Kabanata 39

14.3K 245 7
                                    

HUNTER POV

THERE WAS ONCE a saying that love love is like two people pulling a rubber band. If one let it go it hurts the one who held on.

Ang tanong sino sa aming dalawa ang nananatiling nakahawak pa rin sa rubber band? Is it me or her?

"Bwiset!", Pagmumura ko na may nakapinta pang iritable sa mukha ko. Nakita ko si Hailey na biglang natapon yung pinatimpla kong kape nang marinig niya ang pagmumura ko. Gusto ko pang matawa sa naging itsura niya. Back to myself, naiinis na binuhol kong muli ang neck tie ko. I am used to doing my tie alone pero bakit ngayong andito siya ay parang hindi ako mapakali? Damn, it's her fault. Kaya ngayon pati ba naman simpleng neck tie ay hindi ko na maayos ng mag-isa dahil lang sa presensya niya?

Sa presensya niya ba o dahil sa nakita ko kanina? Alam kong wala na akong karapatan pa sa buhay niya pero nang makita ko ang ginawang paghalik ni Light kay Hailey sa mismong labi ay nagdala ng inis sa akin. Kung anu-ano tuloy ang inutos ko sa kanya kanina.

Naguguluhan ako sa estado ng relasyon nila. Are they friends or a couple? Ay ewan!

Tiningnan niya ako pero ako na ang nag-iwas ng tingin dahil ayaw kong makita niyang nahihirapan ako sa pag-aayos ng neck tie ko. Napa-ungol na ako out of frustration. Tapos yung sekretarya ko parang walang pakialam sa estado ko. Ni hindi man lang naisipang tulungan ako!

Kainis talaga palibhasa kasi yung Light Acueza na yun lang ang inaatupag kaysa sa akin na mismong boss niya.

"Miss Sandoval.", Humarap ako sa kanya.

Teka lang sino ba sa amin ang boss at nagagawa niya akong pagtaasan ng kilay?

Ngumuso ako at itinuro ko ang pula kong neck tie.

She just rolled her eyes.

Tumaas naman ang tungki ng labi ko.

"Ano na naman pong ipag-uutos niyo, Sir?", Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang Sir. Gusto ko tuloy hilahin ang buhok ng kilay niya sa katataas eh. Bumuntung-hininga na lang ako.

I'm gonna deal with her later.

"Fix it.", Tinuro ko ang nabuhol kong neck tie. Pinameywangan ko pa siya.

"I'm just your secretary. Doing that stuff is not part of my job."

"May meeting ako sa mga investors from Canada. Bwiset na neck tie 'to!"

Napakurap pa siya sa muli kong pagsigaw. Unti-unti siyang lumapit sa akin saka hinawakan yung neck tie ko. Bumuntung-hininga pa nga siya nang tingnan ako sa mga mata.

Hindi siya nagsasalita habang inaayos ang neck tie ko. Pakiramdam ko tuloy gusto kong tumigil ang oras para manatili kami sa ganoong sitwasyon.

Nang itaas niya ang mukha niya ay ganoon na lamang ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. "Ang problema kasi masyadong mainit yang ulo mo kaya pati simpleng bagay hindi mo magawa.", Puna ni Hailey tapos ay inabot ang kape sa akin. "Baka lumamig ulit. Pang-apat na timpla ko na yan, Sir."

"Tss. That's your punishment. Kainis!", Bulong ko. Hiniling na sana ay hindi niya iyon narinig subalit nang makita kong nagsalubong ang mga kilay niya'y mukhang alam ko na hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya.

Magsasalita pa sana siya ng binuhol kong muli ang neck tie ko na inayos niya kanina.

Ngiting-ngiti akong nilingon siya. Sarap niya tuloy asarin. Gustung-gusto kong makita ang pagkakairita ng mukha niya. The emotions she make this time is real.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now