Kabanata 21

20.5K 390 3
                                    

  "Don't dare a person who has nothing else left to lose."
― Susan Elizabeth, Kiss an Angel   

****

Kabanata 21 ― Dare

Hailey's POV

"ALL passengers may I have your attention, please?" isang tinig mula sa speaker sa itaas ang ume-echo sa loob ng eroplano. Ang boses na iyon ay nanggaling sa tinig ng piloto.

"In order to follow the procedure of boarding, please fasten your seat belts. We are about to take off."

Dahil sa hindi ako sumusuway at dahil kailangang sundin ang procedure na iyon, inabot ko ang seat  belt subalit  ibang kamay ang gumawa non. Inilagay ni Hunter ang seat belt sa akin. Nagsimula na naman akong mainis, para akong bata sa kanyang inaasta.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan." wika ko sa aking katabi.

"And why is that?"

"Hindi na ako bata, Hunter."

"You're twenty-one. You're still a kid."

"Kid? I' m adult now!"

"Well, I prefer to be sure, just in case.", sagot ni Hunter.

Bumuga ako ng hangin. Take note, huwag makipag-usap sa isang Sylverio, maasar ka lang.

 

Nginitian ko si Lennox sa kabilang side ng upuan. Sumimangot ako ng hindi man lamang ito gumanti ng ngiti sa akin. Suplado!

"Teka lang, bakit parang wala yung mga men in black mo?", kalabit ko kay Hunter.

"Sa helicopter sila sumakay."

"Talaga? May helicopter ka? Bakit hindi tayo dun sumakay?", curious kong tanong.

"Dahil yun ang gusto ko."

Ngumiti ako. Sarap talagang batukan nito.

After Hunter stopped bugging me with his flirtatious annoying comments tuluyan itong nakatulog. Ngumiti ako nang mapagmasdan siya. Himbing na himbing siya. He look so cute and vulnerable. Para bang ibang tao ngayon ang katabi ko.

His eyes were now close, giving me time to admire his features. His lips were partly parted and his chest was moving evenly. Like a baby. 

****

BUMABAGABAG sa akin ang lahat ng nangyari. Ang pangingidnap noon ni Hunter na nauwi sa engagement hanggang tumuntong sa pekeng kasalan. Yung pagbabago ni Hunter from icy cold to warm, yung pangingidnap ni Trent, yung mafia war, at yung nakalilitong damdaming unti-unting umuusbong sa akin.

Pumupungay-pungay ako habang nakatitig doon sa bulaklak na ina-arranged ko kanina. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang kaganapan sa Italy pero sariwa pa rin ang alaalang iniwan sa utak ko. Isa lang naman na ang gumugulo sa akin, iyon ay ang sarili kong damdamin. Iyon ang kumakalaban sa sistema ko ngayon.

Nang muli kaming magkita nila Trisha nagsiiyakan kami. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kay Trent. Napaka-demonyo ng Italyanong iyon. Magpasahanggang ngayon kinikilabutan ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang pangalan nito. Sa tingin ko nga na-trauma ako.

At si Hunter lalong naging over protective. Kulang na lang gawan niya ako ng kadena sa kamay niya. Araw-araw ang ginagawa nitong paghatid-sundo sa akin sa shop. Buti na nga lang at napapayag ko siyang magtrabaho parin ako sa shop.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now