Kabanata 26

19.5K 357 5
                                    


Hailey's POV

NAKAGAT ko ang labi ko.

May kung ano sa tiyan ko ang kumiliti sa akin. Hindi ako makapagsalita. Para bang nanuyo ang aking lalamunan. Pero ang kalabog ng puso ko ay doble. Hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa bibig ng lalaking matamang nakatitig sa akin. Ang pagsusumamo ng kanyang mga mata ang lalong nagpangatog sa aking tuhod. Hindi ko alam kung ano ang tamang emosyon ang dapat na gumuhit sa mukha ko. Dapat bang gulat na gulat? Eh kung naiinis kaya? O galit? Nakangiti? Nakangiwi? Hindi ko alam. Ang alam ko lang nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Hindi ka naman tanga. You're just too stubborn. At manhid... If liking you is a crime then I'm willing to be a criminal. I will wholeheartedly accept my crime."

Ang tinig ng boses niya ang malalim at malambing-- carrying the air of confidence-- or should we call it arrogance?

He made a face. "Nakakatawa di ba? Ako itong naghamok ng falling game pero ako itong natalo. Natutuwa ako kapag namumula ka. You're always pretty but now you're scary beautiful."

I knew it, namumula nga ako! I was really dying because my heart beating so loudly.

Nararamdaman ko ang aking sariling nahuhulog sa isang magic spell na ang lalaking ito lang ang lihim na nakagagawa. Hindi ko ma-specify kung ano at bakit siya nagiging intriguing para sa akin but I know I was hooked.

Nagyuko ako ng ulo. Paano ko ba siya Haharapin? Naiinis ako sa sarili ko dahil napakasinungaling ko. Tama nga ang sinabi niya sa akin noon. Iba ang sinasabi ng bibig ko sa aking ikinikilos. I'm a big liar. A denial queen. I was pretty devastated about everything he said.

"Everyday without you is a torture to me. Without you I've been living in my own personal hell. Mahal kita, Hailey. Mahal na mahal at pakiramdam ko nalulunod na ako sa damdaming iyon. Sobra kitang mahal."

My heart speed reach to 1000 mph as I tried to calm myself down!

"I love you, Hailey."

Tumigil siya at tumitig sa akin. Humakbang siya palapit sa akin. Unti-unti akong nag-angat ng ulo sa kanya. Nang magsalubong ang aming paningin ay mas lalo lang naghuramentado ang sistema ko. And I can't control it. Napakataksil talaga ng katawan ko.

Talagang nasopresa ako sa biglaang pagtatapat niya ng kanyang nararamdaman para sa akin. Hindi ko iyon inaasahan kaya naman kinakabahan ako ng husto. Nagtindigan din ang aking mga balahibo.

"Hailey..."

"H-Huh?", pagmamaang-maangan ko. Pinagpawisan ako kahit malamig sa loob. "Hindi kaya gutom ka lang? Baka kulang yang kinain mo? Magluluto ako ulit.", tumayo ako ng tuwid nang kuhanin kong muli ang chopping board nang bigla uli itong magsalita dahilan upang hindi ako makagalaw.

"Hindi ako naniniwala sa mga fairytales but I want to experience the hapilly ever after. I wanted to create a story of our own. At sa story na iyon, ikaw ang leading lady."

OH MY GOD! THIS IS IT! NATUNAW NA AKO NG TULUYAN! HELP ME LORD!

Nag-init ang pisngi ko dahil hindi ko iyon kinaya. Ang bawat sinasabi niya ay talagang tumatagos at bumabaon sa puso ko. Gumagapang ang kaba sa aking katawan. At hindi ko magawang sisihin ang katawan ko na magkaganoon sapagkat bente-uno pa lamang ako at sa edad na iyon ay hindi pa ako nagkaroon ng nobyo dahil kinulong ko ang aking sarili sa pagkakayod para sa pamilya. Oo, wala pa akong nakarelasyon. Na hindi pa nga nagka-nobyo ay agad namang nagkaroon ng asawa. Kaya ang emosyong ito ay bago lahat sa akin.

Nakakainis mang aminin pero si Hunter ang nakauna lahat sa akin.

Binitawan ko ang chopping board at humakbang palayo. Parang nawawala ang kaluluwa ko sa aking katawan. Idagdag pa ang tindi ng langitngit ng ingay ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang singhap na kumawala sa bibig ko nang humakbang ito palapit sa akin. Magnet ba ito, ang hilig dumikit sa akin?!

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now