Wala ng fun sa kanya. Ayaw na niya sa akin at obvious na obvious na itinataboy niya ako kapag nahahalata niyang inaakit ko siya. He's not interested in me."

"Yun ang gusto niyang isipin mo para tuluyan mo siyang layuan.", Sambit ng aking ama bago nito pisilin ang tungki ng ilong ko. "You're beautiful, what man doesn't want you? I heard Hunter has a girlfriend, totoo ba iyon?"

"Daddy.", Naiinis kong sinambit. "Hindi girlfriend ni Hunter ang basurang iyon. I'm going to be his girlfriend. No, scratch that I'm going to be a Sylverio soon! And that's a promise!"


HAILEY POV

"KUYA, PAHIRAM MO NA sa akin yung socorro mo.", sabi ni Chrome kay Hunter.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now