Kabanata 43

13.7K 266 5
                                    

Warning: Rated R+18. Slight spg.

HAILEY POV

I SHOOK MY HEAD, unable to voice my thoughts.

"It seems possible that someone so pure can suddenly be impure in just a couple of years."

Hunter stared at me, eyes questioning.

"I'm dangerous, Hailey.", Aniya nang hawakan niya ang baba ko at itinaas iyon upang magtama ang aming mga paningin.

"Alam ko iyon.", Napahawak ako sa dibdib niya. "Why are you shirtless?", Tanong ko upang maibabalik ang usapan dahil kakaiba na ang bugso ng nararamdaman ko at ipinagdarasal ko na sana ay hindi niya iyon mahalata.

Ngumiti lang siya bilang kasagutan sa aking katanungan.

"Alam kong malaki na ang pagbabago mo pero hindi ko ito ine-expect. Are you becoming a nudist?"

Lumawak pang lalo ang pagkakangisi niya sa sinambit ko. "Very funny, Hailey."

Inilipat niya ng tuluyan ang mukha niya na lalong nagpakaba sa akin. Naghuhurumentado na ang dibdib ko. Maging ang mga paruparo sa tiyan ko ay hindi mapakali. "Hindi ka ba komportable sa akin?", Hunter said, giving me a smirked. "Still as innocent as ever."

Namula ako, feeling embarrassed.

"Ano bang ginagawa mo sa akin?", Ang wika ko na lang dahil hindi ko na mafigure out pa ang susunod kong sasabihin.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ano nga ba? Hindi ko rin alam kung ano nga bang ginagawa ko. May mga bagay pa rin na sadyang hindi nagbabago."

"And some things do.", Pabulong kong sinabi.

Tumikom ang bibig ni Hunter habang napakurap. Iniiwas niya ang kanyang paningin bago ko pa mabasa ang ekspresyon na dinadala niya, na ipinagdasal ko na sana ay mabilis ang reflexes ko sa pagkakataong ito. Bukod pa doon, batid ko na tinamaan siya sa ibinato kong pahayag sa kanya at sana ay maisip rin niya ang pagbabago niya sa mismong sarili  niya.

"Maybe my actions were often dumb but I had a common sense. I know there still good in you. I know you're heart still full of love."

Nasorpresa siya sa mga sinabi ko, napipinta iyon sa paraan ng kanyang pagkakatitig sa akin. Seemingly speechless.

Nilubayan na niya ako at nakita ko kung paano siya umupo sa sofa. Napasuklay pa nga siya sa buhok niya. Nag face-palm at saka nilingon ako saglit. Lintek! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Yung mga mata niya para bang may ibig sabihin, which means ba na gusto niyang magtabi kami roon sa sofa? Niloloko mo ba ako, Sylverio? Ano ba talaga ang nilalaman ng utak mo? Dahil ang alam ko lang ay sobra mo akong kinamumuhian. Kaya nga heto't naguguluhan na ako sayo.

Minsan ipinapakita niya ang pagkasuklam sa akin. Then the next day, he show his concerned towards me and then the next his angry again. Acts so sweetly and curse me again. And now... Ugh, aasa pa ba ako sa paniniwalang may gusto pa rin siya sa akin? Kasi ngayon, ang pag-asang pinanghahawakan ko ay patuloy na nanlalabo dahil sa idinulot kong sakit sa kanya noon. Pero kahit na magkagayon ang nagawa ko ay hindi tama ang pakikitungo niya sa akin. He is overstepping my empowerment.

"Uhm, so.. what's your story with... M-Miss De Luna?", Tanong ko nang lumapit ako sa kanya subalit nanatili pa rin ako sa aking pagkakatayo.

"She's my ex."

Mapakla akong ngumiti. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot niya. Hindi iyon ang nais kong marinig dahil alam ko na ang estado nilang iyon. Ang nais kong malaman ay kung may romantic stances ba sa dalawa.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now