Kabanata 41

13.3K 271 8
                                    

HAILEY POV

"LET'S HAVE A TOAST GUYS!", Malakas na sabi ni Levi nang ipakita sa amin ang hawak niyang beer.

Sumang-ayon naman silang lahat. Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko ng mabawi ko ang normal na paghinga. Gusto ko tuloy pasalamatan si Levi sa ginagawa niya dahil nalipat ang atensyon nila sa kanya.

Inabutan ako ni Levi ng beer saka bumulong sa akin. "Huwag kang sumuko, Young Miss. Mahuhuli mo rin ang kiliti ni Boss. Fighting!", Sabay kindat.

Buong determinasyon akong tumango sa kanya.

Wala na kaming panahon pa para makapag-usap muli ni Levi dahil hinatak na ito ni Xander at mukhang malalim na ang pinag-uusapan ng dalawa.

Naubos ang tatlumpung minuto sa lihim na pagsulyap ko kay Hunter. Ngayon, masasabi kong totoo ang ipinapakita niyang emosyon. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing maririnig ko ang tawa niya habang nakikipag-kwentuhan kina Xander.

"Lei...", I looked up and saw Light. He sat beside me at inakbayan ako.

Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin. "It looks like... ako ang talo kanina.", Saka ito tumingin sa tumatawang si Hunter. "Ang dating humihingi ng pagmamahal, siya na ngayon ang hinahabol. Yung dating lumalayo siya na ngayon ang nanglilimos.", He averted his gaze on me.

Nilingon ko siya, nginitian niya ako saka hinaplos ang buhok ko. Gusto kong magsalita pero yung sinabi niya tumama sa kaibaturan ng puso kong animo kidlat na sumentro roon.

"Now my question for you, Lei. Ngayong nakita mo ang pagbabago ng lalaking minahal mo noon, ngayong ikaw na ang umaasa at naghahabol. Kahit ikaw na ang sinasaktan niya. Will you still love him the same?", Mapapait ang naging pahayag ni Light sa bawat salitang sinabi.

Pinili kong huwag na lang siyang sagutin. Ngayong alam ko na rin ang nararamdaman niya para sa akin, ang sagot ko ay maaaring makasakit din dito.

"Okay next question, will you give me a chance? Pwede mo na bang buksan ang puso mo para sa akin?", He said and gave me his hand.

Dumako lang ang paningin ko sa nakalahad niyang kamay.

Mapakla ang naging pag-ngiti ni Light nang ito na rin ang bumawi sa sariling kamay. "Hmm, I can wait. Even if forever takes me."

Muling kumirot ang dibdib ko sa sinambit nito. Ano ba kasing iniisip ni kupido at mukhang pinaglalaruan kami?

Unti-unting bumalik sa mesa ang mga kaibigan namin. Iinumin ko na sana yung beer kaso hindi natuloy na lumandas ang likido non sa aking lalamunan nang agawin ni Hunter at ipinalit ang pinaghalong vodka at pineapple juice sa kamay ko.

Saka tinungga ni Hunter ang beer na inagaw sa akin. Nang tingnan ko ang katabi ko, lalo lang sumimangot si Light. Sinipsip ko na lamang ang straw sa vodka saka sumulyap kay Hunter. Nakita kong palihim din siyang tumingin sa akin kaya sabay pa kaming nag-iwas ng tingin.

"What actually have you done that I can't imagine, Lei?", Nakasimangot na tanong ni Light. Yun ba yung sinabi ni Hunter kanina?

Namutla ako.

Ngumiti si Hunter saka makahulugang tumingin sa akin. Tapos ay ininom na niya yung beer. Bumaling na lang ako kay Light.

"W-Wala yon, huwag mo nang isipin.", Nauutal kong sinabi.

Tumaas ang kilay ni Hunter sa akin. "Talaga? So, ano yun naglaro lang tayo ng bahay-bahayan?"

Dumoble ang pag-init ng pisngi ko at trumiple pa ng bumaling silang lahat sa akin. "That's not what I mean!"

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now